Daniel Padilla proudly calls Kathryn Bernardo "my woman"

IMAGE @supremo_dp Instagram

Daniel Padilla posts message about how he can't wait to spend quality time with girlfriend Kathryn Bernardo.


Bihirang maging aktibo sa social media si Daniel Padilla, pero ngayon ay tila napapadalas ang paghayag nito ng pagmamahal para sa girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

Noong Biyernes, May 3, tinawag ni Daniel si Kathryn na "my woman."

Ito ay matapos mag-post ng aktres ng kanyang cover photo para sa isang magazine shoot.

Sang-ayon naman si Kathryn na walang ibang nagmamay-ari ng kanyang puso kundi si Daniel.

Balik-komento ni Kathryn, "YOURS."

Humirit naman ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo na "My daughter." 

Sumagot ulit si Daniel patungkol kay Mommy Min, "My biyenan." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING KATHRYN

Kapansin-pansin din ang pananabik ni Daniel na makapiling si Kathryn.

Sa kanyang Instagram post noong Biyernes, May 3, ipinakita ni Daniel ang isang litrato kung saan yakap-yakap niya si Kathryn.

Sabi ni Daniel gamit ang wikang Espanyol sa kanyang caption: "Nos vemos en un momento mi amor."

Sa Ingles, ang translation nito ay "See you in a moment my love."

Nagkomento naman si Kathryn ng "Few more hours!!!!"

SURPRISE VISITS

Ilang linggo ring namalagi si Kathryn sa Hong Kong para sa shooting ng Hello, Love, Goodbye, ang pelikula nila ng Kapuso actor na si Alden Richards.

April 8 nang lumipat papuntang Hong Kong sina Kathryn at Alden. 

April 19 nang sorpresang bumisita roon si Daniel.

Labis iyong ikinatuwa ni Kathryn, na napalundag pa kay Daniel nang makita niya ito.

Kilig na napasigaw noon si Kathryn ng "Tangi," ang isang term of endearment nila ni Daniel na mula sa salitang tinatangi o iniirog.

Pagkatapos ay si Kathryn naman ang lumipad pabalik ng Pilipinas para sa salubong ng birthday ni Daniel noong April 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon, May 4, nag-post si Kakai Bautista—co-star ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye—ng huling bonding session ng female cast members ng pelikula bago sila umalis ng Hong Kong pabalik ng Pilipinas. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN