Buntis sa kanyang ikatlong baby ang celebrity mom na si Isabelle Daza.
Kuwela kung paano niya ini-announce sa Instagram noong November 5, 2022 ang kanyang pregnancy.
Hango ito sa isang OMG app game na "What Costume Are You?" na kalat ngayon sa Facebook. Kapag pinindot ng user abg "Click To Play," automatic na lalabas ang mga description.
Sa kaso ni Isabelle, nag-post siya ng Halloween costume na may label na "pregnant influencer."
Ito ay adult size na influencer costume set, kasama ang "baby bump, ultrasound announcement photo, Apple Watch, athleisure leggings, at 'We're pregnant!' Pinterest sign."
Hindi naman included ang "10,000 steps, Baby Zen stroller, at nausea."
Sa packaging, may photo rin si Isabelle ing long-sleeved Zebra-print dress, habang hawak ang kanyang baby bump.

Nilagyan niya ng caption ang photo ng: "baby #3."
Ang panganay nina Isabelle at ng mister niyang si Adrien Semblat na si Balthazar ay ipinanganak noong March 2018.

Ang kanilang second child na si Valentin ay ipinanganak noong April 2021.
Wala pa siyang ibang updates tungkol sa kanyang kasalukuyang ipinagbubuntis.
Bumaha naman ng pagbati mula sa kanyang mga kabigan at kapwa-celebrities, na karamihan ay natuwa at nag-enjoy kung paano niya niya ibinalita na madadagdagan na naman ang kanilang pamilya.
Ika ni Pia Wurtzbach, "The best way to announce."
Nag-congratulate naman sina Rhian Ramos, Bianca Gonzalez, Elisse Joson, Iya Villania, at ang pinsan ni Isabelle na si Jess Wilson.
