Masayang ibinahagi sa Facebook ni Cesar Montano ang recent bonding niya sa anak na si Coco.
Si Coco ay anak ni Cesar sa dating beauty queen na si Sandra Seifert.
Incidentally, kasama rin sa bonding nina Cesar at Coco si Sandra.
Sa mga ibinahaging litrato ni Cesar sa Facebook, makikitang masayang-masaya ang anak na nagkita muli silang mag-ama.

Caption ni Cesar sa kanyang post: "Recently bonding with my gorgeous son CORINTH IAN "Coco" with his mom Sandra at CafeMed Rockwell one of our favorite restaurants.
"Happy get new cubix!
Read: Sandra Seifert nag-post ng photo ng five-year-old son kasama si Cesar Montano
CESAR MONTANO AND HIS NINE CHILDREN
Sa selebrasyon ng kanyang 60th birthday noong August 1, 2022, kumpleto ang mga anak ni Cesar mula sa iba't ibang babae.
Bukod kay Coco, nasa party rin sina Liam at Samuel, ang kanyang mga kapatid at mga anak ni Cesar sa current partner nitong si Maria Socorro Angeles.
Nasa pagtitipon din si Angela, ang panganay na anak ni Cesar sa yumaong asawa nitong si Marilyn Polinga; ang tatlong anak na babae ng aktor kay Sunshine Cruz na sina Angelina, Samantha, at Chesca Cruz; at si Diego Loyzaga, ang anak ng aktor kay Teresa Loyzaga.
Kahit hindi nagkatuluyan, magkaibigan at maganda ang relasyon nina Cesar at Sandra dahil bukas ang kanilang komunikasyon, alang-alang sa kapakanan ng anak nila.

Read: Cesar Montano son with Sandra Seifert, siblings first meeting
Noong panahong iyon, aprubadung-aprubado kay Sandra ang pakikihalubilo ng anak sa tatay nito at mga kapatid nito sa ama.
Noong August 9, 2022, ibinahagi ni Sandra sa Instagram Stories ang larawan ni anak Coco ang mga kapatid nito sa ama na sina Angelina, Sam, at Chesca.
Makikita ring karga ni Cesar ang anak nila ni Sandra.
Hinango ni Sandra ang larawan sa Instagram post ni Coco.
Walang caption ang dating beauty queen kundi ang pag-tag lamang sa account ng anak.
Anim na taon pa lamang si Coco noon kaya malinaw na si Sandra rin ang nagpu-post sa ginawa niyang Instagram account ng anak.
Read: Sandra Seifert photos of son with dad Cesar Montano, siblings
