Zsa Zsa Padilla and family visit Dolphy’s grave on his first death anniversary

Zsa Zsa Padilla remembers the first death anniversary of her longtime partner, Comedy King Dolphy today, July 10. She started the day by posting a photo of Dolphy and daughters Zia and Nicole on Instagram this morning with this caption: “Ang bilis talaga ng panahon. Kindly offer a little prayer for him. We all miss him dearly. Pero ang kanyang alaala ay patuloy na buhay sa ating mga puso. I miss you, Lovey ko.”


Ginunita ng pamilya Quizon ang first death anniversary ng kanilang haligi ng tahanan at kilalang Philippine Comedy King na si Dolphy.

Kaninang umaga, July 10, inumpisahan ng longtime partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla ang araw sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanyang followers sa Instagram tungkol sa death anniversary ni Dolphy.

Nai-post ni Zsa Zsa ang larawan ni Dolphy kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Nicole.

Nakasulat sa caption nito: “Good morning. Ngayon ang 1st death anniversary ni Dolphy. Ang bilis talaga ng panahon. Kindly offer a little prayer for him. We all miss him dearly. Pero ang kanyang alaala ay patuloy na buhay sa ating mga puso. I miss you, Lovey ko.”

Kaninang tanghali naman ay nag-post si Zsa Zsa ng larawan ng puntod ni Dolphy sa The Heritage Park sa Taguig City. Napuno ang puntod ng mga puting bulaklak

Kasabay nito ay sinabi ni Zsa Zsa sa caption: “Thank you for all your prayers.”

Sa maiksing panayam ng ABS-CBN news sa Kapamilya actress, sinabi niya na simple at para sa pamilya lang muna ang gagawin nilang paggunita sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng Comedy King.

Si Rodolfo Vera Quizon, na mas nakilala sa showbiz bilang Dolphy, ay pumanaw noong nakaraang taon dahil sa kumplikasyong dulot ng matagal niyang karamdaman na chronic obstructive pulmonary disease.

(Read: Comedy King Dolphy dead at 83)

Ilang buwan ang nakalipas mula nang siya ay pumanaw, isang tribute concert naman ang inihanda ni Zsa Zsa at anak ni Dolphy na si Eric Quizon.

Setyembre noong nakaraan taon nang magsama-sama ang mga artista mula sa tatlong biggest networks na ABS-CBN, TV5, at GMA-7 para sa concert na pinamagatang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy.

Nitong Marso naman ay tinanggap ni Zsa Zsa ang medalya para kay Dolphy dahil sa Gawad CCP Para sa Sining, ang pinakamataas na award na ibinibigay ng Culture Center of the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Zsa Zsa Padilla becomes emotional about Gawad CCP 2012 Para Sa Sining Award for Dolphy)

Samantala, isang rebulto naman ang inialay ni dating Manila Mayor Alfredo Lim bilang pagpupugay sa namayapang si Dolphy.

Ang 7-foot bronze statue na gawa ni Jonas Roces ay inilagay sa tapat ng Museo Pambata sa Roxas Boulevard, Manila.

(Read: Mayor Alfredo Lim commisions sculptor Jonas Roces to build Dolphy statue in Manila)



(View PEP’s microsite to reminisce Dolphy and his Journey)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN