PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis welcomes first baby with Stephan Estopia

Kiray Celis: "Pinakamagandang blessing na natanggap at dumating samin."
by Arniel C. Serato
Published A day ago
Kiray Celis gives birth to first child
Kiray Celis on giving birth to her first child with husband Stephan Estopia: "Magpapasko at Bagong Taon na kasama ang pinakamagandang regalo galing kay Lord."
PHOTO/S: Instagram

Nanganak na si Kiray Celis sa panganay nilang supling ng asawang si Stephan Estopia.

Sa Instagram noong November 19, 2026, ibinahagi ni Kiray ang isang short Reel ng kanyang pagpasok sa birthing room ng Makati Medical Center.

Makikita ring nakaantabay sa kanyang tabi ang asawang si Stephan.

Maiksing caption ni Kiray (published as is), "Pinaka magandang blessing na natanggap at dumating samin."

Sa isang bahagi ng Reel, ipinakita ang bagong silang na sanggol.

May nakalapat itong mga salitang: "Magpapasko at Bagong Taon na kasama ang pinakamagandang regalo galing kay Lord."

Kiray celis baby
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan ay hindi pa nila ibinabahagi ang pangalan ng anak o ang gender nito sa bagong post.

Pero noong Mayo 2026, nagkaroon ng gender reveal party ang mag-asawa at lumabas na lalaki ang magiging panganay nila.

View this post on Instagram

A post shared by Jhopay Celis (@jhopaycelis)

Read: Carlos and Chloe recall love story in Japan prenup shoot

KIRAY ANNOUNCES PREGNANCY IN APRIL 2026

Inanunsiyo ni Kiray na siya ay nagdadalantao sa pamamagitan ng kanyang Facebook page noong April 24, 2026.

Sabi niya sa video clip na may kalakip na titulong "Ginding out I'm pregnat': "Ikaw ang pinakamatamis na sagot sa lahat ng panalangin namin."

Ipinakita naman ni Stephan ang ultrasound o sonography ng pagbubuntis ng asawa.

Aniya, na kapareho ng sinabi ng asawa, “Ikaw ang pinakamatamis na sagot sa lahat ng panalangin namin.”

Kinabukasan, April 25, ni-repost ni Kiray ang FB post ni Stephan.

Saad niya sa caption, "Finally, our little miracle is here. P.S. sana yung height makuha niya sa papa niya Stephan Estopia. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kiray Celis, pregnant sa first baby nila ni Stephan Estopia

Ikinasal sina Kiray at Stephan noong December 13, 2025 sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Newport City Complex, Pasay City.

Read: Kiray Celis is now married to Stephan Estopia

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis on giving birth to her first child with husband Stephan Estopia: "Magpapasko at Bagong Taon na kasama ang pinakamagandang regalo galing kay Lord."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results