PEP EXCLUSIVE: Theft complaint against Claudine Barretto not intended to get back at the actress, says former P.A.’s camp

Ayon kay Atty. Alma Mallonga ng Siguion-Reyna, Montecillo & Ongsiako Law Office, na siyang may hawak ng kaso ni Dessa Cadelario Patilan laban sa aktres na si Claudine Barretto (nasa larawan), hindi nila sinampahan ng reklamo ang dating amo ng kanilang kliyente para balikan ito. "[To] disabuse any ano na this was done deliberately, the filing of the theft followed an examination of the case. Walang purpose na hawakan yung kaso... parang balikan si Claudine? That’s


Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kaninang hapon, September 18, ang abugadong kumakatawan sa dating personal assistant (P.A.) ni Claudine Barretto na si Dessa Cadelario Patilan.

Kahapon, Setyembre 17, ay naghain si Dessa ng reklamong theft laban sa aktres sa Office of the City Prosecutor ng Marikina.

(Read: Claudine Barretto’s personal assistant files theft complaint against her)

Ayon kay Atty. Alma Mallonga ng Siguion-Reyna, Montecillo & Ongsiako Law Office, hanggang ngayon ay nakapiit pa rin sa Marikina City PNP Detention Cell ang 19-taong-gulang na si Dessa.

Ipinakulong ng 34-taong-gulang na aktres ang kanyang P.A. noong Mayo 10, 2013, sa reklamong pagnanakaw ng kanyang mga alahas at mamahaling gamit na may kabuuang halaga diumano na P8.5 million.

(Read: Claudine Barretto foils personal assistant’s alleged attempted robbery)

“She is in a good condition naman, but without going to the merits of the case, of course, she’s very… medyo depressed siya,” paglalarawan ni Atty. Mallonga sa kalagayan ng kanyang kliyente na tubong-Northern Samar.

“She’s been in jail since May. She’s all alone.

"May mga sibling siya, anim sila, wala na silang mga magulang. Meron siyang kambal, and malungkot lang siya.”

Enero raw ng taong ito nang magsimulang mamasukan si Dessa kay Claudine bilang personal assistant, ayon kay Atty. Mallonga.

“She had a job before she entered Claudine’s employ.

“The reason why lumipat siya was there was a chance to make more money.

“From four thousand [pesos] naging P4,500 yung in-offer na ano sa kanya... na trabaho.”

Kuwento pa ni Atty. Mallonga sa PEP, tinulungan si Dessa ng dati nitong employer nang mabalitaang nakulong ito.

“Her former employer, tumulong sa kanya, e, nung ipinakulong siya. I mean, kung napakawalanghiya naman itong batang ito…

“I understand her former employer even provided a lawyer for her nung umpisa.”

REASON FOR FILING COMPLAINT. Ang paniniwalang walang kasalanan si Dessa at ito pa ang nagawan ng mali ng umaakusa rito ang siyang nagtulak daw kina Atty. Mallonga na tulungan ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pro bono o libre ang serbisyong ibinibigay daw nina Atty. Mallonga kay Dessa.

“We do handle pro bono cases. We do that," sabi nito tungkol sa high-profile law firm na kinabibilangan niya.

"We did not receive any ano for this particular case, and then tingnan natin kung ano ang mangyayari.

“Ang ano ko lang dito is, we cannot talk about the merits of the case.

"But the fact that we’re helping her out implies that we do think that she has a defense in this case.

“The reason why we filed a case for theft [against Claudine], is based on the narration [of Dessa].

“May nakitang pera kasi doon sa bag niya [Dessa]. Nandun naman sa complaint yun...

“Paano mo naman sasabihin, kahit na sinong tao, na, ‘Akin ang perang iyan!’?"

Paliwanag ng abugado, “Ba’t, may marka ba ’yan? Wala namang marka ’yan, hindi ba?

“And the money is where it’s supposed to be. And this girl is being paid a salary.

“The amount that was found is P10,700. Napakalaki ba nun, considering that she’s been working since January?

“Yung pera bang yun, mukhang nakaw iyon? Ten thousand seven hundred, since she was earning P4,500 a month?

“Ang pangit pa dun, kinuha na ni Claudine yung pera, nagbigay pa siya ng seven hundred. [Sabi] ‘O, sige, panggastos mo.’

“The way she [Claudine] told this is very matter of factly. Sino ka ba namang tatanggi, hindi ba? Nandun na, surrounded by police.

“Tama ba yun? Hindi tama yun, e.

“Parang, sa akin lang, hindi mo [Claudine] alam kung pera mo yun o hindi, at mukha namang hindi mo pera, dahil nasa bag nung tao, e, hindi ba?

"Bakit mo ia-assume na pera mo yun?” salaysay pa ng abugado.

Dagdag ni Atty. Mallonga, “Sobrang pang-aapi, yun ang tingin ko. And that is the reason why we filed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kinuha pati yung telepono niya, kinuha yung sim, na obviously sa kanya [Dessa].

"Binalik yung telepono, pero wala na yung memory card, and then kinuha yung tablet niya.

“Sabi sa akin ni Dessa, she acquired this for mga P2,000, P3,000. Pera niya.

"Hindi naman siya mukhang… Puwede namang ma-earn yun, ano.

“She’s been working since January, February, March, April, May… mukha bang nakaw yung pera na yun?

“Tapos nakanino na yung tablet na yun? Why were these things taken from her? Nakaw ba yun? Kasama ba yun sa complaint?

"Why will you take these things? Hindi tama yun, e.

“I really felt there was basis to help this girl.

“She’s only nineteen [years old], ha. And kaya naman ako naano sa kanya is, it looks to me like she just really wanted to work.”



NOT TO GET BACK AT CLAUDINE. Nais din linawin ni Atty. Mallonga na nag-file sila ng kaso hindi para balikan si Claudine.

“Ang malinaw lang sa akin, to disabuse any ano na this was done deliberately, the filing of the theft followed an examination of the case.

“Walang purpose na hawakan yung kaso only to... parang balikan si Claudine? That’s not part of the gameplan.

"Kung may countercharge man, it’s because, upon the facts, the complaint is warranted.

“Meron maling ginawa sa kanya [Dessa], na kailangang magkaroon ng restitution.

"Yung pera ng tao, dapat na ibalik naman.

"Hindi tama yun, na just because ano mo... you’re in a situation na hindi ka makapaglaban, e, aapihin mo pa, hindi ba?”

Sa ngayon daw ay layunin din nilang mapalabas ng kulungan si Dessa, bukod sa maiusad ang kasong theft laban kay Claudine.

“In the meantime, we’re going to try and see if we can get her out on bail.

“So, we have filed a motion to that effect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And as far as the theft for case is concerned, there is already a prosecutor who’ll soon be assigned to the case, and then we will wait.

"We will wait what happens."



AMICABLE SETTLEMENT. Posible naman kayang maayos ang kaso sa pagitan nina Dessa at Claudine o magkaroon ng amicable settlement?

Sagot ni Atty. Mallonga, “Hindi ko pa alam. Hindi ako makapag-ano. Hindi ko masabi.

"I’ll have to... I talked to Dessa last week pa, ano, and then I have to tell her.

“Ang hirap kasi, of course, ito namang si Dessa, as I said, she’s nineteen, she has no money.

"Ang first priority niya, gusto lang niyang bumalik sa normal ang buhay niya, gusto niyang makawala.

“At siguro, ayaw rin niyang masangkot sa masyadong maraming gulo pa, sa abala.

“Hindi ko masasabi kung, kunyari sabihin ni Claudine, ’kalimutan na lang,’ hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya [Dessa].

“Kasi, ang isang possibility kasi diyan is, ituloy yung kaso, pa-dismiss yung kaso niya, and then let’s see what happens to the theft [complaint] against Claudine.

“Pero, as far as settlement is concerned, I really do not know at this point.

"But anything is possible, hindi ba? Hindi naman maru-rule out ’yan, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN