Eddie Gutierrez on wife Annabelle Rama’s decision to run for Congress: "I think she has a chance."

Eddie Gutierrez had a change of heart about his wife, celebrity mother/ talent manager Annabelle Rama’s decision to run for Congress. After witnessing how Annabelle’s fellow Cebuanos received the outspoken showbiz personality during the past months of early campaigning, Eddie thinks she has a chance.


Kabilang si Eddie Gutierrez sa cast members ng Ina Kapatid Anak, isang bagong primetime teleserye na ipapalabas sa ABS-CBN ngayong Oktubre.

Sa pictorial na ginanap noong Biyernes ng hapon, Setyembre 7, sa Studio 2 ng ABS-CBN Network, Quezon City, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang invited press ang dating matinee idol na isa sa magiging bida sa nasabing Kapamilya soap.

Kasama ni Eddie sa Ina Kapatid Anak ang mga beteranong aktor ding sina Pilar Pilapil at Ronaldo Valdez, award-winning actresses Janice de Belen and Cherry Pie Picache, at ang mga nakababatang artista na sina Maja Salvador, Enchong Dee, Kim Chiu, at Xian Lim.

Unang ikinuwento ni Eddie na huli siyang lumabas sa ABS-CBN primetime teleserye na Walang Hanggan, kung saan naging ka-love triangle niya ang mga batikang aktres na sina Helen Gamboa at Susan Roces. Nasa mga huling kabanata na ang nasabing teleserye.

Masayang ibinida ng aktor, “In Walang Hanggan, I shot only for ten days. Here, I’ve been taping for more than twenty days. Continuing pa.”

Ayon pa kay Eddie, “Strong, very powerful, very rich” ang karakter niya sa Ina Kapatid Anak, kung saan makakapareha niya ang aktres at dating beauty queen na si Pilar.

Maihahalintulad daw ng aktor ang role niya sa Ina Kapatid Anak sa ginampanan niyang karakter sa Ikaw Pa Lang Ang Minahal, isang pelikulang pinamahalaan ni Direktor Carlito Siguion-Reyna.

Sa pelikulang ito naparangalan si Eddie ng Best Actor Award noong 1992 ng Film Academy of the Philippines.

Nakangiting wika niya, “Yung role na yun, similar dito. Kaya lang ito, mas strong. Kasi doon, I got sick…

"Ito, parang mas matapang. Mas malakas ang dating.”



ANABELLE RAMA. Pumasok sa usapan ang asawa ni Eddie na si Annabelle Rama, kilalang celebrity mother nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez; talent manager; at isang kontrobersiyal na personalidad sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong ng press sa aktor kung napagkukunan niya ba ng tips ang asawa sa pagiging matapang at malakas na karakter.

Sagot ni Eddie, “Well, si Annabelle, matapang. Pero, if you will notice, lahat ng mga away niya, kung ano mang away yun, hindi siya ang nag-uumpisa.

“If you’ll notice, all of her battles, she didn’t start. So, that’s why they refer to her as ’matapang’ because she fights for what is right.”

Nasangkot si Annabelle sa ilang kontrobersiyal na alitan ngayong taon, na nauwi sa pagdedemanda sa kanya ng mga nakaaway.

Matatandaang sinampahan ng showbiz reporter na si Chito Alcid ng kasong kriminal si Annabelle noong Agosto 23, dahil sa kaguluhang naganap sa pagitan nila noong ikatlong araw ng burol ng yumaong Comedy King na si Dolphy. (CLICK HERE to read related story.)

Dinepensahan naman ni Annabelle ang sarili at sinabing na-“provoke” lamang siya ni Chito kaya niya ito sinugod. (CLICK HERE to read related story.)

Kamakailan din ay nakaaway ng talent manager ang ’50s actress na si Amalia Fuentes, bagay na nagtulak kay Amalia na sampahan ng 11 counts of libel complaint si Annabelle nitong Hunyo 13. (CLICK HERE to read related story.)

Lumipad naman papuntang Cebu si Annabelle noong Hunyo 28 upang maghain ng libel complaints laban kina Amalia, Chito, at Nadia Montenegro, isang aktres na nakaaway rin ng talent manager noong huling bahagi ng taong 2011. (CLICK HERE to read related story.)

Noong Hunyo 23, na-dismiss ang falsification of document complaint na isinampa ni Nadia laban kay Annabelle. (CLICK HERE to read related story.)



HUSBAND OF ANNABELLE. Dahil sa mga kaganapang ito, nagkaroon ng reputasyon na "matapang at palaaway" ang asawa ni Eddie.

Sa panayam, tinanong ang aktor kung paano niya sinusuportahan ang kanyang misis sa mga kontrobersiyang ito.

Tugon ni Eddie, “Actually, I talk to her in a nice way… Meron siyang mga battles na, ‘Relax ka lang,’ you know? ‘I-avoid mo na ’yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung merong gustong mag-provoke ng away sa kanya, [sinasabi ko sa kanya,] ‘Refrain.’

“Especially now. I want her to stay cool.”



ANNABELLE AS WIFE. Kung sa trabaho ay palaban ang asawa, iba raw sa loob ng bahay si Annabelle, ayon kay Eddie.

Saad ng aktor, “In our marriage, hindi naman siya matapang sa akin, e. Alam mo, we’re very happy. Masaya kami.

“Tsismosa siya, nakikinig ako. I mean, we enjoy our life as a married couple.

“Siguro, when she’s out and somebody provokes her. Pero sa bahay, hindi naman siya ganun, e.”

Sweet ba ito sa kanya? Nakangiting sagot ni Eddie, “Super.”

