Nicko Falcis says he was wrongfully charged with estafa

IMAGE Instagram

NNicko Falcis says of Kris Aquino moves to have him arrested: "The excessive display of power and connections on a complaint for Php62K is frightening."


Kinondena ni Nicko Falcis ang kawalan ng due process sa ikinaso sa kanyang estafa at credit-card fraud ng Office of the Prosecutor ng Taguig City.

Giit ni Nicko, hindi siya nabigyan ng pagkakataong depensahan ang sarili sa mga bagong alegasyong ibinato sa kanya, gayong ibinasura ng Taguig prosecutor ang orihinal na reklamo ni Kris Aquino na qualified theft.

Hindi raw makatarungang kasuhan siya ng estafa at credit-card fraud, sa credit-card charges na PHP62,000, nang hindi man lang inaalam ng Taguig prosecutor kung saan niya ibinayad ang ganoong halaga. 

Bahagi ng pahayag ni Nicko sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, March 21, 2019:

“Kris Aquino filed a complaint against me for Qualified Theft in Taguig City.

"She complains of coffee shop and restaurant bills totaling Php62K incurred for meetings with her advertising sponsors and KCAP employees, which included her nephew Jiggy Aquino-Cruz.

“The Taguig City Prosecutor DISMISSED the complaint for Qualified Theft similarly like the Makati and Pasig City Prosecutors.

“However, unlike the two other city prosecutors, the Taguig City Prosecutor charged a case for Estafa miraculously out of nowhere.

“NO complaint was filed against me accusing me of Estafa so I had NO opportunity to respond.

“The charge deprived me of due process, which is evidently and clearly unfair. We filed all necessary motions to ensure that fairness in the justice system is upheld.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THREE CITY PROSECUTORS SAY THERE IS "NO PROOF" OF QUALIFIED THEFT

Noong October 12, 2018, sinampahan ni Kris si Nicko ng reklamong qualified theft sa Office of the Prosecutor ng pitong siyudad sa Metro Manila—Mandaluyong, Makati, Pasig, San Juan, Taguig, Manila, at Quezon City.

Ayon kay Nicko, PHP62K ang tanging halaga ng credit-card charges na sakop sa paggamit niya ng company credit card sa Taguig City. 

Hindi raw niya maintindihan kung ano ang basehan ng Taguig prosecutor para kasuhan siya ng estafa at credit-card fraud, lalo na’t dinesisyunan nito, gaya ng Makati at Pasig prosecutors, na walang probable cause para sampahan siya ng kasong qualified theft.

Noong March 13, 2019, ipinaliwanag ni Nicko ang breakdown ng P1.2M credit-card charges na inirereklamo ni Kris na ginasta niya diumano nang walang paalam sa aktres.

Ang PHP409,794.34 credit card charges—na sakop ng paggamit niya ng credit card sa Makati City—ay ibinasura ng Office of the Prosecutor ng Makati City noong February 10, 2019.

Nakasaad sa desisyon ng Makati prosecutor na malinaw na nakapangalan ang corporate credit card kay Nicko, bilang project director ng pag-aaaring digital company ni Kris, ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Kaya ang pananagutan daw ni Nicko ay hindi kay Kris kundi sa mismong bangko kung saan naka-register ang corporate credit card. 

Sabi rin sa desisyon ng Makati prosecutor, “no proof was presented that he used the card with intent to gain or defraud.”

Ang PHP129,680 credit card charges—na sakop ng paggamit ni Nicko ng KCAP credit card sa Pasig City—ay ibinasura ng Office of the Prosecutor ng Pasig City noong February 15, 2019.

Nakasaad sa desisyon ng Pasig prosecutor na hindi maituturing na “unauthorized” ang binayarang credit-card charges ni Nicko sa isang home depot at coffee shop sa Pasig City.

Ito ay dahil nakapangalan kay Nicko ang KCAP credit card at walang sapat na ebidensiyang makapagpapatunay na ginamit niya ito nang may intensiyong manloko o takbuhan ang perang nagasta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NICKO FALCIS READY TO DEFEND HIMSELF IN COURT

Sa mensahe pa rin ni Nicko sa kanyang Instagram, tiniyak niyang handa siyang harapin ang mga kaso ng estafa at credit card na kinahaharap sa Taguig courts.

Ngunit handa rin daw siyang ipaglaban ang kanyang karapatan sa gitna ng sanga-sangang legal battles nila ni Kris.

NICKO FALCIS BELIEVES KRIS AQUINO'S THREAT TO HARM HIM IS REAL AND CONTINUING

Sa ngayon, lubha pa rin daw nababahala si Nicko para sa sarili niyang kaligtasan. Siniseryoso pa rin daw niya at ng kanyang pamilya ang mga "pagbabanta" ni Kris sa kanyang buhay.

Nakasaad na ito sa reklamong grave threat na isinampa ni Nicko laban kay Kris noong February 18, 2019, ngunit tingin ni Nicko ay delikado pa rin ang buhay niya hanggang ngayon.

Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Nicko sa kanyang Instagram post ngayong March 21:

“Nevertheless, I am securing arrangements to ensure I can post bail alive, given that the cases against me are weak and I, more than anyone else, want the trial to proceed.

“However, there are recent and serious reports in the media and to us about renewed plans and threats to have me killed, especially at night in prison.”

Dagdag daw rito ang insidente kung saan may dalawang lalaking namataang umaaligid sa bahay ng pamilya Falcis kamakailan.

“Last week, March 13, two unsavory and unsettling looking men in plainclothes pretended to be government officials from the City Hall of Quezon City and made a display of loitering in front of our home and were caught lying about it.

“Our lawyers advised us that if those men wanted to serve an arrest warrant that was just baked fresh out of the oven and that the attempt deliberately violated a long standing rule against serving warrants at night.

“The men were not wearing police uniforms and conducted themselves in a manner so as to intimidate.”

Gusto raw ni Nicko na makasigurong ligtas siya habang inaapela niya ang warrant of arrest na inisyu ng Taguig prosecutor. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NICKO RAISES QUESTIONS ABOUT HIS WARRANT OF ARREST

Sabi pa ni Nicko [caps his]: “THE WARRANT WAS SUPPOSEDLY ISSUED LAST WEEK, BUT THE QC POLICE AMAZINGLY HAD IT ALMOST IMMEDIATELY.

“The excessive display of power and connections on a complaint for Php62K is frightening.

“Unfortunately, it is normal regular behavior for those types of people with power, resources, and connections.

“Rest assured, I will definitely follow the rule of law and post bail as soon as we can secure arrangements to ensure my safety.”

Samantala, nilinaw ng legal counsel ni Nicko, na si Atty. Regidor Ponferrada, na nakatakda sanang magpiyansa ang kanyang kliyente noong March 12, 2019.

Pero sadyang nabahala ang kanilang kampo sa mga insidenteng may kinalaman daw sa pagbabanta sa buhay ni Nicko.

Ayon kay Atty. Ponferrada: "Our client, more than anyone else, wants the trials to proceed so he can clear his name.

"Rest assured, we will continue to follow the rule of law and post bail as soon as arrangements to ensure his safety are completed."

Narito ang kopya ng Instagram post ni Nicko, kalakip ang official statement mula sa kanyang abugadong si Regidor Ponferrada:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Nicko Falcis protests Taguig prosecutor's
Nicko Falcis protests Taguig prosecutor's "bias" for Kris Aquino
Kris Aquino, Falcis brothers trade barbs anew on social media
Kris Aquino, Falcis brothers trade barbs anew on social media
Falcis brothers claim Kris Aquino out to snuff their lives
Falcis brothers claim Kris Aquino out to snuff their lives
Taguig courts issue warrants of arrest on Nicko Falcis
Taguig courts issue warrants of arrest on Nicko Falcis


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN