Cristine Reyes finally breaks silence on rumored separation from Ali Khatibi

IMAGE Noel Orsal

Cristine Reyes on marriage: "Ideally, it shouldn’t end, but it depends on the circumstances… But for me, if you’re not happy, you should do something about it."


Nagsalita na si Cristine Reyes tungkol sa balitang hiwalayan nila ng asawang si Ali Khatibi.

Sa panayam niya sa programang Headstart ng ANC ngayong umaga ng Biyernes, March 22, hindi kinumpirma o itinanggi ng aktres ang balita.

Pero sinabi ni Cristine na “civil” sila ni Ali sa isa't isa.

Ito ay alang-alang na rin daw sa kapakanan ng kanilang nag-iisang anak na si Amarah Khatibi.

Pahayag ni Cristine, “We’re civil.

“We’re in good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah.”

Noong Enero pa ng taong 2018 nagsimula ang bulung-bulungang nagkakalabuan na raw ang mag-asawa.

Ngunit iniiwasan ni Cristine ang mga tanong tungkol sa kanyang marriage life kapag nai-interview siya ng media.

Hanggang nitong nakaraang Pebrero 2019, tila nadulas ang kanyang kapatid na si Ara Mina tungkol sa estado ng relasyon nina Cristine at Ali.

Sabi ni Ara nang tanungin tungkol sa bonding nila ng kapatid: "Happy siya in a way, kasi, nakaka-bonding niya kaming family. Kasi to be honest… kasi nung married siya, parang medyo bihira yung bonding namin, e. Mas more on sa asawa niya, sa family niya, but we understand."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINE REYES ON MARRIAGE

Samantala, sa kanyang Headstart interview, naitanong din kay Cristine kung ano ang pananaw niya sa pag-aasawa.

Tugon niya, “Ideally, it shouldn’t end, but it depends on the circumstances…

"But for me, if you’re not happy, you should do something about it.”

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 27, 2016 sa isang civil ceremony sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN