Nakakagulat ang nasagap ng isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Napag-alaman niya sa isang grupo ng property managers na na-delay ng bayad si Yayamaning Personality for six months.
Nakakagulat kasi hindi mo aakalain yung tinutukoy niyang hindi nakabayad.
Unang-una, may-kaya ang pamilya ni Yayamaning Personality.
Pangalawa, wala kang makikitang senyales na may ganito siyang pinagdadaanan.
Read: BLIND ITEM: Ilang maalindog na artista, kumikita sa pagpi-"PR"
BAKIT HINDI NAKABAYAD SI YAYAMANING PERSONALITY?
Palaisipan talaga!
Dahil ba sa sobrang maluho at magastos siya?
Dahil ba nauubos na ang yaman niya?
Kunsabagay, masyadong laid-back at luxurious ang lifestyle niya. E, hindi naman overflowing ang pera, di ba.
Ang idinahilan daw niya sa property owner ay dahil nasa labas siya ng bansa at that time.
Pero hindi naman yata siya inabot ng six months dun.
Sa mga social-media accounts niya, nasa abroad siya at tunay na jetsetter.
Yun pala, ang tagal na niyang nasa Pilipinas.
Mabuti na lang at nabayaran na niya.
Hindi naman nangamba siguro ang property owner na hindi siya mababayaran dahil from rich family si yayamaning personality.
Read: BLIND ITEM: Aktres, baka di matuloy ang pelikula dahil sa pagdadalantao
CLUES ABOUT YAYAMANING PERSONALITY?
Kung tutuusin, hindi na kailangang mag-rent ni Yayamaning Personality ng mansion dahil may sariling place naman siya.
Besides, malaki rin ang bahay ng kanyang parents.
Mas mabuti siguro if doon na siya tumira sa bahay niya.
At bawasan ang luho, trabaho muna.
Yun na!