PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar works tirelessly to secure his children's future

Buboy Villar: "Nagpapaka-busy for their futures."
by Arniel C. Serato
Published 4 hours ago
Buboy Villar works hard for his three children
Buboy Villar on working hard for his three children: "Gusto ko pag lumaki ang mga anak ko, maganda yung future nila. Makapag-aral sila kung saan nila gustong mag-aral sa kolehiyo. Mabibigyan ko sila ng magandang bukas."
PHOTO/S: Arniel Serato

Sa edad na 28, tatlo na ang anak ni Buboy Villar mula sa dalawang babae.

Dalawa sa una niyang partner na si Angillyn Gorens — sina Vlanz Karollyn, 8, at George Michael, 6.

Isa naman sa current partner niyang si Khrizza Mae "Isay" Sampiano — si Kyrie, 2.

Ito raw ang dahilan kaya todo-kayod ang Kapuso actor-host para sa kinabukasan ng mga anak.

Sabi ni Buboy, "Ayos lang naman po. Ito ngayon, meron akong two years old at nagpapaka-busy for their futures."

Ayon sa kanya, wala siyang mintis sa pagbibigay ng sustento sa mga anak.

Aniya, "Di naman po tumigil. Tuluy-tuloy naman po."

Wala na rin daw problema sa kanila ng dating partner na si Angillyn.

"Wala naman po. Wala na po. Okay na po kami," sabi niya.

FATHER'S DAY CELEBRATION

Katatapos lamang ng Father's Day. Paano nila ito ipinagdiwang?

"Ah, ano lang po, simple lang. Tulog. Dinner. Request lang ng tulog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano siya bilang ama?

Saad ni Buboy: "Alam ko sarili ko, para sa sarili ko, di sa pagbubuhat ng bangko, gusto ko talaga magtrabaho kasi gusto kong sini-secure yung future ng anak ko.

"Kasi siyempre, ako, di naman po lumaking perpekto yung buhay ko.

"Kaya nagkaroon ako ng mindset na gusto ko pag lumaki ang mga anak ko, maganda yung future nila.

"Makapag-aral sila kung saan nila gustong mag-aral sa kolehiyo. Mabibigyan ko sila ng magandang bukas."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Buboy sa set ng Taskforce Firewall sa Marikina City nitong hapon ng Miyerkules, June 24, 2026.

Kasamang humarap ni Buboy sa press sina Luis Hontiveros at Cheska Fausto.

Luis Hontiveros, at Cheska Fausto
Luis Hontiveros, Cheska Fausto, and Buboy Villar answer questions from the media during a set visit to their location taping of Taskforce Firewall.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Matet blasts bashers, challenges Ian to tell the whole story

BUBOY VILLAR JUGGLES BETWEEN HIS THREE GMA SHOWS

Masuwerte raw si Buboy na hindi siya pinababayaan ng kanyang home network, ang GMA-7.

Sa ngayon, tatlo ang kanyang programa sa network: ang online talk show na Your Honor, ang gag show na Bubble Gang, at ang primetime series na Taskforce Firewall.

Malaki rin ang pasasalamat ni Buboy sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7, sa pag-aayos ng kanyang schedule.

Aniya: "Ay, thank you sa Sparkle, of course, dahil naiintindihan nila yung situation ko bilang isang tatay, isang negosyante, at isang aktor.

"At thank you sa kanila dahil kahit papaano na nama-maximize namin yung araw. Kasi siyempre importante sa akin yung tatlong trabaho na ito na ayoko ding mawala.

"At, yes, thank God sa kanila dahil tuluy-tuloy lang po."

Hindi pa rin daw niya pinapabayaan ang kanyang negosyong paresan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi nito, "Yes po. Tuluy-tuloy naman po, yung ibang branches ongoing pa din naman po.

"Yung dalawa kong branch nasa kapatid ko na muna po [ang nag-aasikaso]."

Samantala, ginagampanan ni Buboy sa Taskforce Firewall ang role na si Jhay-jhay, isang tech prodigy at drone expert ng grupo.

Malaki ang pasasalamat nila sa viewers dahil mataas ang ratings nila.

Saad ni Buboy, "Thank you po. Thank God. Thank God po sa mga sumusuporta."

Kabilang din sa mga humarap sa press sina Kyline Alcantara, Jak Roberto, at Miguel Tanfelix.

Read: Jonathan Sterling, Celeste Cortesi’s boyfriend, breaks silence

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buboy Villar on working hard for his three children: "Gusto ko pag lumaki ang mga anak ko, maganda yung future nila. Makapag-aral sila kung saan nila gustong mag-aral sa kolehiyo. Mabibigyan ko sila ng magandang bukas."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results