Vice Ganda, Bianca Gonzalez, Pia Wurtzbach react to discrimination against trans woman Gretchen Diez

by Bernie V. Franco
Aug 14, 2019
Vice Ganda, Bianca Gonzalez, and Pia Wurtzbach express support for trans woman Gretchen Custodio Diez (far right) who experienced discrimination after being disallowed from using restroom for women in a Quezon City mall.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @iamsuperbianca, and @piawurtzbach on Instagram / Gretchen Diez on Facebook

Nadagdagan pa ang mga artistang nag-react sa isyu ng diskriminasyon sa isang trans woman matapos itong sitahin dahil sa pagpila sa restroom ng mga babae sa isang mall sa Cubao, Quezon City.

Laman ng balita ngayon at trending pa sa Twitter si Gretchen Custodio Diez, 28, na pinosasan matapos dalhin sa security room ng isang mall nitong August 13, Martes.

Ito ay matapos pigilan ng isang janitress si Diez na gumamit ng restroom na pambabae.

Nakahanap ng kakampi si Diez sa mga artistang kagaya nina Ice Seguerra, Heart Evangelista, KaladKaren, Frankie Pangilinan; at maging ang mga pulitikong sina Senator Risa Hontiveros at Bataan 1st District Representative Geraldine Roman, na isa ring trans woman.

Naghain na rin ng resolusyon si Congresswoman Roman para paimbestigahan sa Kamara ang sinapit ni Diez.

VICE GANDA, BIANCA GONZALEZ, PIA WURTZBACH REACT

Idinaan sa social media nina Vice Ganda, Bianca Gonzalez, at Pia Wurtzbach ang kanilang reaksiyon hinggil sa isyu ni Diez.

Dahil sa isyung ito, mas lumakas ang panawagan upang aprubahan ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill, na kilala rin sa tawag na anti-discrimination bill.

Himutok ni Vice, naaawa siya sa mga miyembro ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer +) community na natatanggalan ng karapatan dahil sa kanilang sexual orientation.

Tweet ng It’s Showtime host: “Nakakaawa yung mga LGBTQ+ na napagkakaitan ng karapatan dahil sa kanilang gender identity.

“At nakakaawa rin yung mga ignorante na napagkakaitan ng kaalaman kaya nakakatapak ng karapatan.

“Kailan pa kaya lalawak ang pang unawa sa LGBTQ+?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May pag asa pa ba ang SOGIE BILL?”

Pinuri naman ng ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez ang mga sumuporta kay Diez, pero malayo pa raw ang itatakbo ng SOGIE Bill bago ito tuluyang maisabatas.

Tweet ni Bianca: “Huge respect for the LGBTQ community and allies na pinaglaban ang karapatan ni Gretchen.

“Ang layo pa talaga ng ilalakbay ng laban para sa SOGIE awareness.. naka-attend na ako ng ilang SOGIE forums sa ilang opisina.

“Is it possible to make this mandatory? #SOGIEEqualityNow”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibinahagi naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang social media accounts ang Gingerbread Person chart.

Ayon sa official website ng Gingerbread Person chart, ito ay isang “teaching tool for breaking the big concept o gender down into bite-sized, digestible pieces.”

Layon ng Gingerbread Person concept na mabilis na magkaroon ng ideya ang isang tao tungkol sa kumplikadong iba-ibang sexual orientation.

Hindi direktang binanggit ng beauty queen-actress ang tungkol sa nangyari kay Diez, pero base sa post at comments niya ay may kinalaman ito sa mainit na usapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Pia ay vocal advocate ng LGBTQ+ community.

Layunin ng SOGIE Bill na malabanan ang diskriminasyon para sa miyembro ng LGBTQIA community, pati na rin sa health services, employment, at edukasyon.

ARANETA CENTER APOLOGIZES

Samantala, naglabas na ng official statement ang Araneta Center kaugnay ng insidente sa pagitan ng empleyado ng Farmer Plaza at ni Diez.

Dito ay humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Araneta Center sa inasal ng kanilang mga tauhan.

Narito ang kanilang kabuuang pahayag:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Bianca Gonzalez, and Pia Wurtzbach express support for trans woman Gretchen Custodio Diez (far right) who experienced discrimination after being disallowed from using restroom for women in a Quezon City mall.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @iamsuperbianca, and @piawurtzbach on Instagram / Gretchen Diez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results