Senator Bong Revilla denies involvement in pork-barrel scam; claims allegation "engineered by the administration"

Mariing pinabulaanan ni Senator Bong Revilla ang pagkakasangkot niya sa P10B scam kaugnay sa diumano’y paglalagay nila ng pork-barrel funds sa dummy non-government organizations.


Kaagad na dumepensa si Senator Ramon "Bong" Revilla sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan, kasama ang apat pang senador, sa P10B scam kaugnay sa diumano’y paglalagay nila ng pork-barrel funds sa dummy non-government organizations.

(Read: Bong Revilla, Jinggoy Estrada, three other senators allegedly involved in pork-barrel scam)

Sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, July 15, sinabi ng senador na lumabas ang naturang "smear campaign" laban sa kanya nang mapabalitang tatakbo siya sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

Ayon sa statement ni Senator Bong, “Hindi totoo ang mga akusasyon na nakinabang ako sa usaping ito.

"Porke ba may mga nagtutulak sa ating tumakbo sa 2016 ay wawasakin na nila ang aking pangalan?”

Sabi pa ng actor-politician, may nagbabala na raw sa kanya mula sa isang taga-Malacañang na tatargetin diumano siya dahil sa balitang pagtakbo niya sa susunod na eleksyon.

Matatandaang napabalita na sa 2016 ay baka maging standard-bearer ng Lakas Party si Bong.

Saad pa ng senador, “Eto na yun. This controversy has been engineered by the administration for only one purpose—to demolish the opposition, especially those who enjoy the popular support of our people.”

Hindi na raw siya na-sorpresa sa "demolition job" na ito dahil naranasan na rin nila ito sa ginawang "harassment" diumano sa kanilang pamilya noong nakaraang eleksyon.

Noong madaling-araw ng May 13, araw ng eleksyon, ay ilang mga pulis ang pumunta sa tahanan ni Senator Bong sa Cavite dahil sa diumano’y balitang may mga armadong tao sa loob ng bahay nito.

(Read: Senator Bong Revilla accuses PNP Cavite of harassment)

Samantala, iniimbestigahan na raw ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P10-billion scam ng isang kumpanya na nagtatag diumano ng dummy NGOs para gumawa ng "ghosts projects" sa loob ng halos isang dekada.

Bukod kay Senator Revilla, sangkot din daw sa scam ang mga kapwa niya senador na sina Juan Ponce Enrile, Bongbong Marcos, Jinggoy Estrada, at Gringo Honasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"BIKTIMA RIN KAMI." Sa statement na inilabas ni Bong, iginiit nito na ang pagpopondo nila sa mga proyekto ay dumadaan sa mga tamang panuntunan ng gobyerno. At ang pag-release ng pondo nito ay pinamamahalaan ng "implementing agencies" at ng mismong executive branch.

Sabi pa niya, kung totoo ang mga alegasyong ito, silang mga mambabatas ay biktima rin.

Aniya, “Kung may katotohanan man ang mga affidavit, kami ay biktima rin ng anomalyang ito.

"Ang executive branch ang may responsibilidad na siguruhing sa tama napupunta ang mga pondo ng pamahalaan.”

Hiningi na rin daw niya sa NBI ang mga sinasabing affidavits na naging basehan sa balitang lumabas ngayong araw sa Philippine Daily Inquirer.

Kinuwestiyon din ni Bong kung bakit ngayon lang lumabas ang anomalyang ito gayong sampung taon na pala itong nangyayari.

Sabi niya, “Kung totoo na may sampung taon na raw nangyayari ang mga alegasyon, bakit ngayon lang lumabas ito, at sa pahayagan pa?

"Suspiciously, only non-allies of the administration are being dragged into this controversy.”

Dagdag pa ni Bong, “I have always been transparent and accountable. I have nothing to hide.

"Malinis ang aking konsensiya at nalulungkot ako na dahil sa pulitika ay sinisira ang pangalan kong napakatagal kong binuo at pinangalagaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN