Ex Battalion's Jon Gutierrez owns up to mistakes in marital problems with Jelai Andres

IMAGE Noel Orsal / @jelaiandresofficial Instagram

Ex Battalion rapper Jon Gutierrez wants to move on from controversies surrounding his marital problem with Jelai Andres: "I'm in the process of sorting it out with my wife and trying to save my marriage."


Inamin ni Ex Battalion rapper Jon Gutierrez, a.k.a. King Badger, na sinusubukan niyang maayos ang relasyon nila ng asawang si Jelai Andres. 

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Jelai, sa hiwalay na panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na tuluyan na niyang hiniwalayan si Jon. 

Sina Jon at Jelai ay kilala sa tambalang JoLai, na may 741,353 subscribers sa kanilang YouTube Channel.  

Si Jelai ay may 1.9M followers sa Facebook, at may 1.6M followers din si Jon sa sarili niyang account. 

Ikinasal sina Jelai at Jon noong October 2018.

Pero nitong March 2019, naghiwalay ang dalawa dahil sa isyung may kinalaman sa pambababae ni Jon noong 2016.

Dagdag pa rito ang pakikipagkita ni Jon sa parehong babae noong February 2019. 

Natukoy ang sinasabing third party sa relasyon ng dalawa na si Toni Fowler, na mayroon ding milyong followers sa Facebook.  

Nitong April 11, Huwebes ng hapon, inamin ni Jon na malaki ang pagkakamali niya bilang asawa ni Jelai. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tumanggi siyang magbigay ng iba pang detalye hinggil sa isyu. 

Pahayag niya, "Well, first of all, I just want to say na nobody's perfect. I am not perfect. I made a mistake.

"But right now, I'm in the process of sorting it out with my wife and trying to save my marriage."

Nakiusap si Jon na sana ay huwag na siyang tanungin tungkol sa marital problems nila ni Jelai.

"Anymore question about my wife, please don't ask it.

"That's it. That's the last question I'm gonna answer about it.

"'Cause that's too personal, and yeah, thank you." 

Inihayag ito ni Jon sa presscon ng pelikulang S.O.N.S. of Nanay Sabel, na ginanap sa Playhub Events Place sa Quezon City. 

CONTROVERSIAL FACEBOOK LIVE VIDEOS

Lumikha ng ingay sa kanilang sirkulo ang sigalot sa pagitan ng mag-asawang Jon at Jelai matapos ungkatin ng isang "basher" ng rapper ang tungkol sa pambababae niya noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila ito ang naging mitsa upang maglabas ng Facebook Live video ang itinuturong third party na si Toni Fowler noong March 23. 

Sumunod namang naglabas ng Facebook Live video si Jelai noong March 24, at panghuli si Jon na nag-ere ng kanyang bersiyon ng kuwento noong March 26.

Doon sinabi ni Jon na totoong nagkaroon sila ng ugnayan ni Toni noong girlfriend pa lang ng rapper si Jelai taong 2016. 

Iginiit din ni Jon na alam ni Toni na may girlfriend siya noong naging sila. 

Taliwas ito sa depensa ni Toni na hindi kailanman nilinaw sa kanya ni Jon na girlfriend nito si Jelai. 

Pahayag ni Jon patungkol kay Toni: "Alam mo na kami ni Jelai nun. You know that you're number two. Hindi mo kailangan i-deny.

"Nakakaasar lang na dine-deny natin yung mga bagay na alam naman natin na alam mo."

Naiinis daw kasi si Jon dahil pinagmukha ni Toni na siya lang ang may kasalanan at siya ang pilit na naghabol noon sa dancer. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, yes, nagkamali ako. Andami kong kasalanan. Hindi ko nililinis yun.

"Pero dalawa tayo dito. Ano yun? Nakipag-anuhan ako sa sarili ko? Nah.

"Kaya nga naging issue kasi dalawa tayo dito, di ba?

"Kung ako lang mag-isa yun, e, di ano ako, baliw ako?" 

Tandang-tanda pa raw ni Jon ang paghayag ni Toni ng paghanga sa kanya noon. 

"Sinasabi mo nga sa akin na, 'Dati napapanood ko kayo, ini-imagine ko kung paano kaya kung nagka-boyfriend ako na ganyan kakulit? Na ganyan, Viner, kilala ng tao.'

"Huwag ka magmalinis. Please lang. Ako, real talk lahat ng sinasabi ko."

SENSITIVE INCIDENT DURING FIRST MEETING

Bukod dito ay isa-isang kinuwestiyon ni Jon ang ilang detalyeng sinabi ni Toni sa Facebook Live nito, na ayon sa rapper ay "hindi totoo."  

Partikular na ang alegasyon ni Toni na may maselan umanong ginawa sa kanya si Jon noong unang beses silang nagkita nang personal sa isang bar sa Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lasing at halos walang malay raw noon si Toni. 

Kontra-pahayag ni Jon: "Di ba, dapat kung naaalala mo 'yan, kung nasa huwisyo ka na, alam mo yung ginagawa ko, dapat dun pa lang nagwala ka na, pinadampot mo ako sa bouncer.

"Dun palang binibitbit niya na ako sa pulis, or the next day kinuha mo yung CCTV footage from [the bar] para may proof ka, dalhin mo sa police.

"Yun! Kulong na ako nun kung nangyari yun. Pero dahil hindi nangyari yun, hindi mo ginawa." 

Ayon pa kay Jon, si Toni ang gumawa ng eksena noong gabing iyon na nagkita sila sa bar.

"Baka naman kaya nasira sa neck ng damit ko dahil gusto niya akong halikan. 

"Hinahabol-habol niya ako. Sigaw-sigaw pa siyang, 'Badger! Badger!'

