Michelle Madrigal on encounter with ex-boyfriend Jon Hall in Love and Lies: “May kanya-kanya na kaming buhay.”

“Civil naman kami pero hindi rin kami close na, kasi may kanya-kanya na kaming buhay. So, okay na yung ganun na lang. Basta ang importante, wala naman yung sungitan or tarayan kasi ang tagal na rin naman. May girlfriend na siya, may boyfriend na rin ako. Tama na. Okay na kami pareho,” says actress Michelle Madrigal about ex-boyfriend Jon Hall. Michelle and Jon are co-stars in the upcoming GMA-7 primetime series Love and Lies.


Masaya ang Kapuso actress na si Michelle Madrigal na kabilang siya sa cast ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na Love and Lies.

Hindi pa man natatapos ang acting stint ni Michelle sa Temptation of Wife ay mapapanood muli siya sa naturang “suspenserye” na magsisimulang umere sa April 8, Lunes.

Ang Love and Lies na pagbibidahan nina Richard Guiterrez at Bela Padilla ang siyang papalit sa Tempation of Wife nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Rafael Rosell, at Glaiza de Castro.

Sa isang press launch kahapon, April 1, sa GMA Network Annex Studio, sinabi ni Michelle na “very grateful” siya sa Kapuso network na hindi siya nababakante sa trabaho.

Consistent ang aktres na hindi nawawalan ng teleserye.

Matatandaang si Michelle ay kabilang sa cast ng mga GMA-7 shows tulad ng Luna Mystika (2008), Zorro (2009), First Time (2010), Survivor Philippines: Celebrity Showdown (2010), Captain Barbell: Ang Pagbabalik (2011), Kung Aagawin Mo Ang Lahat (2011), Faithfully (2012), at Temptation of Wife.

Para sa Love and Lies, si Michelle ay gaganap na Cathy, isa sa leading ladies ni Richard.

Nang batiin dahil sa kanyang pagiging leading lady, nakangiting sinabi ni Michelle na ito raw ang mas focus niya ngayon: “Yung makita yung acting kaysa yung … sexy body!”

Hangad daw ng FHM cover girl na mas maging magaling na aktres.

May pressure ba siyang nararamdaman sa kanyang pagbibida?

Sagot ni Michelle, “Confident ako na maganda ang ipapalabas namin kasi pinaghirapan.

“Pero… yung pressure lang dun kasi, papalitan namin yung Temptation of Wife, e. Tapos dun din ako galing!

“Sobrang successful nung show na yun tapos papalitan namin. So, yun yung kinakabahan ako.”

Maliban daw doon ay kayang-kaya naman daw ng aktres ang “kahit anong iharap” sa kanya.

May tiwala rin daw ito sa kanyang mga kapwa artista: “Alam ko naman na lahat ng co-actors ko, ibinibigay naman lahat yung one hundred percent nila sa trabahong ito, sa show na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JON HALL. Sa pagbanggit ng “co-actors” ay hindi naiwasang tanungin si Michelle ukol sa kanyang ex-boyfriend na si Jon Hall, na kasama rin sa cast ng Love and Lies.

Matatandaang umamin sa kanilang hiwalayan ang dating magkasintahan noong May 2011 sa kanilang sabay na live interview sa StartalkTX

(CLICK HERE to read related story.)

Ang madalas na hindi pagkakasunduan at pag-aaway ang naging ugat ng kanilang breakup.

Sinabi pa ni Michelle sa interview na: “We’re close, every day, at parehong strong yung personalities namin so nagka-clash talaga kami. So, it’s better na maghiwalay na lang kami.”

Noong 2010 ay sumali pa ang former boyfriend-girlfriend sa reality show na Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Lumipas ang halos dalawang taon matapos ang kanilang paghihiwalay ay mayroon nang bagong mga kasintahan sina Michelle at Jon.

Ang El Salvadorian football player na si Jonah Romero ang boyfriend ngayon ni Michelle Madrigal, bagay na inamin ng aktres sa PEP.ph noong nakaraang taon.

(CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin sa panayam kahapon kung may ilangan ba sa pagitan nila ni Jon sa set ng Love and Lies, sinabi ng aktres na wala naman daw.

“Hindi naman, kasi hindi ko naman siya lagi kaeksena so wala naman masyadong awkwardness.”

Dahil daw katambal niya si Richard at housewife ang karakter niya dito ay hindi raw nagte-taping si Michelle sa Sangley Point, kung saan din kinukunan ang mga eksena ng Love and Lies.

“Nakasama ko lang siya siguro nung ‘ikinasal’ kami ni Chard. Yun na yun, yun na yung pinaka-eksena namin.

“Hindi rin naman kami nag-uusap dun kasi wedding scene yun!”

Paliwanag pa ng aktres, “So… pag nagkikita naman kami, ‘Hi’ ‘Hello,’ ganun.

“Hindi naman kami yung di nagpapansinan. ‘Hi’ ‘Hello.’

"Civil naman kami pero hindi rin kami close na kasi may kanya-kanya na kaming buhay.

“So, okay na yung ganun na lang. Basta ang importante wala naman yung sungitan or tarayan kasi ang tagal na rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May girlfriend na siya, may boyfriend na rin ako.

"Tama na. Okay na kami pareho!” natatawa pang sabi ni Michelle.

Ano ang gagawin niya sakaling magkaroon sila ng eksena ni Jon?

Wika ng aktres, “Okay lang din naman sa akin dahil artista naman ako so hindi naman ako umarte na, ‘Ay, ayoko siyang kaeksena!’

“And bilang artista, dapat maging professional ka.

“Kunwari, kahit may kaalitan ka or hindi kayo okay, ’wag n’yo nang idamay yung production na mahirapan para mag-shoot dahil sa inyong dalawa dahil lang sa personal issues ninyo, di ba?”

Mas makabubuti raw kung hindi na dalhin sa set ang kahit anong alitan sa pagitan ng dalawang aktor.

“­­­­­Kasi dalawang tao kalaban ninyo, ilan ba kami sa production? Papahirapan mo pa yung mga yun, di ba?

“Tapos kayo, dalawa lang naman kayo. ’Wag na. Okay na kayo dapat.”

Muling nilinaw ni Michelle na “professional” sila ni Jon, na nasa ilalim din ng management ni Annabelle Rama tulad ng aktres.

“Wala naman kaming issue ni Jon. So, feeling ko naman kahit magkaron kami ng eksena, wala namang magiging problema, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN