Nicko Falcis protests Taguig prosecutor's "bias" for Kris Aquino

by Rachelle Siazon
Mar 14, 2019
Nicko Falcis alleges that Kris Aquino used her family's influence to seek a favorable decision from Taguig prosecutor: "We emphasize that the charge of alleged unauthorized use of a measly P62,784.32 amount and does not even detail what the charges are for, why these are unauthorized, and does not explain why no demand was made for an explanation prior to filing."
PHOTO/S: Noel Orsal / @nix722 Instagram

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Paano nagkakaso ng estafa sa halagang "P62,784.32" kung ibinasura ang reklamong qualified theft?

Ito ang malaking katanungan ni Nicko Falcis sa aniya'y "manufactured at biased" decision ng Office of the Prosecutor ng Taguig City sa legal battle nila ni Kris Aquino.

Paliwanag ni Nicko sa kanyang magkakasunod na Instagram posts, kahapon, March 13:

"We emphasize that the charge alleged unauthorized use of a measly P62,784.32 amount and does not even detail what the charges are for, why these are unauthorized, and does not explain why no demand was made for an explanation prior to filing.

"Sadly, Taguig OCP is inherently biased and our motions were ignored, where is the fair justice there?"

Ipinakita rin ni Nicko ang kopya ng desisyon ng Taguig prosecutor na nagsasabing "dismissed" ang qualified-theft complaint na isinampa ni Kris laban sa kanya.

Nakasaad ditong nabigo si Kris na ipakitang sapat ang kanyang mga isinumiteng ebidensiya upang patunayang dapat makasuhan si Nicko.

Continue reading below ↓

Kaugnay ito ng alegasyon ni Kris na diumano'y gumasta si Nicko para sa personal expenses nito, gamit ang credit card na nakalaan sa gastusin ng digital company ni Kris, ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Nilagyan ni Nicko ng highlight ang bahaging ito ng resolusyon:

"Anent the charge of Violation of Section9(j) of Republic Act No. 8484 against Falcis, the evidence presented by Aquino failed to establish the existence of probable cause which would warrant the indictment of Falcis for violation thereof."

Ngunit iminungkahi ng Taguig prosecutor na sampahan ng kasong "Estafa through Misappropriation and Conversion" dahil sa paggamit daw ni Nicko ng naturang credit card para sa kanyang "personal transactions."

Kabilang daw rito ang credit-card charges na pambayad sa Le Mere Poulard Taguig, Grand Hyatt Taguig, Luna Breakfast at Coffee Taguig PH—pawang establishments na matatagpuan sa Taguig.

Ayon kay Nicko, kahina-hinala ang "contradiction" sa naging desisyon ng Taguig Prosecutor.

Continue reading below ↓

Pati ang Prosecutor ay tila nalito na rin, dahil may isang bahagi sa isinulat nitong desisyon, na imbes na "estafa" ang ilagay nitong posibleng ikaso kay Nicko ay nailagay nito ang "Violation of Section 9(j) of Republic Act No. 8498."

Ang "Violation of Section 9(j) of Republic Act No. 8498" ay may kinalaman sa qualified theft, ngunit ang qualified-theft complaint ni Kris ay ibinasura na ng parehong prosecutor.

Niligyan ni Nicko ng highlight ang bahaging iyon.

Sabi ni Nicko: "Proof of bias or sloppy manufactured decision from Assistant City Prosecutor Claire Eufracia Pagayanan:

"First photo says Kris Aquino’s evidence FAILED to prove probable cause for violation of R.A. 8484.

"Second photo says probable cause exists for violation of R.A. 8484.

"This is what happens when you rush your decision by drafting in a biased manner! The prosecutor should inhibit given she was appointed by PNoy on January 8, 2016 as Prosecutor II in Taguig."

Continue reading below ↓

Patutsada pa ni Nicko kay Kris: "We do not need background sounds nor your registered mail drama with your divine justice league.

"We read, study and carefully answer all the developments of the forum shopping Kris Aquino made per city. We will fight this, online and offline to end this.

"#Krisis #Biased #SloppyWriting #CrazyRichInfluence #PowerTripping"

Continue reading below ↓

Giit ni Nicko, walang katotohanan ang alegasyong pinagnakawan niya si Kris.

"There is NO Qualified Theft and we will continue to fight for our rights and reveal how evil and manipulative she is, on and off cam, online and offline, a true power tripper who believes everything can be bought.

"No amount of divinity can protect you from your vile and putrid nature. Let’s end this #Krisis"

Continue reading below ↓

ALLEGED UNAUTHORIZED USE OF CREDIT CARD IN SEVEN CITIES

PHP1.2M ang kabuuang halagang sinasabi ni Kris na ninakaw diumano ni Nicko, gamit ang credit card ng KCAP.

Isinampa ni Kris ang reklamong qualified theft complaint sa Office of the Prosecutor sa pitong siyudad ng Metro Manila—Mandaluyong, Makati, Taguig, Quezon City, Manila, Pasig, at San Juan.

