Raymart Santiago believes second video of airport brawl with Mon Tulfo is edited

Raymart Santiago on second video of airport brawl with Mon Tulfo: "Mahirap kasi parang pinutul-putol nila, e, parang in-edit-edit na. Parang two seconds na video, ‘tapos pinaulit-ulit nila, ‘tapos pinalalabas nila na kampo namin yung nauna. E, siyempre nakakabuwisit, di ba? Well, tutal nandito na sa korte ‘yan, so doon na lang tayo magharap-harap.”


Nakausap via phone patch ni Raymond Gutierrez ang aktor na si Raymart Santiago sa Showbiz Central noong Linggo, May 27.

Ito ay tungkol sa ikalawang video na lumabas na may kinalaman sa kaguluhan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong May 6, sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto at ng broadcaster na si Mon Tulfo.

Unang lumabas ang video na ito sa Aksyon TV noong May 25.

Sa naturang video, nakikipag-usap si Mon sa grupo nina Claudine nang bigla siyang hampasin sa ulo ng lalake na nakasuot ng pink T-shirt.

Nangyari ito sa harap ng isang security guard, ni Claudine at ng isang lalake na natatakpan ng katawan ng aktres.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Raymart sa pagkalat ng bagong video na ito?

“Alam mo, naano rin ako, e, dahil iyon yung… hindi naman iyon yung first part nung video, bale may first part pa ‘yan.

“Yung una niya [Tulfo] akong sinuntok at sinipa, ‘tapos nagkaroon ng awatan.

“That was the video… yung dulong part yun ng first part, yung bago sinipa si Cludine,” pahayag ni Raymart sa telepono.

WHO MADE THE FIRST MOVE? Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na dahil dito, may mga espekulasyong kampo nina Raymart ang unang nanakit?

Sagot ng aktor, “Lilinawin ko, hindi po iyan yung unang part nung video. Iyan yung dulo ng first part.

“Yung first part kasi, iyon yung itinulak niya [Mon] ako at sinipa niya ako. Nagkaroon ng konting suntukan, nagkaawatan.

“Actually, ‘yang video na ‘yan, parang nagkakahamunan na, ‘O, sa labas na lang tayo, sa labas!’

“Yung kaibigan kong gumanun, kung papansinin ninyo, parang hinahamon niya palabas.

“So, sa pagka-edit nila, parang lumabas na tumama.

“Pero hindi tumama ‘yan, yung parang sumapaw [dumaplis] lang.

“So, yung camera niya from behind, sumapaw yun, hindi yun tumama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, pag in-edit nila paulit-ulit, lalabas na parang tumama.

“Pero sa totoo, e, hindi iyon tumama.”

SOURCE OF THE VIDEO. Kanino nanggaling ang naturang video?

“Naku, hindi ko alam, e,” sagot ni Raymart.

“Kasi ‘yang part na ‘yan, iyan yung part na nagkahamunan na, iyan yung before niya sinipa si Claudine.

“Yung sinipa si Claudine, nawawala yun sa video na ‘yan.


“’Tapos yung lumabas na unang video, yung nagkaroon ng suntukan, iyon yung after na sinipa si Claudine.

“So iyan yung nangyari before kay Claudine na sinipa at yung nilabas na video nung unang-una, iyon yung after naman.

“So, yung video na nawala, yung nasa gitna niyan ‘tsaka yung first part.

“So, ilabas na lang nila yun.

"Mahirap kasi parang pinutul-putol nila, e, parang in-edit-edit na.

“Parang two seconds na video, ‘tapos pinaulit-ulit nila, ‘tapos pinalalabas nila na kampo namin yung nauna.

“E, siyempre nakakabuwisit, di ba?

“Well, tutal nandito na sa korte ‘yan, so doon na lang tayo magharap-harap.”

Sa tingin ba ni Raymart ay mayroon ngang mas mahabang version ng video na magpapatunay kung ano talaga ang nangyari?

“Iyon nga, nakikiusap ako sa mga may hawak ng video, ilabas nila.

“Sa tingin ko, yung video na ‘yan, e, napakaigsi, di ba?

“Meron naman sigurong nung after niyan, yung paninipa niya kay Claudine at yung bago nagkaroon ng suntukan.

“Ilabas nila, ilabas nila kasi parang pilit na pilit, e.

“Parang ilang segundo lang ‘yan, ‘tapos pinaulit-ulit nila, parang… hindi ko alam.”

Sinabi ni Mon sa interview niya sa The Buzz na may nagbigay lang sa kanila ng naturang video.

(CLICK HERE to read related story.)

SAME STORY. Sina Raymart ba ay walang hawak na anumang video o ebidensiya na magpapatunay kung ano talaga ang nangyari doon?

“Alam mo, sa akin, e, wala kaming hawak na video ngayon. Pero ang istorya ko, iyon pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mula nung umpisa nung ininterbyu ako sa airport nung nangyari hanggang ngayon, iyon pa rin ang istorya ko.

“Hindi magbabago ang istorya ko dahil iyon ang totoong nangyari, e, at iyon ang pinresent ko sa korte at lalabas din naman yung totoo, e.”

Ano ang kanilang susunod na hakbang?

“Nagpapasalamat kami na nakuha na namin yung TPO [temporary protection order] sa korte at pumabor sa amin at unti-unti lumalabas na rin yung katotohanan.”

Kumusta si Claudine ngayon?

“Siyempre parang… nung una yung TPO lumabas, okay, medyo kampante.

“’Tapos meron na namang video na ito, siyempre nabubuwisit.

“Pati ako nabubuwisit dahil yung part na yung gitna kasi, yung first part at yung dulo, nasa kanila.

“Imposible namang yung gitna na part na yun ang nawawala.

“Nakikiusap ako sana kung sino ang may hawak nung video… I’m sure naman merong may hawak dahil maraming tao na nandoon, e.

“So sana… ipinagdadasal namin na ilabas na nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN