Mas pinadali para sa mga Pilipino ang pag-a-apply ng visa papuntang South Korea. Binawasan kasi ang requirements.
Ipinost ang update sa Korea Visa Application Center Philippines Facebook account.
Nag-take effect ang mga changes ngayong Biyernes, February 20, 2026.
Magandang balita ito para sa mga Pilipinong nagbabalak magpunta sa South Korea, na dinadagsa dahil sa Hallyu phenomenon or Korean wave. Kilala ang bansa globally dahil sa K-pop at K-dramas.
Read: Filipino groups eligible for South Korea visa-fee waive
DOCUMENTS NO LONGER REQUIRED WHEN APPLYING FOR SOUTH KOREAN VISA
Narito ang mga tinanggal na requirements at ilang updates para sa visa application ng Filipino travelers.
Una, hindi na kailangang mag-submit ng “three (3) months of bank statements."
Pangalawa, para sa mga student applicants, ang dating requirement na “Original School Certificate and copy of Student ID” ay gagawin nang “either the Original School Certificate or a copy of the Student ID.”
Pangatlo, sa mga multiple applicants na may common documents (tulad ng invitation letter, family relationship documents, company-related documents, etc), isang kopya na lamang ang kailangan at ia-attach sa files ng representative applicant.
Pang-apat, para sa employment-related documents, hindi na kailangang mag-submit ng explanation letter kung walang landline number. Pinapayagan na rin ang electronic signature.
Ang importante ay may makapag-provide ng ibang “reachable contact information,” tulad ng email address at cellphone number ng employer.
Kasunod ng announcement, maraming netizens ang nagsabing "this is a sign" para ituloy ang kanilang planong bisitahin ang South Korea.
Makikita sa comments section ng post na tina-tag nila ang mga kaibigan na gustong kasama sa trip.
Nito lamang nakaraang buwan, tinanggal ang visa fee para sa mga Pinoy kung magta-travel sila in groups.
Read: Pilipinas, ano ang koneksiyon sa pinag-uusapang Epstein Files?
SOUTH KOREAN VISA REQUIREMENTS
Samantala, narito ang mga required documents, ayon sa website ng South Korea sa Pilipinas:
- Passport: Original and colored photocopy of BIO page (bearing holder’s signature); Original and photocopy of valid visa/s and arrival stamps to OECD (Organization for Economic Cooperation and Development) member countries for the past five years
- Application form, na mada-download from the website
- Photo with a clear background, sized 45 mm x 35 mm. The face should measure 32–36 mm from chin to crown.
- Supporting documents, na depende kung ang applicant ay employed, self-employed, estudyante, housewife, religious worker, at iba pa. Makikita sa link na ito ang classifications pati ang required documents.

