Pagkatapos ng dalawang taon bilang mag-asawa ay magiging daddy na si Robi Domingo.
Sa June o July due ang asawa niyang si Maiqui Pineda, na ngayon ay 20 weeks pregnant.
Malaking biyaya ito para sa mag-asawa lalo pa't may autoimmune disease si Maiqui.
Ang tawag dito ay dermatomyiositis, na rare at wala raw lunas. Nagreresulta raw ito sa panghihina ng mga kalamnan, inflammation o pamamaga, at skin rashes.
Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robi nung nakaraang January 15, 2026, sa pamamagitan ng phone call, masayang-masaya siya sa bagong yugto ng buhay na papasukin nila ng asawa.
Ang kuwento ng Kapamilya host: "I'm so excited, definitely this is what we wish for na matagal na. The journey didn't come easy for us.
"There was an issue with Maiqui before regarding health.
"We had to figure it out first and also treatment muna. Napagtagumpayan naman namin.
"We're so happy, siyempre, after that, when the doctor told us, 'Okay, may go signal na to have a baby,' like a couple of months and that's it."
MAIQUI DOMINDO'S PREGNANCY AND HEALTH CONDITION
Tatlong taon nang nakikipaglaban si Maiqui sa dermatomyiositis, at ipinagpapasalamat ng mag-asawa na habang buntis siya ay nasa remission phase ito.
Mas manageable pero kailangan pa rin daw ang dobleng pag-iingat.
"Remission, totally, it's hard to say, but because of her lifestyle, okay na..
"The remission, parang nawala yung clinical term ng mga doctors, pero siyempre, close monitor pa rin, lalo na sensitive yung pregnancy ni Maiqui."
Ano ang kelangang bantayan ni Maiqui? May mga bawal ba sa kanya?
"Puyat," mabilis na sagot ni Robi.
"Siyempre we listen to our doctors din—her OB lalo na yung autoimmune doctor niya.
"Bawal magpuyat generally.
"Pero pag sumisipa na, nagigising siya. Pag sumisipa siya, sumisipa rin si Maqui. Wala naman akong masisipa."
THE DAY ROBI DOMINGO LEARNED ABOUT MAIQUI'S PREGNANCY
Paano ba sinabi sa kanya ni Maiqui ang tungkol sa pagbubuntis niya?
"It was after the Idol Kids' finals. And then, when we got home kasi, parang Friday pa lang prior to my birthday, gusto niyang mag-test na kasi iba na yung nararamdaman niya.
"Sabi ko, 'Wag muna, kasi finals baka mawala ako sa focus. Siguro after ng finals.
"That happened after the finals, we test din and then we got the news."
Noong September 27 nagdiwang si Robi ng kanyang 36th birthday. Noong September 28 naman ang finals ng Idol Kids Philippines.
Ano ang reaksiyon ng pamilya sa pagbubuntis ng asawa? Gusto ba nila ng baby boy o baby girl?
"Siyempre, ang request ng mga lalake, di ba, lalake? Pero dumating na ako sa point na basta healthy, okay na yun. Gender? Wala pa, e.
"First apo siya sa side ko kaya super excited sila."

ROBI DOMINGO ON MAIQUI'S PREGNANCY
Sa nasaksihan niyang hirap ng asawa noong first trimester ay aminado si Robi na lalong tumaas ang respeto niya sa mga ina.
"Ang hirap nung first trimester, totoo pala yun, we might release vlog soon about that. Grabe, iba yung respeto ko sa mga nanay, grabe talaga.
"May morning sickness siya during the first trimester, pero ngayong second tri, wala na masyado."
Ano naman ang pinaglilihian ni Maiqui?
"Cravings? Maalat saka matamis, wala namang specific."
Read:
MVP, nagpatawag ng emergency meeting re: TV5 programming?
BLIND ITEM: Yayamaning Personality, hindi nakabayad sa renta
