PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos on son Lucho: “Para kang naka-jackpot prize!”

Is Lucho Agoncillo single?
by Arniel C. Serato
Published 8 hours ago
Judy Ann Santos says son Lucho focus on his studies, sports
Judy Ann Santos says Lucho Agoncillo, her "binatilyo" son, is very much single at 16.
PHOTO/S: Instagram

Nag-sweet 16 birthday celebration si Lucho Agoncillo nitong nakaraang October 7, 2026.

Si Lucho ang pangalawang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa Instagram noong araw na iyon, nag-post si Judy Ann ng larawan ni Lucho sa harap ng kanyang birthday cake.

Makikita rin ang naging activities ng pamilya, kabilang ang panonood ng sine, noong araw na iyon.

Sabi niya sa caption (published as is): "Our birthday boy.. the simplest kid i know, with simple joys. [face holding back tears emoji] he just wanted to watch a movie for his bday..

"nothing else… oh my boy.. one of my favorite roles to date is being a mom to you, ats and pot… watching you grow up and become that fine young man, makes mama’s heart so happy and proud.

"You do you, with God’s guidance and love .. i have nothing to worry about.. you know your values by heart my love.. you’ll be fine.. mama and dada will always be here.. always… i love you so much juan luis… happy birthday my favorite you. [heart emojis]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ama namang si Ryan ay simpleng "16" ang nakalagay sa post nito sa IG kalakip ng mga larawan ni Lucho habang nag-i-enjoy sa paglalaro ng paborito niyang sport: ang football.

Read: Judy Ann Santos gives daughter Yohan’s new hairstyle a thumbs-up

JUDY ANN SANTOS: LUCHO IS STILL SINGLE!!!

Sa Golden Screen Awards: Dekada Awards 2026 ng Multi-Media Press Society of the Philippines (MMPress, Inc.) noong October 4, saglit na natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann tungkol sa binatilyong anak na si Lucho.

Binata na talaga si Lucho, at base sa comments ng mga netizens, ang guwapo! May girlfriend na ba siya?

Mabilis na sinagot ni Judy Ann, "Waley."

Sure ka?

Paliwanag niya, "Aba'y siyempre. Aba'y siyempre nanay ako.

"They're very, ano, disciplined si Lucho when it comes to sports. Ano talaga siya, very athlete's mind talaga siya.

"Actually, silang tatlo namang magkakapatid."

Obvious na proud mom si Juday kay Lucho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Lucho very dedicated sa football niya, sa studies niya. A, and ano, e, yung batang iyan, alam mo, parang naka-jackpot prize.

"'Hanep itong batang ito a, okay, a.'"

Lucho Agoncillo
Photo/s: Instagram

THE GIRL LUCHO AGONCILLO LIKES

Noong 2024, pabirong nagkuwento si Judy Ann tungkol sa mga traits ng ideal girl ng unico hijo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Alam mo, wala. Hindi pa siya... though I'm pretty sure naman, nagkaka-crush.

"May mga binabanggit naman siya sa akin. Pero parang mas maraming nag-aano sa kanya, yung nagpapahiwatig. Ayaw niya nung ganun."

Ano ang mga gusto ni Lucho sa isang babae?

"But si Lucho lang talaga, parang he just finds it na mas interesting ang babae kapagka... hindi niya type yung laging nagsi-cellphone, ayaw niya iyan.

"Ayaw niya yung laging nagse-selfie."

Masasabi ba niyang conservative si Lucho?

Sagot ng mom of three: "Maaari. Ayaw niya ng bongga yung... ayaw niya ng maraming make-up...gusto niya palagi mabango.

"E, kasi palagi nakasiksik sa akin, e. So, palagi ako inaamoy."

May ipinayo na ba siya kay Lucho tungkol sa panliligaw?

Saad ni Judy Ann: "Wala pa. Kasi wala pa naman din siya masyadong... magkukuwento lang siya.

"Minsan nga inaano ko siya, e, 'O, babe, is there like someone already?' 'Supposedly, but I don't like her anymore.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May ganun. May mga ganun lang, 'Oh, okay, ang bilis.'

"Basta pag may nakita siyang hindi maganda, hindi kasi siya bumabase basta lang sa looks. May ganun siya."

At ang parating bilin niya sa mga anak pagdating sa pag-ibig: "You know, don't just judge their looks. You know, kilalanin mo, kaibiganin mo."

Read: Judy Ann Santos reveals son Lucho Agoncillo's ideal girl

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos says Lucho Agoncillo, her "binatilyo" son, is very much single at 16.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results