"Hinahablot-hablot niya ako dahil gusto niya akong halikan.

"Umiiwas-iwas ako." 

Marami raw ang nakasaksi sa insidenteng iyon, pati na sa pagtulong niyang maihatid nang maayos si Toni sa bahay nito dahil sa sobrang kalasingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ayaw nga kita buhatin dahil ayoko makita ng ibang tao na merong akong buhat-buhat na ibang babae.

"Pero tinulungan pa rin kita kahit nagpa-pass out ka, nagwawala ka sa sahig." 

EXCHANGE OF "PRIVATE" VIDEOS

Kinalaunan ay nagkaroon ng relasyon sina Jon at Toni. 

Pero kinuwestiyon ni Jon kung bakit pinapalabas ni Toni na ang Ex Battalion rapper lang ang panay ang padala ng maseselang private videos sa pamamagitan ng Snapchat. 

"Meron part dun na sinabi mo na naka-move on ka na, 'tapos magsi-send ako ng private part ko sa 'yo.

"Pero bakit magsi-send ka pa sa akin pabalik ng mga private stuff din na hindi ko na kailangan sabihin dito?

"Ganun ang set-up natin. Alam mo 'yan.

"Plus alam mo na kami na ni Jelai nung mga panahon na ganun. Andami mo sine-send sa akin na mga stuff..." 

Pag-amin pa ni Jon, naging mitsa ng hiwalayan nila ni Jelai noong 2016 ang ipinadala sa kanyang maselang video ni Toni. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang dahilan kung bakit umalis si Jon sa tinitirhan nila ni Jelai at panandaliang tumuloy sa bahay ni Toni. 

Ani Jon, "Yes, tumira ako sa inyo, pero hindi for one month.

"Mga twelve days or two weeks at least dahil yun na ang panahon na nagkakagulo na kami.

"Dahil wala akong mapuntahan dahil nahuli ako na may video..."

Bagamat nagkarelasyon nga raw sila ni Toni, inamin ni Jon na kinalaunan ay "nagkumahog" pa rin siyang makipagbalikan kay Jelai. 

Pero hindi raw ide-deny ni Jon na nagkapalitan pa rin sila ng mga mensahe ni Toni kahit nagkabalikan na sila ni Jelai. 

Kaugnay ito ng inilathala ni Toni sa kanyang Facebook na screenshot ng Viber messages mula kay Jon noong December 2016. 

"Yung mga screenshot na ni-release mo. Bakit yung part ko lang yung ni-release mo? Bakit yung part mo na ikaw yung naghahabol?

"Bakit yung part na ikaw ang nagpapaselos, na ikaw yung nagtatanong kung kailan ako babalik, bakit hindi mo pinost dun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para lang malinis ka? Para lahat ng tao isipin, 'Oh, si Badger ang naghabol.' Come on, don't lie." 

Nagtapos daw ang ugnayan sa pagitan nina Jon at Toni noon ding 2016. 

MEETING TONI AGAIN IN FEBRUARY 2019

Pero muli raw naungkat ang isyu nang lumabas ang balitang nagkrus ulit ang landas nina Jon at Toni nitong February 2019.

Inamin ni Jon sumama siya nang makipagkita ang kapwa Ex Battalion member niyang si Mark Maglasang kay Toni sa bahay ng huli sa Las Piñas City. 

Iaabot daw kasi noon ni Mark ang PHP20,000 na inuutang ni Toni rito. 

Ang tanging inaalmahan daw ni Jon ay ang maling impormasyong kumakalat sa social media na sa kanya nanggaling ang PHP20,000 na inutang ni Toni.

"Ang dine-deny ko dun yung 20 thousand. Hindi ko siya binigyan ng 20 thousand." 

Ayon pa kay Jon, hindi totoo ang kuwento ni Toni sa Facebook Live video nitong todo-iwas ito nang makita siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kusa raw pumasok si Toni sa loob ng kotse ni Mark at sumama pa sa kanilang mag-drive thru sa isang kalapit na fast food chain para kumain. 

Depensa ni Jon, "Kung ayaw mo talaga sumama sa amin nun, bakit di mo na lang kinuha yung pera na hinihiram mo kay Mark? At umalis ka, lumabas ka ng kotse? Napaka-easy.

"Pero, no. Sumama ka pa sa amin. Nakipagkuwentuhan ka." 

Sabi pa ni Jon, walang ibang namagitan sa kanila ni Toni nang magkita sila noong February. 

Pero aminado ang Ex Battalion rapper na maling nakipagkita pa siya sa babaeng naging dahilan ng alitan nila ni Jelai noong 2016. 

"Yes, inaamin ko, mali yung ginawa ko na sumama pa ako sa lakad na yun. I'm not gonna deny it.

"Alam ko naman napakalaking issue na nagawa ko nung 2016, 'tapos sumama pa ako nung mga panahong iyon." 

Sa huli, iginiit ni Jon na gagawin niya ang lahat upang magkaayos sila ni Jelai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

 Dancer Toni Fowler reveals version of past relationship with Ex Battalion's Jon Gutierrez
Dancer Toni Fowler reveals version of past relationship with Ex Battalion's Jon Gutierrez
Internet star Jelai Andres breaks up with Ex Battalion member Jon Gutierrez
Internet star Jelai Andres breaks up with Ex Battalion member Jon Gutierrez
Jelai Andres, itinangging siya ang source ng fake news tungkol kay Jon Gutierrez
Jelai Andres, itinangging siya ang source ng fake news tungkol kay Jon Gutierrez
Ex Battalion rapper Jon Gutierrez on reported breakup with Jelai Andres
Ex Battalion rapper Jon Gutierrez on reported breakup with Jelai Andres


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN