Sugar Mercado gives update on legal battle with ex-husband

IMAGE Arniel Serato

Sugar Mercado on legal cases against her ex-husband: "Yung kaso pabawas na, mga isa o dalawa na lang ata, 22 dati. Ganun, ang dami.”


Nagkaayos na ang dating SexBomb dancer at Wowowin host na si Sugar Mercado at ang ex-husband nitong si Kristofer Jay Go.

Taong 2015, lumikha ng ingay ang pagsasampa ni Sugar ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act laban sa asawa dahil sa paulit-ulit na pananakit umano sa kanya mula pa noong 2010. 

Makalipas ang halos limang taon, nauwi sa tila amicable settlement ang hidwaan nila.

Sabi ni Sugar, “Okay na kami. Hindi naman kami nag-uusap, pero okay na kami.”

Paano sila nagkaayos gayong buwis-buhay na pagsubok ang pinagdaanan niya sa kamay ng dating asawa?

Nakangiting saad ni Sugar, “Ang dami, kurek! Pero God is good, may healing process.

“Okay na kami sa kids, darating na yung magiging friends.

"Pero okay na din na alam kong kahit hindi kami nag-uusap, e, tungkol naman sa bata, okay na kami."

Bukod sa VAWC, marami pang ibang kasong isinampa si Sugar laban sa dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na ang mga kasong ito?  

“Yung kaso, pabawas na, mga isa o dalawa na lang ata, 22 dati. Ganun, ang dami.”

Paano niya hinarap ang daming pagsubok na kanyang pinagdaanan?

Tugon ng dancer-turned-TV host/actress, “Prayers lang talaga. Ang dami talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sugar sa launching ng make-up line ni Ara Mina na Ara Colours noong Miyerkules, July 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FREE TO LOVE AGAIN

Inalala naman ni Sugar ang mga panahon kung paano niya itinaguyod ang mga anak noong kumalas siya sa buhay ng dating mister.

Lahad niya, “Siyempre nag-Klownz, Zirkoh ako.

"Kasi nung panahon na naghiwalay kami, wala talaga ako ni singko, as in wala.

“Wala talaga akong pera. Zero talaga.

“Pero naniniwala ako na gagabayan kami ng Panginoon.

“Pero kailangan mo ring gumalaw, hindi naman isusubo sa 'yo yung kikitain mo.

“Tinulungan din ako ng Gabriela."

Patuloy ni Sugar, “Alam niyo, para hindi ako masyadong nahirapan, nag-Klownz, Zirkoh ako.

"Nag-RTW ako, nagbenta ako ng soap, ng glutathione... kung anong pagkakakitaan, ginagawa ko talaga.

“Pumupunta ako sa bahay-bahay, nagbebenta ako ng damit na branded. Medyo malaki ang kinikita ko dun.”

Ngayon daw ay naka-move on na silang mag-ex sa kani-kanilang mga pinagdaanan.

Sabi niya tungkol sa dating asawa, “Feeling ko, mag-aasawa na rin siya.

"Feeling ko... ano na rin na tama na para sa bata na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun. Napi-feel ko lang ganun.”

Open na ba siyang magkaroon ng bagong karelasyon ngayong annulled na ang kasal niya sa ex-husband?

Tugon ni Sugar, “Oo naman. Matagal na.

"Kung sino lang yung mabuting taong lumalapit, charot.

"Wala, wala, wala."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close