PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto on singing a week after giving birth

"Alam niyo, ultimo ABC, hindi ko magawang kantahin."
by Rommel Gonzales
Published Apr 7, 2023
Angeline Quinto Baby Sylvio
Angeline Quinto has started preparing for the celebration of her son Sylvio's first birthday on April 27, 2023.
PHOTO/S: Rommel Gonzales; Cocoon Studio PH

Abala si Angeline Quinto sa pag-aalaga sa anak niyang si Sylvio.

“Last month, nag-start na po kami para sa preparation ng first birthday niya,” umpisang kuwento ni Angeline tungkol sa baby boy nila ng partner niyang si Nonrev Daquina.

One year old na si Sylvio sa darating na April 27, 2023.

Angeline Quinto Baby Sylvio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Angeline sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakakabawi na raw siya sa puyatan sa pag-aalaga sa kanyang anak.

“Medyo okay naman na po, nakakabawi na po ulit ng tamang tulog. Unlike kasi nung ilang buwan pa lang, nung newborn pa lang po si Sylvio, doon ako medyo nahirapan.

“Pero ngayon, at least nakapagtrabaho na po ulit ako, so nakakatanggap na rin ng work.”

THE FIRST TIME BABY SYLVIO SAID MAMA

Masaya namang ikinuwento ni Angeline ang mga milestones ni Sylvio habang lumalaki.

Aniya, “Ang unang-unang na-witness ko po talaga yung nagsalita siya ng 'Mama,' at nandoon ako.

“Parang hindi ko alam yung magiging pakiramdam, ganun pala talaga.

“Naiiyak ako sa tuwa nung narinig ko. Yung gusto ko siyang paulit? ‘Ano yun, Sylvio?’ 'Mama, Mama, Mama.’

“Tapos sabi nila, ‘Ay naku, mas magiging malapit sa iyo iyan kasi unang tinawag ka, hindi ang Papa’, ganun daw po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang plus points po iyon bilang nanay.”

Ngayong nagsasalita na si Sylvio, may tono na rin ba ang pag-iyak nito, lalo na't singer ang kanyang ina?

Sagot ni Angeline, “Napapansin ko po! Pero si Nonrev ang nagsabi sa akin na sa lahat ng mga batang nakikita niya umiyak at naririnig niya, kakaiba talaga ang iyak ni Sylvio.

“Mataas, e!”

Si Nonrev daw ay mahilig din sa music.

“Mas sa rap, mas nagra-rap po siya, rapper.”

Tungkol sa journey niya bilang ina, aminado si Angeline na hindi ito madali.

THE FIRST TIME ANGELINE HELD BABY SYLVIO

Pero natutuwa siyang pagkapanganak niya, ramdam daw niya agad ang maternal instinct.

“...Yung pagiging nanay parang hindi mo kailangang, alam mo yun, parang hindi siya kailangang pag-aralan.

“Kasi ako, sa totoo lang po, nung ipinanganak ko si Sylvio, takot na takot akong hawakan siya kasi ang liit-liit!

"Tapos sabi sa akin nung isang nurse na nagbantay po sa akin sa hospital, sabi niya, ‘Ma'am hindi kita tuturuan, subukan mo lang.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos ganun, pagbuhat ko sa kanya, marunong pala ako.

“Yung mga ganung bagay, na ang pagiging nanay pala, automatic iyan. Pag nakita mo yung bata magagawa mo ng lahat."

Angeline Quinto photo after giving birth

ANGELINE'S FIRST GIG AFTER GIVING BIRTH

Kasama sa challenges na kinakaharap niya ang separation anxiety, lalo't bumalik na siya sa pagtatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So medyo, mahirap din po na maibalanse yung oras sa trabaho at pagiging nanay. Pero kinakaya, sa tulong din ni Nonrev, kasi minsan pag wala po ako sa bahay siya talaga yung nakatutok kay Sylvio.”

READ: Angeline Quinto, gustong kasama ang anak at partner kahit sa trabaho

Nagkuwento rin si Angeline tungkol sa unang beses niyang iniwan si Sylvio para magtrabaho. Apektado raw ang pagkanta niya.

“Kasi nung time na iyan, one week pa lang si Sylvio, back-to-work na, one week pa lang. So may pumasok na work po, sa Pampanga lang naman, hirap na hirap akong kumanta.

“Kasi CS [Caesarean section] po ako, e. Alam niyo, ultimo ABC, hindi ko magawang kantahin.

“So napapraning na ako, sabi ko, ‘Ano nangyari sa boses ko?!’

“So kahit medyo hirap pa po ako noon dahil gustung-gusto ko na talagang kumanta, pinilit ko ang sarili ko. Siyempre andiyan pa yung anesthesia, medyo nahihilu-hilo ka pa. E, kinaya naman," at tumawa si Angeline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng singer, “Doon ko na-feel na ang hirap palang mawalay sa kanya nung ganun pa lang siya kaliit.

“Iyon po yung lagi kong, nung time na yun ha, lagi kong nire-ready yung sarili ko. Kapag may trabaho ako, siyempre, maiiwan ko na naman siya sa bahay.

"Pero ang maganda dun, excited ka laging bumalik ng bahay after ng trabaho.

“Kasi dati di ba po, honestly pag may trabaho ako dati, after niyan kahit gabing-gabi mag-aaya ang mga kaibigan mo, ‘Uy, birthday ni ganito,’ kailangan mong puntahan.

“So iyon din yung nabago sa akin, na mas alam ko na yung priorities ko bilang isang ina.”

May pelikula rin si Angeline kasama si Alex Gonzaga, ang Single Belles, na entry sa first Summer Metro Manila Film Festival ngayong April 8 hanggang April 18, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto has started preparing for the celebration of her son Sylvio's first birthday on April 27, 2023.
PHOTO/S: Rommel Gonzales; Cocoon Studio PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results