Taguig courts issue warrants of arrest on Nicko Falcis

IMAGE Rachelle Siazon


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Ngayong Miyerkules, March 20, inihayag ng kampo ni Kris Aquino na nag-isyu na ang Taguig courts ng dalawang warrants of arrest kay Nicko Falcis.

Kaugnay ito ng alegasyong estafa at credit card fraud o paglabag sa R.A. 8484 Section 9(j) na ikinaso kay Nicko.

Diumano, ginamit ni Nicko nang walang pahintulot ang credit card na ipinangalan sa kanya ni Kris “for personal expenses.”

Taliwas ito sa paninindigan ni Nicko na lahat ng ginasta niya gamit ang credit card ay para sa "representation" at business expenses.

Si Nicko ay dating project director ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP), business manager, at talent agent ni Kris.

Sabi sa isang bahagi ng press statement na inisyu ng Fortun Narvasa Salazar law office:

“As of today, March 20, 2019, we have confirmed that two (2) warrants of arrest have been issued against Nicardo Falcis y Madarang, alias 'Nicko,' one by Branch 70 of the Taguig Regional Trial Court (RTC) for violation of Republic Act No. 8498, and another by Branch 117 of the Taguig Metropolitan Trial Court (MeTC) for estafa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa rito, ginanap ngayong araw ang pagdinig para sa mga motion for reinvestigation na inihain ng kampo ni Nicko.

“However, when the case was called for hearing, Falcis was notably absent and was only represented by his counsel.

“In both cases, no bail has been posted as of date. Falcis remains at large and continues to defy court orders for him to surrender.”

Si Atty. Sigfrid Philip Fortun ng Fortun Narvasa Salazar ang isa sa legal counsel ni Kris, pero hindi ito direktang nakapirma sa press statement.

Noong Huwebes, March 14, unang kinumpirma ng kampo ni Kris na mayroong warrant of arrest kay Nicko.

Ayon pa rin sa press statement ng Fortun Narvasa Salazar law office:

"Immediately upon the issuance of the Resolution of the Office of the City Prosecutor of Taguig City recommending the indictment of Mr. Nicko Falcis of the crime of estafa and violation of the Access Device Law (Republic Act No 8484), a warrant of arrest was issued by Branch 70 of the Taguig City Regional Trial Court."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa rito, "The arrest warrant was served upon Mr. Falcis at his given address in Quezon City, which he claimed in his sworn counter-affidavit as his residential address.

"When the police arrived, he was not there, and his family and his brother claimed to not know his whereabouts. He continues to be at large as of today."

NICKO CAMP APPEALS FOR REINVESTIGATION

Mariing inalmahan naman ng kampo ni Nicko Falcis ang desisyon ng Taguig Prosecutor’s Office na makasuhan siya ng estafa at credit card fraud.

Sa hiwalay na ulat ng CNN Philippines noong March 15, sinabi ng abugado ni Nicko na si Regidor Ponferrada na iaapela nilang mabawi ang warrant of arrest laban kay Nicko.

Paliwanag pa ni Atty. Ponferrada, “We've filed an Omnibus Motion before Branch 117 of the Metropolitan Trial Court of Taguig City, wherein we prayed for leave of court to file a Motion for Preliminary Investigation, for suspension on the ground of existence of a prejudicial question in a civil case, and/or to quash, defer the issuance of, or recall the warrant of arrest on the ground of absence of probable cause.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A similar Omnibus Motion was filed before Branch 70 of the Regional Trial Court of Taguig City.

“We will verify if a warrant has been issued, but we hope the issuance of the same will be deferred in light of our motion.”

Noong March 13, bago pa man lumabas ang warrant of arrest, kinuwestiyon ni Nicko ang umano'y "contradiction" sa desisyon ng Office of the Prosecutor ng Taguig na kasuhan siya ng credit card fraud at estafa. 

Ito ay matapos ibasura ng parehong prosecutor ang qualified-theft complaint na pormal na isinampa ni Kris laban kay Nicko. 

Nakasaad din umano sa isang bahagi ng desisyon ng Taguig prosecutor na walang probable cause para sa alegasyong credit card fraud o paglabag sa R.A. 8484. 

Hinaing ni Nicko: Kung gayon ay bakit siya kinasuhan ng estafa at credit card fraud? 

Lalo pa't ang halagang PHP 62,784.32 credit card charges na ikinaso sa kanya ay ginasta raw ni Nicko sa bills sa Taguig restaurants na kinainan niya kasama ng KCAP staff. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"DENIED" MOTION FOR REINVESTIGATION

Ibinasura umano ng Taguig court ang motion ng kampo ni Nicko for a reinvestigation.

Base ito sa sa karagdagang pahayag ng isa pang legal counsel ni Kris na si Atty. Ricardo dela Cruz, na makikita sa Instagram post ni Kris ngayong Miyerkules, March 20.

"Ang hearing po ay today. Pero hindi po siya umattend at hindi rin po nagpakita sa korte.

"Kaya ang sabi po sa MTC, denied ang kanyang kahilingan na reinvestigation. Kailangan sumuko muna siya at magpiyansa.

"At napakadali naman po magpiyansa. Bailable po pareho ang offenses." 

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag ang legal counsel ni Nicko na si Atty. Ponferrada. 

Hindi pa ito sumasagot at press time. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN