PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar, may madamdaming birthday message mula kay Isay Sampiano

Isay is the girlfriend of Buboy and the mom of his baby boy.
by Jojo Gabinete
Published Mar 24, 2025
Buboy Villar and Isay Sampiano
Isay Sampiano (L) is the surprise guest for Buboy Villar's birthday episode, released by the vodcast Your Honor on the YouLol Originals YouTube channel.
PHOTO/S: Screen Grab from Your Honor on YouLOL Originals YouTube channel

Ang bawasan ang pag-inom ng alak ang sagot ni Khrizza Mae "Isay" Sampiano nang tanungin tungkol sa kanyang birthday wish para kay Buboy Villar.

Nagdiwang ng ika-27 kaarawan ang dating child actor noong Biyernes, Marso 21, 2025.

Si Isay ang karelasyon ni Buboy at ang ina ng tatlong buwan nilang anak na lalaki, si Kyrie, na pinabinyagan nila noon ding Biyernes, kasabay ng kaarawan ng aktor.

Read: Buboy Villar introduces girlfriend, baby boy on 27th birthday

Buboy Villar's girlfriend Isay Sampiano and their baby boy, Kyrie
Buboy Villar's girlfriend Isay Sampiano and their baby boy, Kyrie.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Isay ang birthday surprise para kay Buboy ng staff ng Your Honor, ang vodcast na napapanood sa YouLol Originals, ang YouTube channel ng GMA-7.

Si Buboy ang isa sa mga host.

Sa simula, ang sabi ng co-host na si Tuesday Vargas ay may "phone patch" para sa birthday boy.

Laking gulat ni Buboy nang biglang pumasok si Isay dala-dala ang cake.

Napa-"hala" siya nang pagkalakas-lakas, at humirit pa ng, "Hindi ko alam 'to. Swear to God."

ISAY SAMPIANO'S BIRTHDAY WISH FOR BUBOY VILLAR

May kinalaman sa kalusugan ang mensahe ni Isay para kay Buboy: "Happy birthday, Dy, nagpapasalamat ako kay Lord kasi ikaw ang ibinigay Niya sa akin.

"And sana, bawasan mo na yung pag-iinom mo.

"Okay lang naman uminom, pero huwag lang araw-araw."

Natawa si Buboy saka tumango.

Dugtong ni Isay, "And sana gabayan Niya tayo sa landas na tayo pa rin ang magkasama.

"And lagi lang akong naka-support sa iyo through ups and downs, alam mo iyan,” pahayag ni Isay na sa puntong ito ay nagsimulang lumuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-apir sila ni Buboy, na bumulong ng "I love you."

Pero hindi na maituloy ni Isay ang sasabihin dahil nagsimula na siyang umiyak.

Buboy Villar and Isay Sampiano on the set of your honor vodcast
Isay Sampiano becomes emotional while delivering her birthday message to boyfriend Buboy Villar.
Photo/s: Screen Grab from Your Honor on YouLOL Originals YouTube channel

Guest din sa episode ang best friend ni Buboy na si Jelai Andres, na siyang nagtuloy ng kuwento tungkol sa pag-aaway daw ng dalawa na humantong pa sa pagwo-walkout ni Isay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pabirong sigaw ni Buboy, "Walang ganoon."

Natawa na rin si Isay.

Sa pagpapatuloy niya, "Kasi kahit nagkakaproblema kami, pero hindi ko na sasabihin… nagkakaproblema kami, pero ano, lagi lang niyang sinasabi na magdasal lang palagi kahit na ano sa side ko, parang hindi ko na talaga kaya yung problema.

"Pero nandiyan siya palagi para sa akin.

"Tapos yun lang, and thank you so much kasi tinanggap din ako ng mga anak mo. Yun lang.

"Happy birthday uli, I love you,” umiyak na lahad ni Isay na “Daddy" ang tawag kay Buboy.

Ang dalawang anak ni Buboy sa dating karelasyon nito na si Angillyn Gorens ang mga batang tinutukoy ni Isay.

Pitong taon si Vlanz Karollyn habang si George Michael ay limang taon ang edad.

Naghiwalay sina Buboy at Angillyn noong Oktubre 2020, at naiwan sa aktor ang kanilang dalawang anak dahil bumalik sa U.S. ang dating partner niya.

Read: Angillyn Serrano Gorens: Buboy Villar's first love

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JELAI ANDRES HAPPY FOR BEST FRIEND BUBOY VILLAR

Back to Isay, nang tanungin siya tungkol sa mga nagustuhan niya kay Buboy, sagot niya, "Lahat, pero actually hindi ko talaga alam. Hindi ko talaga alam kasi di ba nga kapag mahal mo yung isang tao, hindi mo alam yung explanation kung bakit mo siya mahal?"

Si Jelai naman, nang tanungin ni Tuesday kung approved sa kanya ang tambalang Isay-Buboy, "opo" ang mabilis niyang sagot.

"Masayang-masaya po ako para kay Buboy kasi, mag-best friend kami, di ba. Hindi man sa akin nangyayari yung ano, yung..."

Napaiyak at napamura si Jelai.

jelai andres and tuesday vargas
Buboy Villar's best friend Jelai Andres (L) and co-host Tuesday Vargas
Photo/s: Screen Grab from Your Honor on YouLOL Originals YouTube channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di man sa 'kin nangyayari yung may ka-partner ka, masaya ka. Nangyayari naman po sa best friend ko, kaya super-saya ko para sa kanya."

Aniya pa, "Meron silang mga problemang pinagdadaanan, pero alam ko na kaya nilang lampasan yun dahil mahal nila ang isa't isa."

Read: Jelai Andres gifts BFF Buboy Villar with brand-new iPhone

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isay Sampiano (L) is the surprise guest for Buboy Villar's birthday episode, released by the vodcast Your Honor on the YouLol Originals YouTube channel.
PHOTO/S: Screen Grab from Your Honor on YouLOL Originals YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results