Jennylyn Mercado denies hindering ex-boyfriend Patrick Garcia from visiting their son: “Walang gano’n, not true. Hindi totoo. Walang katotohanan yun.”

Tumanggi nang magbigay pa ng pahayag si Jennylyn Mercado tungkol sa isyung kinasasangkutan niya ngayon sa ex-boyfriend na si Patrick Garcia at pamilya nito. Naging emosyunal siya nang makiusap pang huwag nang idamay ang kanyang anak na si Alex Jazz sa isyu. “Basta ang importante, huwag lang kaming magamit ng anak ko… Please! Respeto na lang,” pakiusap ni Jennylyn.


Muling pumirma ng exclusive contract si Jennylyn Mercado sa GMA-7 ngayong araw, Enero 30, sa 16th floor boardroom ng GMA-7 Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

Halos sampung taon na ang nakararaan mula nang manalo sa unang StarStruck search si Jennylyn bilang Ultimate Female Survivor.

Kasama sa napanalunan niya ay ang management contract sa ilalim ng GMA-7.

“Happy ako and I feel so blessed kasi talagang inaalagaan ako ng GMA,” paunang pahayag ni Jennylyn nang makausap na ng mga inimbitang press sa kanyang contract signing.

“Ever since nag-start ako dito, ang ginagawa ko lang e kumanta, ‘tapos natuto na ‘kong umarte, hanggang ngayon na natuto na ‘kong mag-host. Ang dami ko nang na-accomplish.”

Aniya pa, ni minsan ay hindi niya naisip na lumipat ng istasyon o ng management.

“Bakit pa po? Dito na lang, naggo-grow na ‘ko. Bakit kailangan pang humanap ng iba?” sabi pa ng 25-year-old singer-actress at TV host.

STARSTRUCK 1 REUNION. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn tungkol naman sa mga larawan nila ng kanyang StarStruck 1 batchmates na lumabas sa Instagram at Twitter.

Kamakailan kasi ay nagkaroon ng get-together party sina Jennylyn at mga kasabayang sina Mark Herras, Cristine Reyes, Sheena Halili, Katrina Halili, Jade Lopez, Rainier Castillo, at Yasmien Kurdi.

(CLICK HERE to read related story.)

Ibinalita ni Jennylyn na magkakaroon nga sila ng grand reunion ng kanyang mga ka-batch sa susunod na buwan.

“Parang isasabay na namin sa birthday ni Cristine.”

Sa February 5 ang birthday ni Cristine.

Hindi rin daw magiging problema kung nasa ibang istasyon na ang iba nilang ka-batch katulad nga ni Cristine na nasa ABS-CBN na at ni Nadine Samonte na nasa TV5 naman.

“Okey lang, wala namang problema po yun, e. Basta ang importante, kami, magkakaibigan pa rin,” ani Jennylyn.

TIPS FOR NEW MOMS. Tinanong din ng PEP si Jennylyn kung humihingi ba ng tips o nagbibigay ba siya ng advise sa dalawang bagong ina sa batch nila—sina Katrina at Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang pagkatapos niyang magbuntis sa anak nila ng boyfriend noon na si Patrick Garcia ay nakabalik din agad sa kanyang pag-aartista si Jennylyn.

“Ay, marami po. Kasi parati kaming… sa lahat ng mga artista dito sa showbiz, kami-kami yung talagang close, e. Parati kaming nagkaka-text, nagkakausap,” sagot ng H.O.T. TV host.

“Si Yasmien, humihingi ng advise, lalo na nung kapapanganak pa lang niya—kung paano magpapayat, paano bumalik sa shape.

“Siyempre, lahat naman mga mommies na galing sa showbiz, gusto rin na makabalik sa showbiz agad.

“Sabi ko, huwag nilang madaliin kasi importante rin yung baby nila.

"Siyempre kailangan din nilang alagaan, magkaroon sila ng bonding, ganyan.

“Pagkatapos nilang magawa lahat yun, saka na lang sila magpapayat.

“Siyempre kailangan din nilang i-nourish yung bata, e.”

JENNYLYN BECAME EMOTIONAL. Maya-maya pa, pagkatapos na ng general presscon, ay sabay-sabay nang nakapanayam si Jennylyn ng mga reporter mula sa TV, print, at online media.

Dito na natanong si Jennylyn tungkol naman sa isyung namamagitan sa kanya at sa kampo nina Patrick Garcia.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayaw na sanang magkomento pa ni Jennylyn.

“Wala na lang, for Jazz’s sake, and respeto na lang din sa amin at sa pamilya ko.

"Para hindi na rin ako magamit at hindi na rin siyempre magamit ang anak ko.

"Hindi na lang kami magre-react,” pakiusap ni Jennylyn.

Si Jazz o Alex Jazz ang apat na taong anak nina Jennylyn at Patrick.

Pero itinanggi naman niya ang mga ipinahayag ni Patrick kamakailan na binabawalan itong bumisita kay Jazz. (CLICK HERE for related story.)

Aniya, “Hindi… Walang gano’n, not true. Hindi totoo. Walang katotohanan yun.”

Malaya raw si Patrick na bisitahin ang anak nila at wala siyang pagbabawal na ginagawa.

“Anytime, basta gusto nila. Basta gusto lang nila.”

Aminado si Jennylyn na nagiging emosyunal siya kapag nadadamay sa isyung kinasasangkutan niya ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nakiusap siyang muli na hindi na magsasalita pa tungkol sa isyu nila ni Patrick.

“Basta ang importante, huwag lang kaming magamit ng anak ko… Please! Respeto na lang,” nangingilid na ang luhang pahayag ni Jennylyn.

“Well, sa akin kasi parang, huwag lang ako ‘tsaka ang anak ko…” nasabi ni Jennylyn bago nagpaalam sa mga umi-interview sa kanya para punasan ang mga luha niyang tuluyan nang dumaloy.

(CLICK HERE to watch her interview.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN