PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jalosjos' Advice to New Eat Bulaga! Hosts

Bullet admits "TVJ is irreplaceable," but asks viewers to give new EB hosts a chance.
Text: Rachelle Siazon Interview: Jo-Ann Q. Maglipon
Published Jun 12, 2023
Bullet Jalosjos on Eat Bulaga! hosts
Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos (left) on Eat Bulaga! hosts: "We're very happy and we'd like to thank the talents na pumayag, trusting us." Back row: Mavy Legaspi and Paolo Contis; second row Kimpoy Feliciano, Betong Sumaya, Cassy Legaspi, Alexa Miro, Dasuri Choi, and Faith Da Silva; foreground: Buboy Villar.
PHOTO/S: Rommel Llanes / @kimpoyfeliciano Instagram

Inamin nina Jon at Bullet Jalosjos na hindi naging madali ang bumuo ng hanay ng bagong Eat Bulaga! hosts matapos ng pagtiwalag ng TVJ.

Mayroon daw silang dalawang araw lamang para gawing pinal ang lineup matapos ng pamamaalam ng original hosts noong May 31, 2023. Naganap ang rehearsal ng bagong hosts noong Sabado, June 3, at ang launch noong Lunes, June 5.

Noon ding hapon ng Sabado naganap ang ekslusibong interbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magkapatid na Jalosjos sa APT Studio, sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.

Ang naabutan ng PEP Team sa studio ay sina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar.

Pero noong bumulaga sila sa live TV noong Lunes, June 5, kasama na ng tatlo sina Alexa Miro, Cassy Legaspi, at Mavy Legaspi. Naidagdag na rin sina Kimpoy Feliciano at Dasuri Choi.

Sa tindi ng kontrobersiyang dulot ng hidwaan ng TAPE at ng TVJ, hindi maiwasang makadama ng pangamba ang mga artistang inimbitahan nilang lumabas sa Eat Bulaga! sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ni Bullet, chief financial officer ng Television and Production Exponents (TAPE), prodyuser ng Eat Bulaga! mula 1981:

"Even yung mga talents na tinatawagan—takot. We have to convince them that 'You're not trying to fill any shoe... You have to understand it's the show.'

Malinaw daw niyang sinabi sa bagong hosts: "We don't want you to replace...to be a Tito, Vic and Joey. Kasi Tito, Vic and Joey na yan.

"You're just here to ensure na makapagbigay kami ng saya, mapagpatuloy namin yung duty namin as a show to entertain every Filipino at a certain time of the day."

Pag-amin din ng CFO, "So, it's very hard. Up to now, we're still talking. And we're very happy, and we'd like to thank the talents na pumayag, trusting us."

Komento ng kapatid na si Jon, ang presidente at chief executive officer ng TAPE, sa pakiramdam na nagtiwala sa kanila ang talents: "Ang sarap naman."

Sa rehearsal nina Paolo, Betong, at Buboy ay malinaw na ganado silang ibigay ang makakaya sa show, ngunit malinaw ding kabado ang mga ito at parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay nila.

Nang makaumpukan saglit ng PEP.ph ang tatlo sa mismong stage ng EB!, nakita naming si Paolo ay laging nakamulagat at parang inaa-absorb ang kapaligiran. Biro nito, "Nadaan lang ho kami, di po ako tagarito." (Nang mga panahong iyon ay hindi pa kumpirmado sa publiko kung sino-sino ang mga bagong hosts.)

Mukhang si Buboy ang pinakamahiyain sa kanilang tatlo. Ngumingti-ngiti lamang ito sa PEP.ph.

Si Betong, na nakilala ni PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon noong nasa PROBE TEAM pa ito, ay nagpa-wefie kay Jo-Ann para magpaabot ng video greeting kay Cheche Lazaro, ang dati niyang boss. Si Cheche ang respetadong jornalistang namuno sa hard-hitting at award-winning PROBE TEAM mula 1987-2010. Panay-panay ang pag-tap ni Betong sa bandang puso nito, tanda ng kaba niya.

Kung aminado sina Bullet at Jon na hindi nila kayang palitan ang TVJ, ganoon din sina Paolo, Betong, at Buboy. Panay saludo ng bagong hosts sa TVJ.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"TVJ IS IRREPLACEABLE"

Hiling ni Bullet sa mga manonood na bigyan ng chance ang bagong Eat Bulaga! sa pamumuno ng bagong management ng TAPE.

"Ito pong mga talents, allow them naman to come in. Ito ang mga talents na papasok because we didn't get them to replace [anyone].

"I think TVJ is irreplaceable," sabi ni Bullet.

Sang-ayon si Jon, "Hindi namin iniisip palitan si TVJ. TVJ will always be TVJ.


"It's impossible to replace them. They're one of a million."

Noon pa lang June 3, ang araw ng PEP.ph interview, inasahan na nina Jon at Bullet ang tone-toneladang negative reactions sa pagkawala sa Eat Bulaga! ng TVJ at ng Dabarkads.

Sa may Quezon City lamang nakatira si Jon, pero parang wala rin daw siyang bahay dahil lagi siyang nasa studio para pamunuan ang pagbabagong-bihis ng Eat Bulaga!.

"Mahirap," ang mabilis na sagot ni Jon tungkol sa pagbuo ng show. "Pressured. Kami lahat dito, walang tulugan."

Pero malaking bagay daw na "80 percent" ng production staff ng Eat Bulaga! ay piniling manatili sa TAPE.

Sa bilang ni Jon ay may 300 empleyado at production staff ang noontime show. Positibo raw ang attitude na ipinapakita ng mga ito sa pagpapatuloy ng trabaho.

Ani Jon: "Yan ang usapan namin. Crew, mga artists, 'Okay, lahat tayo pantay-pantay. Ayaw ko tawagin niya ako president. Kuya lang lahat."

Gusto raw ni Jon na hindi maging depressing, bagkos ay laging maging masaya at magaan ang mood sa loob ng Eat Bulaga! studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jon Jalosjos

READ: Paolo Contis umapelang huwag isama sa bashing ang Eat Bulaga! staff, crew na hindi nag-resign

MIX OF OLD AND NEW eat bulaga! SEGMENTS?

Sa mga balak ng TAPE, isang sinabi nitong sisiguruhin ay ang magbigay ng mas bonggang papremyo sa noontime show para mas maraming viewers ang makinabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jon: "But, what can we promise? Ano ang plano namin? Ipagpatuloy ang kulturang magbigay ng 2.5 hours ng kasiyahan at premyo, pag-asa sa mga taong-bayan.

"Especially now na galing tayo sa pandemya, giyera, lahat ng presyo mataas, walang mga trabaho...

"At least 2.5 hours, makalimutan mo man lang. At paminsan-minsan, may mga sektor tayo, pagbibigyan ng pag-asa rin."

Posible raw na buhayin ang mga dating patok na segments ng noontime show. Kabilang dito ang "Pinoy Henyo," "Bawal Judgmental," "Problem Solving," "Kalye Serye," at "Juan For All, All For Juan."

"Well, nasa IPO naman namin," saad ni Jon tungkol sa segments ng show na naiparehistro na raw ng TAPE sa Intellectual Property Office at nililinaw ni Jon na pag-aari ng kumpanya.

"I don't want to be too specific... kasi hindi pa kami tapos. Pero the idea is, itutuloy namin ito, baka [lagyan ang] portion with a little bit tweak kasi iba na po yung talents mo.

"Kailangan magbagay po yung portion dun sa talents mo, sa segments mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So again, I don't want to be really specific but, yes, you will see old portions namin, old portions, contest, and then you will see new contests."

Ang mga bagong segments na ipinakilala sa Eat Bulaga! sa unang linggo nito ay "Ang Pinaka!," "Box To Box," "Watch Copy Paste," at isang segment para sa lucky home viewers na maaring manalo ng prizes.

Noong Sabado, June 10, sorpresang nag-host si former Manila Mayor Isko Moreno sa segment na "G Sa Gedli" na mala-sugod-bahay ang konsepto.

Eat Bulaga! new hosts with Isko Moreno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Isko Moreno muling sinayaw ang signature dance matapos ang "30 years"

ON TAPE'S PLAN TO GAIN ADVERTISERS

Sa panayam ng Jalosjos brothers sa PEP.ph, tanggap ni Jon na hindi magiging madali ang trabaho ng pagkuha ng advertisers para sa bagong Eat Bulaga!

Paliwanag ng president at CEO: "Well right now, we have at least losses, right now, ha. Kasi nga sa uncertainty. Di naman nag-umpisa ito [losses] nung pag-alis nila.

"Bumaksak ng March, which is natural sa advertising. Alam natin, yung may mga show dito, first quarter, mababa talaga kasi planning stage yan.

"Then dahan-dahan mag-pick up yan hanggang... tumaas nung April and May."

Sa pag-alis nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—ang binansagang TVJ— inaasahan na ng magkapatid na Jon at Bullet na maaapektuhan ang advertising ng Eat Bulaga!

Pero personal daw na tututukan ni Jon ang pakikipag-usap sa iba-ibang ad agency.

Handa raw siyang mag-ikot dahil may limang taon siyang karanasan bilang account executive ng Eat Bulaga! noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm going to work. Tutal, nanggaling ako sa sales, I know what I'm doing.

"Ako mismo po iikot. This time around, the president and CEO will be talking to the clients directly.

"It will give me more opportunity to adjust, to create [a new] portion that also will fit the client."

Sabi pa ni Jon sa kasalukuyang sigalot sa Eat Bulaga!: "Whatever drama it is, whatever ano diyan, hayaan natin. Legal means, diyan yan.

"Gusto ko po na ilabas po na natin yung content natin, yung show natin."

MESSAGE TO VIEWERS

Sa huli, umaasa ang magkapatid na Jon at Bullet na patuloy na suportahan ng mga manonood ang Eat Bulaga!

Pahayag ni Bullet: "Wala po kaming ibang layunin but to give you quality entertainment para sa inyo lahat.

"I hope you're just as excited as we are to showcase or to present the new talents ang bagong hosts.

"And natutuwa rin kami, nakapagbigay kami ng oportunidad sa mga bagong talents and a new platform for a new chapter in the life of Eat Bulaga!"

Dagdag ni Jon: "I think we're making history again. Ang saya nung set, ang saya nung plan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos (left) on Eat Bulaga! hosts: "We're very happy and we'd like to thank the talents na pumayag, trusting us." Back row: Mavy Legaspi and Paolo Contis; second row Kimpoy Feliciano, Betong Sumaya, Cassy Legaspi, Alexa Miro, Dasuri Choi, and Faith Da Silva; foreground: Buboy Villar.
PHOTO/S: Rommel Llanes / @kimpoyfeliciano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results