Ano nga ba ang sikreto sa matagal na samahan ng mag-asawang Eddie at Annabelle?

Ito raw ay resulta ng kanilang magkaibang personalidad na nagko-compliment sa kanilang relasyon.

“Yun nga, kaya kami nagki-click, e. Kasi siya, outspoken, very vocal.

“Ako naman e nakikinig lang at tumatawa lang.”

Nagkakaroon ba sila ng mga away o argumento?

Sagot ni Eddie, “Oh, yes. Especially before, noong araw. Pero nitong mga nakaraang taon, iba na ang relationship namin.”

Nang tanungin kung ano ang mga pagbabagong ito, sinabi ng beteranong aktor, “Kasi dati, nagseselos siya sa mga leading ladies ko [o] kapag meron akong tinitignan na babaeng maganda. Pero ngayon hindi na.”

Tumutugma naman ito sa isang pahayag na binitawan ni Annabelle sa kasal ng ‘80s actress na si Melissa Mendez at non-showbiz boyfriend nitong si Eric Gobecion noong Hulyo 27.

Kabilang sa principal sponsors sa kasal si Annabelle at nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na tanungin ito kung ano ang marriage advice nito kina Melissa at Eric.

Sabi ni Annabelle sa panayam, "Dapat very understanding. Hindi maging selosa o seloso. At importante sa lahat, busy kayong dalawang mag-asawa.

“Kasi pag busy kayo, hindi niyo maiisip yung pagseselos, e." (CLICK HERE to view gallery)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ANNABELLE FOR CONGRESSWOMAN. Samantala, suportado naman daw ni Eddie ang pagtakbo ng asawa bilang representative ng north district ng Cebu. (CLICK HERE to read related story).

Inamin nito na noong una ay naisipan niyang hindi magandang ideya ang pagpasok ni Annabelle sa pulitika.

Paliwanag ng aktor, “This was never planned. Wala naman sa plano namin na she will run for congresswoman of Cebu.

“Pero, itong mga nakaraang araw, I was with her, and I see that the masa of Cebu, they kind of like her.

“They reciprocate Annabelle’s being a Cebuana. They like her, parang ganun. Nag-e-enjoy sila sa kanya.”

Dagdag pa niya, “When I went to Cebu with her, and she started going to [mga] pulung-pulong and handshaking sa mga depressed area, lumalabas yung mga tao from their windows and doors.

“They know that she is really a Cebuana. She tells her story—kung saan siya lumaki, kung saan siya nag-aral, kung ano nangyari sa buhay niya.”

Bagamat nagulat si Eddie at nagkaroon ng agam-agam noon sa desisyong pagtakbo ng asawa bilang congresswoman, ngayon ay payag na siya.

Wika ni Eddie, “Ok na sa akin. I think she has a chance.”

Ano sa tingin niya ang magandang kuwalipikasyon ng asawa para maging mabuting pulitiko?

“Si Annabelle is a frank person and she is a strong person. I know that if she wins, she will do something for the poor people of her district.”

Wala raw itong nakikitang setback o mga rason upang hindi matuloy ang pangangandidato ni Annabelle.

“Sabi nila, matapang [siya], palaaway...marami. Pero, nowadays, I don’t see any setback. Especially now, parang ganado siya, e.”

Nabanggit ni Eddie na madalas daw siyang lumilipad papuntang Cebu upang samahan ang asawa.

Kuwento pa nito, “Pagdating ng Friday night, sometimes I fly to Cebu. [I stay there until] Saturday and Sunday…. Monday morning I come back.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STEM CELL. Isang bagay ang inaalala ni Eddie sa pagtakbo ni Annabelle bilang konggresista—alam niyang mapapasabak ang kalusugan ng asawa sa kapaguran sa pangangampanya at sa trabaho sakali mang manalo ito.

“Hindi naman madali mag-politics, e. Yung kampanya [pa] lang...”

Sinabi ni Eddie na si Annabelle ay “not in the pink of health,” bagay na magtutulak sa asawa na sumailalim sa isang stem cell treatment, isang kontrobersiyal na procedure kung saan nire-repair ang damaged cells ng isang tao.

Ayon kay Eddie, “Kaya yun nga ang gusto niya, to be mas malakas, kaya mag-i-stem cell siya.”

Ayon sa isang report sa PEP, sa Oktubre ay lilipad daw papuntang Germany si Annabelle kasama ang anak na si Ruffa para sa nasabing treatment. (CLICK HERE to read related story.)

Pahayag ng aktor tungkol dito, “Hindi ko pa alam. We talked about it, but we don’t know the definite date.

“Hindi ako sasama kasi may taping ako ng Ina Kapatid Anak. I’m busy with this and I’m so grateful na in-offer sa akin ng ABS-CBN itong role na ito, kaya I don’t want to be distracted.”

Para sa aktor ay hindi raw niya kailangang sumabay sa asawa sa pagpapa-stem cell treatment.

“Right now, I’m not into having stem cell for myself.”

Sinabi ni Eddie na inaalagaan niya ang kanyang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.

“Our taping is Monday, Wednesday, Friday. When I’m not taping on Tuesdays, Thursdays, and Saturdays, I play golf and I walk a lot.

Dagdag nito, “Now I watch what I eat. Before I use to eat a lot of lechon and a lot of pork chop. But now I stopped eating [those].

“I’m more into fish, vegetables, white meat ng chicken. More or less, ’yan ang diet ko ngayon!”

Sumailalim sa isang angioplasty operation and aktor noong 2008 at ngayo’y nasa mahusay na kundisyon na ang kalusugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN