GORGY RULA
Mas magpu-focus na raw ngayon si Angeline Aquinto sa kanyang anak na si Sylvio matapos hindi na siya nakilala ng anak pag-uwi ng singer galing Amerika.
Read: Proud mom Angeline Quinto posts first photo with Baby Sylvio on Instagram
Kuwento ni Angeline nang nakatsikahan namin nung Lunes, March 27, 2023, “Kung sakaling matagal yung work sa ibang bansa, nahihirapan po ako sa ganun.
"Kasi, like last year, nagkaroon po ako isang buwan sa U.S. at Canada, pag-uwi ko, hindi na niya ako kilala.
“So, yun ang sinabi ko kay Ma’am Kate [Valenzuela]. Kung meron mang offer ng abroad na show, kasama ko sila. Iyon po,” sabi ni Angeline.
Nawindang at nasaktan daw kasi siya pag-uwi niya galing Amerika nang ayaw nang lumapit sa kanya ng anak.
“Mahirap! Sabi ko, bakit ganun? Ganun talaga. Dapat kapag ganun edad niya na ilang buwan pa lang siya, kailangan lagi mo siyang kasama.
“Nasaktan ako. Ayoko nang maulit yun hangga’t maari,” saad ni Angeline.
Kaya ngayon, kahit saan siya pumunta ay kasama ni Angeline ang 11-month-old baby niyang si Sylvio at ang kanyang partner na si Nonrev Daquina.
Magiging abala raw siya ngayon sa promo ng pang-1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) nila ni Alex Gonzaga na Single Bells.
Nung Lunes, March 27, ay kasama rin ni Angeline ang anak at partner sa guesting niya sa Toni Talks ni Toni Gonzaga.
NOEL FERRER
Engaged na pala sina Angeline at Nonrev, pero hindi pa raw nila pinaplano ang kanilang kasal.
Read: Angeline Quinto confirms engagement to live-in partner
Sabi ng singer, “Minsan napapag-usapan na namin yun. Pero sabi ko nga sa kanya, 'Ipag-pray natin yan.' Pero engaged na po kami.
“Sabi ko sa kanya, ayokong madaliin, kasi siyempre po ang priority talaga namin ay si Sylvio.
“Kung ibibigay ng Diyos yung araw ng kasal, yun po. Pero sa ngayon, wala munang kasal.”
Kung sakaling masundan si Sylvio, okay naman daw sa kanya.
“Well, may mga nagtatanong sa akin kung gusto kong sundan si Sylvio, ang gusto ko talagang anak, tatlo o apat.
“Kasi ako, naranasan kong lumaki na mag-isa, e. Na hindi ko nakasama ang mga kapatid ko, so malungkot. Wala kang napagsabihan ng mga problema mo.”
Sa guesting niya sa Toni Talks, magandang kasama ni Angeline ang partner at anak nito, at dun niya mapapatunayan kung tunay ngang biniyayaan si Toni Gonzaga at on the family way ulit sa kanilang ikalawang anak ni Paul Soriano.
Congratulations sa bagong bundle of joy nila!
JERRY OLEA
Nawa’y magsipag sina Alex Gonzaga, Angeline Quinto, at Aljur Abrenica sa pagpo-promote ng movie nilang Single Bells.
May aliw factor pa naman ang trailer, kaya sana’y maging masigasig sila na hinakayatin ang moviegoers na tangkilikin ang entry nila sa 1st Summer MMFF.
