Markus Paterson neither confirms nor denies Japan rendezvous with Janella Salvador

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

Markus Paterson on rumored girlfriend Janella Salvador's past relationship with Elmo Magalona: "I have no right to say anything about that, its past. It’s better to not dwell on the past. Kasi kapag nangyari na, e, nangyari na, wala ka nang magagawa."


Lalong lumakas ang hinala ng karamihang may namamagitan na kina Markus Paterson at Janella Salvador.

Bago kasi magdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan si Markus noong June 3, lumipad siya patungong Japan noong katapusan ng Mayo upang doon mag-celebrate.

“I went to Japan for my birthday,” sabi ng binata.

Napansin naman ng ilang mapanuring netizens na nasa Japan din si Janella noong mga panahong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama ba sila ni Janella sa Osaka, Japan?

Natatawa at pinagpapawisang sagot ni Markus, “I have no idea.”

Paiwas pa niyang dagdag, “I had a very good birthday trip.”

Gaano kahalaga sa kanya ang ganoong klaseng gesture na sinamahan pa siya ng importanteng tao sa buhay niya sa kanyang birthday trip?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Markus, “It meant a lot.

"It showed na, you know, of course, like, kahit sino naman diyan, they love to spend time with people they cared about.

“My best friend was also there.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Markus sa announcement presscon ng Cignal Entertainment, October Train Films, at The IdeaFirst Company na ang pelikula nilang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi ay available na for streaming sa Netflix simula August 21.

Kasamang dumalo ni Markus sa presscon ang co-stars niya sa pelikula na sina Jameson Blake at Angeli Nicole Sanoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAST IS PAST

Galing sa isang masalimuot na relasyon si Janella.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Elmo Magalona noong 2018.

Inakusahan ni Janella si Elmo ng pananakit, bagamat nanatilling tahimik ang binata tungkol dito.

Ano ang masasabi ni Markus sa sinapit ng relasyon ni Janella kay Elmo?

Tugon niya, “I have no right to say anything about that, it's past.

“It’s better to not dwell on the past.

"Kasi kapag nangyari na, e, nangyari na, wala ka nang magagawa.

“Move on.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close