Abalang-abala si Janella Salvador sa promotion ngayon ng upcoming serye na The Good Doctor, kung saan kasama si Inigo Pascual.
Paano nga ba niya binabalanse ang oras niya bilang ina sa six-year-old son niyang si Jude at bilang artista na halos sunud-sunod ang proyekto?
"Hindi ko rin alam, pero it's tough, but kinakaya naman. Kinakaya i-balance. Minsan sinasama ko si Jude sa work pag kaya. Pag wala siyang school, sinasama ko siya.
"Sanay naman na siya."
Naintindihan na ba ng bata ang nature ng kanyang work?
"Siyempre minsan nalulungkot siya pag kailangan kong lumabas ng house.
"Sinasabi niya, 'I don't want you to go to work,' mga ganun. But I try to explain naman to him na kailangan ko siyang gawin, kung bakit ko kailangan mag-work."

What if darating ang araw na gusto niyang mag-artista, papayagan ba niya?
"Kung gusto niya. If he wants to, then why not? Pero sa nakikita ko parang wag muna, wag muna."
Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Janella bago ito sumalang sa Tara Sa Paskong Kapatid Thanksgiving Party ng TV5 noong nakaraang November 9, 2026, sa Grand Hyatt Manila, The Fort, BGC.
Read: Angeline Quinto recalls effect of childbirth to her voice
JANELLA SALVADOR: "motherhood is not just a process..."
Twenty-two years old lamang noon si Janella nang isilang niya si Jude, kaya para sa kanya, malaking parte ng kanyang motherhood journey ay "learning."
"I'm learning a lot as I... kasi I think motherhood is not just a process where you teach your child.
"I feel like your child will also teach you so much. So I'm also learning a lot."
Naniniwala din siyang ang pagiging ina ay hindi natutunan sa mga libro lamang.
"Experience talaga.
"I'm also learning how to be a better parent every day, every step of the way.
"Lalo na first child ko siya. So talagang ang dami kong nale-learn about myself, about children, mga hindi ko na-experience before."
Pero kahit na may kinakaharap siyang challenges bilang ina, maituturing niyang si Jude ang kanyang greatest blessing.
Read: Kris Aquino, Bimby recall unexpected encounter with James Yap
