PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval dreams of having 12 children: "Ang saya nun."

AJ Raval: "Ano pang gagawin ko sa buhay ko kung marami naman akong pera."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 14, 2026
AJ Raval dreams of having 12 children: "Ang saya non."
AJ Raval admits she once imagined having as many as 12 kids: "Dati naiisip ko kung marami lang talaga akong pera, yung pinaka maraming kaya ko, mga 12 na baby."
PHOTO/S: Screengrab YoüLOL on YouTube

Maraming netizens ang nagulat sa rebelasyon ni AJ Raval na noon ay pinangarap niyang magkaroon ng isang dosenang anak.

Ani AJ, malaking epekto sa kanya ang masayang kinamulatang pamilya, makaraang magkaroon siya ng labingpitong (17) kapatid mula sa amang si Jeric Raval.

Read: Jeric Raval talks about his 18 children from different women

Ito ang pahayag niya sa podcast episode ng Your Honor nang tanungin siya ng mga host na sina Chariz Solomon at Buboy Villar kung gaano karaming anak ang gusto niya.

AJ Raval dreams of having 12 children:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Photo/s: Screengrab YoüLOL on YouTube

Ayon kay AJ: "Dati naiisip ko kung marami lang talaga akong pera, yung pinaka maraming kaya ko, mga twelve na baby.

"Saya nun, di ba? Ano pang gagawin ko sa buhay ko kung marami naman akong pera. Kung marami lang. Ang saya nun."

Read: AJ Raval reveals near-tragic birth story of son Aljur Jr.

Bukod sa pagkakaroon ng maraming anak, pangarap din daw noon ni AJ na mamuhay ng tahimik sa isang farm, kasama ang kanyang pamilya.

Kuwento pa niya, noong nagsisimula siyang pumasok sa showbiz ay taos-noo niyang sinasabi ang pangarap niyang ito sa tuwing tinatanong siya kung anong gusto niyang maging.

Pagbabalik-tanaw ng aktres: "Noong nag-start akong mag-artista, di ba, may workshop? Tapos yung workshop itatanong sa iyo, ‘Five years from now, anong nakikita mo sa sarili mo?’

"Sagot ko—nahiya pa nga ako—sagot ko noon farm, tahimik, maraming anak. Malaking family ang sinabi ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nahiya ako kasi yung sagot nung mga kasama ko, award. Tapos nahiya ako, kasi nga bata, naisip ko, 'Dapat ba ganun din yung sagot ko?'"

AJ Raval on raising her children

Ang pangarap na ito ni AJ noon ay tila naging katuparan ngayong mayroon siyang limang anak sa edad na 25.

Una niya itong binunyag noong November 12, 2025 una niyang ibinunyag sa kauna-unahang pagkakataon ni AJ na mayroon na siyang limang anak.

Dalawa sa mga ito ay sa kanyang dating karelasyon na hindi taga-showbiz at tatlo naman sa kasalukuyang partner na si Aljur.

Ang panganay niya ay nagngangalang Ariana, 8.

Ang pangalawa ay ang pumanaw na si Aaron noong isang taong gulang ito.

Ang mga supling niya kay Aljur ay sina Alkina, 3; Aljur Jr., 1; at Abraham, five months old.

Read: AJ Raval recalls how eldest child had to call her "ate"

AJ RAVAL REMEMBERS GROWING-UP YEARS

Pagbabahagi ni AJ, pagdating sa pagpapalaki at pagdidisiplina sa kanyang mga anak, nakuha raw niya ang parenting style sa kinamulatang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumira siya sa amang si Jeric at stepmother na si Holiday Buensuceso, at kung paano siya dinisiplina noon ay ganoon daw siya sa mga anak.

Lahad ni AJ: "Yung mga anak ko, tinuturo rin naman sa kanila [ni Aljur] yung respect. Respetuhin nila kami bilang magulang. Hindi namin tinatakot.

"Hindi ko masabi kung gentle parenting kami kasi very ano kami, kung paano mag-discipline yung mga parents natin dati.

"Ako, kunwari kagabi, hyper kasi yung anak kong babae. May nakatabi na sa kanyang hanger, ganunn."

Dagdag pa ng aktres: "Namamalo rin ako. Pero hindi ko sila [basta] papaluin.

"Kasi, di ba, yung ibang parents, kapag yung anak nagyapak, nagdumi, nakatapon, nakabasag, e, pinapalo.

"Ako, hindi naman ganun. Kapag lang may katigasan ng ulo."

Read: AJ Raval calls out "toxic fans" who wished death on her kids

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval admits she once imagined having as many as 12 kids: "Dati naiisip ko kung marami lang talaga akong pera, yung pinaka maraming kaya ko, mga 12 na baby."
PHOTO/S: Screengrab YoüLOL on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results