Talent manager Alfie Lorenzo says Cesar Montano did not admit to wife Sunshine Cruz his rumored affair with starlet

Ayon sa talent manager ni Sunshine Cruz na si Alfie Lorenzo, pinalayas daw ng aktres ang asawa nitong si Cesar Montano sa bahay nila matapos nitong madiskubre ang pambababae diumano ng aktor. Dagdag pang biro ni Tito Alfie, “Tuwang-tuwa naman daw yata si Cesar. Kasi, three days na raw siyang naka-check-in sa Manila Hotel."


Nakausap ng The Buzz ang tumatayong talent manager ni Sunshine Cruz na si Alfie Lorenzo kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktres at ng asawa nitong si Cesar Montano.

May kinalaman ito sa pagpu-post ng magkakasunod na mensahe ni Sunshine sa kanyang Twitter account noong January 15.

Tungkol ito sa pagkakaugnay ng mister niyang si Cesar sa baguhang artista na si Krista Miller.

Si Krista ay kasama sa pelikulang ginagawa ngayon ni Cesar tungkol sa buhay ni Manila Mayor Alfredo Lim.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Alfie tungkol sa nangyayaring gusot ngayon sa mag-asawang Cesar at Sunshine, “Hindi ko masyadong sineseryoso, kasi siguro, pang-ilang beses na ‘yan na tampuhan ng dalawa.

“Tapos at the end, si Sunshine din naman ang sumu-surrender.”

Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na naugnay sa ibang babae si Cesar na muntik nang maging dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Sunshine.

Noong 2008 ay naugnay si Cesar sa Brazilian teen model na si Mariana del Rio, ngunit kapwa itinanggi ng aktor at ng model na nagkaroon sila ng relasyon.


(CLICK HERE to read related story.)

Pero sa pagkakataong ito, may mga ebidensiya raw si Sunshine tungkol kina Cesar at Krista.

THE DISCOVERY. Tinanong si Alfie kung paano na-discover ni Sunshine ang sinasabing ebidensiya.

Kuwento ng batikang entertainment columnist, “E, kasi, ano... yung mga anak nila, yung tatlong daughters nila, kasakay ni Cesar sa kotse.

“Tapos, may nag-text. Nakita noong mga bata. May babaeng naka-bikini.

“Tapos, yung ending daw, ‘Miss you, Babes. Love you, Babes.’

“Ikinuwento sa nanay [Sunshine].

“Na-hurt din yung isa dahil mga eleven years old na yung isa, e.

“So, yun nga, sinabi nila kay Sunshine. Nag-iiyak daw si Sunshine, nagagalit.”

Ano naman daw ang naging depensa ni Cesar sa natanggap na text message na yun?

Sabi ni Tito Alfie, “E, siyempre, hindi naman daw inamin ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nag-aaway sila, sinabi ni Sunshine, ‘Lumayas ka, ayaw na kitang makita dito!’

“Tuwang-tuwa naman daw yata si Cesar. Kasi, three days na raw siyang naka-check-in sa Manila Hotel.

“Sabi ni Sunshine sa akin, ‘E, hindi ko alam kung kasama niya yung babae.’”

Bilang hindi naman ngayon lang nangyari ang ganitong isyu sa pagitan ng mag-asawa, ano ang naramdaman ni Sunshine nang malaman ang kuwento mula sa mga bata?

“E, yun nga, bilang nagsasawa na nga raw siya, tinawagan niya si Atty. [Bonifacio] Alentajan para raw may ano…

“Sabi ko, ‘Hihingi ka na ng divorce?’

“Sabi niya, ‘Anong divorce?’

“Sabi niya, hindi. Babawalan lang si Cesar na lumapit sa mga bata.

“Sabi ko naman, ‘E, ano ba yun, e, mga anak niya ‘yan.”

KRISTA IN CESAR’S MOVIE. Kinumpirma naman ni Alfie na kasama si Krista sa pelikulang ginagawa ngayon ni Cesar.

“E, biglang humaba raw ang role. Sabi ko, baka naman yun na ang bida? Baka nga!” natatawang sabi ng talent manager.

Alam ba ni Sunshine na kasama si Krista sa cast ng pelikula?

“Nalaman na nga lang din niya,” sagot ni Alfie, na siya ring talent manager ni Judy Ann Santos.

May nagsasabi rin na baka gimik lang daw para sa pelikula ang nangyayari ngayon na isyu sa mag-asawa.

Pero itinanggi ito agad ni Alfie.

“Ay, hindi, hindi… hindi ‘yan nagpapagamit.

“Atsaka ‘yan, kapag galit ‘yan, dire-diretso ang bunganga niyan,” sabi ni Alfie tungkol kay Sunshine.

Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin daw si Alfie na magkakaayos ang mag-asawa.

“Umaasa ako na isa lang ‘yan sa maraming episode ng buhay nila.

“Kasi, there was one time na nag-stow away rin si Sunshine.

“Nag-solo siya ng condo tapos niligawan ni Cesar. Bumalik din sa bahay."

Sabi pa ni Alfie, “Hindi bibitaw si Sunshine.

“Kasi, noong una pa lang na nanliligaw sa kanya si Cesar, sinabi ko na sa kanya, ‘Ganyan ang ugali ni Cesar, babaero ‘yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isinusumbong pa niya ako kay Cesar, which means ganoon niya kamahal si Cesar.

“Selosa si Sunshine at very possessive.

“Tingnan ninyo, ginive-up nga niya ang career niya para lang makabantay kay Cesar, e.”

Sa lahat ng ito, isa lang daw ang dahilan kung bakit nananatili pa ring tahimik si Sunshine sa isyu.

“Kasi nga raw, yung mga anak niya, malalaki na.

“Baka ma-hurt lang sila kung may sasabihin siya at mapapanood ng mga anak niya.”



DEFENDING CESAR. Samantala, kinontra naman ng matalik na kaibigan ni Cesar, si Dolly Anne Carvajal, ang sinabi ni Alfie na pinalayas ni Sunshine ang aktor sa kanilang bahay.

Inamin ni Dolly Anne na sa isang hotel sa Maynila ngayon tumutuloy si Cesar, ngunit nilinaw niyang ito’y dahil sa ginagawang pelikula ng kaibigan.

“It was blown out of proportion,” wika ng TV host/columnist sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News kahapon, Enero 21.

“Kasi nagra-rush siya [Cesar] ng Alfredo Lim story na may playdate na, February 27.

“So he has to stay in a hotel doon sa Manila area.

“Natiyempo lang siguro na pumutok ang balita. Siguro kailangan din magpalamig.

"Pero ’yong palayas, knowing Sunshine, siguro hindi naman niya magagawa iyon.”



THE STORM WILL PASS. Hiningan na rin ng opinyon si Dolly Anne tungkol sa pinagdadaanan nina Sunshine at Cesar.

Naniniwala raw siya na malalagpasan ng mag-asawa ang pagsubok na ito na dumating sa kanilang pagsasama.

“Natural naman iyon sa mag-asawa,” saad niya.

“Alam naman natin na si Buboy [palayaw ni Cesar] is playful by nature, so minsan nami-misread siguro ng babae ang signals.

“Tapos si Sunshine, being very emotional, na-provoke siya.

"I know when the time is right, magsasalita rin sila.

“But the way that I know them, sa dami ng pinagdaanan nilang bagyo, hindi isang starlet lang ang talagang kayang paghiwalayin sila.”

Ang hiling na lang ni Dolly Anne, sana ay bigyan ng publiko ng privacy sina Sunshine at Cesar upang maayos nila ang kanilang problema nang tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN