PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval recalls how eldest child had to call her "ate"

AJ Raval gave birth to her first child when she was only 17.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 5, 2026
AJ Raval recalls how eldest child had to call her "ate" while hiding motherhood
AJ Raval gets emotional as she opens up about the difficult years of hiding her motherhood, revealing how her eldest child, Arianna (right photo), had to call her “ate” in public.
PHOTO/S: Screengrab Toni Gonzaga Studio on YouTube

Hindi napigilang maging emosyonal ni AJ Raval nang balikan ang masalimuot na bahagi ng kanyang buhay kung saan itinago niya ang mga anak sa mata ng publiko.

Noong November 12, 2025, ibinunyag ni AJ na mayroon na siyang limang anak.

Dalawa sa mga ito ay sa kanyang dating karelasyon na walang kaugnayan sa showbiz at tatlo naman sa kasalukuyang nobyo na si Aljur.

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

Ang panganay niya ay nagngangalang Ariana, 8.

Ang pangalawa ay si Aaron, na itinuturing niyang anghel matapos itong pumanaw sa edad na isa.

Habang sina Alkina, Aljur Jr., at Abraham naman ang tatlong supling niya kay Aljur.

Read: AJ Raval reveals near-tragic birth story of son Aljur Jr.

AJ looks back on the difficult years of hiding her motherhood

Pagtatapat ni AJ sa panayam niya sa Toni Talks noong February 1, 2026, hindi naging madali para sa kanya ang pagtatago sa katotohanang sa murang edad na 17 ay mayroon na siyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
AJ Raval recalls how eldest child had to call her
Photo/s: Screengrab Toni Gonzaga Studio on YouTube

Dumagdag pa raw sa kanyang hirap ang sunud-sunod niyang pagbubuntis nang maging kasintahan niya ang aktor na si Aljur.

Dito rin nagsimula ang mga intriga kaugnay sa umano’y pagkakadawit niya sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur at Kylie Padilla—bagay na mariing itinanggi ni AJ.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kylie Padilla, matagal nang alam ang rebelasyon ni AJ Raval

Pagbabalik-tanaw ni AJ, hindi lang siya ang nahirapan sa pagtatago sa tunay na estado ng kanilang pamilya.

Kung tutuusin, mas apektado raw rito ang mga anak niya, lalo na ang kanyang panganay.

May mga pagkakataon daw kasi noon na kapag lumalabas silang pamilya ay hindi siya tinatawag ni Arianna ng "Mommy," bagkus ay "Ate."

Kuwento ng anak ni Jeric Raval: "Yung panganay ko po si Arianna, parang nasanay na siya. Parang [noon] pa man alam na niya yung nangyayari.

"Hindi ko po siya tinuruan. Kapag nasa bahay kami, ang tawag niya sa akin, 'Mommy Bats.'

"Pero po kapag nasa labas kami, automatic po siya, tawag niya sa akin 'Ate Bats' noon."

Read: AJ Raval praises Aljur Abrenica on their daughter's birthday

Maging sa eskuwelahan ay hindi rin daw nakakaligtas si Arianna sa pag-iintriga kung sino ang kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni AJ: "Sa school nga po minsan hinahatid po namin siya noon, noong hindi pa kami nag-a-out.

"Tapos pag-alis namin, kinukulit siya. Sasabihin, 'Sinong mama mo? Sinong tatay mo?'

"Mga teacher pa po ang nagtatanong."

Laking pasasalamat na lang daw ni AJ na napalaki niya ang anak nang maayos, maintindihin, at punung-puno ng pagmamahal.

Kahit kailan ay hindi raw ito nagtanong tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.

Read: Sean Raval slams sister AJ Raval's bashers

AJ recalls the challenges of keeping her pregnancies private

Mas humirap daw ang sitwasyon nang magsimulang magkaroon ng anak si AJ kay Aljur.

Dito raw niya naranasang hindi magpunta sa ospital kahit may nararamdaman habang nagbubuntis dahil sa takot na mabuking ang sikreto ng kanilang pamilya.

"Ang hirap, isipin niyo po hindi ako nagpapa-checkup.

"Kapag may sakit po ako, ginagamot ko po yung sarili ko. Nagse-search ako ng mga vitamins," lahad ni AJ.

Nang tanungin kung bakit humantong si AJ sa ganito, ibinahagi niya ang "trauma" na kanyang pinagdaanan nang ipinagbubuntis ang unang anak nila ni Aljur na si Alkina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, kasi po yung unang baby, si Alkina, mayroon po kaming pinuntahan na ospital.

"Kinausap naman po namin na discreet, 'Huwag po sanang lalabas.'

"Pero nilabas pa rin po. Kaya nagkaroon po ako ng trauma.

"Kaya ang nangyari, kapag may sakit ako, ginagamot ko na lang yung sarili ko [habang buntis ako]."

Read: AJ Raval fangirls over former loveteam Aljur Abrenica-Kris Bernal

Noong una ay wala naman daw intensiyon si AJ na itago ang mga ito.

Pero dala na rin ng sitwasyon, bunsod ng ingay at gulo ng pagkakadawit niya sa hiwalayang Aljur at Kylie, nagdesisyon siyang itago pansamantala ang katotohanan.

Ngunit habang tumatagal ay humihirap daw ang sitwasyon ni AJ, lalo na nang makita niyang maging ang kanyang mga anak ay naaapektuhan na rin.

AJ Raval recalls how eldest child had to call her
Photo/s: Screengrab Toni Gonzaga Studio on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman matapos niyang isilang si Abraham ay nagdesisyon ang dating Vivamax star na aminin sa publiko ang lahat.

Pahayag niya: "Nagsawa na rin po ako kakatago.

"Yun pong huling baby ko, nakaplano na po na paglabas niya, kapag may chance, e, ilalabas ko na. Sasabihin ko na lahat.

"Gusto na po namin matapos. Gusto naming maging malaya.

"Sa bahay namin, may mga tao na nandoon, hindi ko kilala, gusto lang nila maka-capture ng picture sa mga bata.

"Gusto namin silang ipasyal. Gusto namin silang bigyan ng malalaking birthday celebration."

Bagamat may nararamdamang takot sa mga ibabato na namang masasakit na salita sa kanya, mas nanaig daw kay AJ ang pananampalataya sa Diyos na pinaranas sa kanya ang mga pagsubok para sa ikalalago niya bilang isang tao.

Aniya: "Lately, naiisip ko bakit nangyayari sa akin yung mga yon?

"Kasi ito yung plano sa akin. Ito yung mga dapat kong pagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala akong magagawa kundi tanggapin at i-embrace yung nangyayari kung ito talaga ang plano sa akin.

"Mas importante ba talaga na tingnan ka na maganda ng mga tao? Importante ba yung magiging tingin nila sa yo?

"O mas importante kung ano yung magiging tingin sa yo ng Diyos?"

AJ grateful TO her family

Sa lahat ng pasakit na pinagdaanan ni AJ, punung-puno pa rin daw ng kasiyahan at pasasalamat ang puso niya ngayon.

Sabi niya: "Grateful ako dahil nandiyan yung mga anak ko. Okay sila, healthy sila.

"Grateful po ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Kay Aljur, maayos po siyang partner.

"Basta wala pong may sakit [sa amin], masaya na po ako doon."

Read: AJ Raval: “The best decision I ever made was to stay quiet.”

Sundot na tanong ni Toni, "Sa lahat ng pinagdaanan mo, ano yung isang bagay na parati mong ituturo sa mga anak mo?"

Sagot ni AJ, "Ang maituturo ko sa kanila is maging malaya po sila. Huwag silang magpapaapekto kahit kanino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval gets emotional as she opens up about the difficult years of hiding her motherhood, revealing how her eldest child, Arianna (right photo), had to call her “ate” in public.
PHOTO/S: Screengrab Toni Gonzaga Studio on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results