Pero paalala ni Nicko, una nang ibinasura ng Prosecutor's Office ng Makati at Pasig ang reklamong qualified theft ni Kris.

Sakop ng Makati at Pasig ang pinakamalaking halaga ng credit-card charges na diumano'y ginasta ni Nicko nang walang pahintulot ni Kris.

PHP409,794.34 sa Makati at PHP129,680 sa Pasig.

Ang credit-card charges na sakop ng Taguig ay nagkakahalaga ng PHP62,784.32.

Ang mga natitirang credit-card charges ay nagkakahalaga ng PHP4,624.60 sa San Juan, PHP136,900 sa Mandaluyong, PHP49,584 sa Manila, at PHP22,667.50 sa Quezon City—kunsaan pending pa ang desisyon ng mga prosecutors dito.

Continue reading below ↓

BREAKDOWN OF PHP62,784.32 CREDIT-CARD CHARGES

Kaugnay nito, kinuwestiyon din ng nakababatang kapatid ni Nicko na si Atty. Jess Falcis ang rekomendasyon ng Taguig prosecutor na makasuhan ng estafa si Nicko.

Paano raw mangyayari iyon gayong hindi estafa ang inireklamo ni Kris laban kay Nicko, kundi qualified theft?

Dagdag pa ni Atty. Jess, nagsisinungaling daw si Kris sa akusasyon nitong ginamit ni Nicko ang KCAP credit card para sa pansariling interes.

Continue reading below ↓

Patunay raw nito ang litrato ni Nicko at iba pang KCAP employees na kumakain sa isang restaurant sa Taguig.

Siyam silang naroon sa isang litrato at 12 katao ang nasa isa pang litrato.

Makikitang kasama sa grupo ang pamangkin ni Kris na si Jiggy Aquino Cruz.

Dahil company expense iyon, ang KCAP credit card ni Nicko ang ginamit pambayad ng bill sa kinainang restaurant.

"Dear @krisaquino, how the hell can the credit card charges in Taguig be unauthorized personal expenses of my brother when ALL of the charges you are complaining about were spent to FEED YOUR KCAP EMPLOYEES, including your nephew Jiggy Aquino-Cruz, who is the son of your beloved Ate Ballsy Aquino-Cruz?

"Akala mo ikaw lang nocturnal? Kami din! Hindi kami mapapagod kontrahin mga kasinungalingan mo.

"#Artecaria"

Kalakip din ng post ni Atty. Jess ang breakdown ng credit-card charges na nagkakahalaga ng PHP62,784.32.

Patunay raw ito na pawang business expenses ang ginasta ni Nicko gamit ang KCAP credit card.

Continue reading below ↓

Ang credit-card charges na ibinayad sa Chino restaurant sa Taguig City: PHP18,000 (June 6, 2018); PHP6,286.54 (June 19); PHP10,816.61 (June 21), PHP13,667.81 (July 8), at PHP4,329.91 (August 17).

Ang credit-card charges na ibinayad sa La Mere Poulard restaurant: PHP8,062.68.

Ang credit-card charges na ibinayad sa restaurant sa Grand Hyatt Hotel sa Taguig: PHP1,370.77.

Ang credit-card charges na ibinayad sa Luna Breakfast & Coffee cafe sa Taguig: PHP250.

Continue reading below ↓

TAGUIG PROSECUTOR A "PNOY APPOINTEE"

Naniniwala si Atty. Jess na ginamit diumano ni Kris ang impluwensiya at koneksiyon nito upang paboran ng Taguig prosecutor ang akusasyong "personal transactions" ang mga nabanggit na credit-card charges.

"Taguig Investigating Prosecutor Claire Eufracian Pagayanan was appointed by PNoy in 2016 as Prosecutor II," saad ni Atty. Jess sa isa pa niyang Instagram post.

Si Prosecutor Pagayanan ang nagsulat at pumirma sa desisyong ipinataw ng Office of the Prosecutor ng Taguig—kunsaan ibinasura ang qualified-theft complaint, pero nagrekomendang kasuhan ng estafa si Nicko.

Kasabay nito ay ipinakita ni Atty. Jess ang kopya ng dokumento, kunsaan kasama ang pangalan ni Pagayanan sa listahan ng prosecutors na itinalaga ng Malacañang, noong January 8, 2016, na sakop ng huling taon ng panunungkulan ni Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III, kapatid ni Kris.

Dagdag ni Atty. Falcis sa kanyang caption: "I will never forget your name, Atty. Claire Eufracia Pagayanan - the investigating Prosecutor of Taguig who ridiculously found probable cause for estafa and R.A. 8484. You are unforgettable. [three thumbs up emojis] #AquinoMagic"

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicko Falcis alleges that Kris Aquino used her family's influence to seek a favorable decision from Taguig prosecutor: "We emphasize that the charge of alleged unauthorized use of a measly P62,784.32 amount and does not even detail what the charges are for, why these are unauthorized, and does not explain why no demand was made for an explanation prior to filing."
PHOTO/S: Noel Orsal / @nix722 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results