Hindi na itinatago nina Janella Salvador at Klea Pineda ang espesyal na namagitan sa kanila na sila lamang ang nakakaalam.
Itinuturing na nga siya ni Klea na kanyang "tahanan." Si Janella raw ang nakakapagpakalma sa "lahat ng ingay sa isip ko."
Sa panig naman ni Janella, saad niya tungkol kay Klea sa panayam sa kanilang dalawa sa Fast talk with Boy Abunda noong nakaraang June 7, 2026: "My favorite gay and, hopefully, someone who will stay."

Read: Janella Salvador calls Klea Pineda "my favorite gay"
JANELLA: "I couldn't care less anymore what people will say."
Sa Tara Sa Paskong Kapatid Thanksgiving Party ng TV5 kahapon, November 9, 2026, sa Grand Hyatt Manila, The Fort, nausisa ng ilang media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella ukol sa pagiging open nila sa publiko.
Kung ilalarawan ang kanyang estado ngayon, masayang kuwento niya, "Obvious naman, happy."
Nagdesisyon siyang ilantad sa publiko ang kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Klea dahil sigurado siya rito.
Paliwanag ni Janella: "Siguro nasa age na rin kasi ako na I couldn't care less anymore what people will say.
"Gusto ko lang mabuhay and I just, I know I'm doing my job. I know I'm making a clean living.
"And I know that, I know if something is real, real enough para ilabas ko siya, so."
Wala rilang pressure na naramdaman mula sa anumang external factor.
"Wala. I feel very light right now," ani Janella.
Tanong pa ng isang reporter kay Janella, may balak ba silang magpakasal in the future?
Aniya, "If we do have a plan, you guys will know. Malalaman niyo naman."
So hindi nila itatago? Iaanunsiyo nila?
"Depends. Hindi naman kasi kami nagtatago. Wala naman kaming itinatago."
Tanong naman ng isa pang manunulat kung paano niya isasalarawan ang relasyon nila ngayon?
"Feeling ko kasi nasa point na rin kami ng buhay namin ngayon na natututunan na din namin kung ano yung puwedeng i-share and kung ano yung puwedeng i-keep to ourselves, i-protect, and kung pano mas i-protect yung love, yung relationship.
"Parang by now, mas natutunan na namin yun."
Read: Kate Jagdon on Andrea Mahinay: “We are wife and wife.”
JANELLA ON HOMOPHOBIC REMARKS
Hindi naman maiwasan nina Janella at Klea na makaranas ng bashing lalo na sa Facebook.
Naapektuhan ba siya sa rude comments?
"I mean, di ko naman masasabing hindi naa-affect kasi ito yung pinaglalaban namin, e.
"At the same time, nakakalungkot pa rin na may mga, mostly on Facebook, may mga ganung klaseng comments and sana mas..."
Homophobic ang komento ng iba?
Pagsang-ayon ni Janella, "Yeah. Homophobic remarks.
"Pero we're hoping for a better future for this community, and at the same time, tuloy lang ang laban. Tuloy lang ang pagiging being myself, living my life."
Aminado siyang sa blue app talaga ang may mga pinakamalalang mga komento.
So umiiwas ba siya doon?
"Honestly, wala akong iniwasan kasi wala naman akong kina... I'm not ashamed of anything.
"So be it. If you guys wanna think what you wanna think."
Muling inulit ang ng isa pang manunulat ang tungkol sa LGBTQ member na maaring magpakasal sa same sex niya.
Sagot niya, "Siguro in the future if I feel comfortable sharing that aspect, I will naman."
Napag-uusapan na ba nila ni Klea?
"Makikita niyo na lang."
So magugulat na lang ang mga reporters?
"Magugulat... lagi naman kayong nagugulat sa akin," hirit ng dalaga.
Gaano ba siya ka-happy sa ngayon? 1 to 100?
"One thousand [percent]," diretsong sagot pa niya.
Ito na ba yung pinaka-happiest niya?
"I would say. Ito na yung pinaka-at peace ko. All aspects ng buhay ko I feel like I'm peaceful, I'm content and I'm genuinely happy."
Samantala, mapapanood na si Janella soon sa TV5 sa seryeng The Good Doctor.
