Sofia Andres denies breakup with racer-boyfriend Daniel Miranda

IMAGE Courtesy: @iamsofiandres on Instagram

Sofia Andres quashes breakup rumor with boyfriend Daniel Miranda by posting hugging photo with the international car racer on Instagram.


Pinabulaanan ni Sofia Andres na break na sila ng boyfriend niyang si Daniel Miranda, isang international car racer.

Nag-ugat ang usap-usapang break na sila dahil sa pagbura ni Sofia sa lahat ng larawan nilang dalawa ni Daniel sa kanyang Instagram account noong nakaraang linggo.

Kahapon, May 22, nag-post ang Kapamilya actress sa Instagram ng larawan niyang naliligo sa pool.

Dito ay nag-comment si Daniel ng “fire” at “in love” emoticons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang netizen ang direktang nagtanong kay Sofia kung sila pa ba ng Cebu-based racer.

Sagot ng aktres ay “100” percent emoticon.

Ibig sabihin, sila pa ring dalawa.

Sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) naman, nag-post si Sofia ng isang video ni Daniel.

Caption dito ng aktres: “Miss you @danielmirandaa_ (happycry emoticon).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-post din si Sofia ng larawan nilang dalawa ni Daniel na magkayakap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

October 2018 nagsimulang mag-post si Sofia ng mga larawan nila ni Daniel.

Simula noon, salit-salitan na silang nagbabahagi ng sweet moments nila sa Instagram.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN