Claudine Barretto’s camp says theft complaint of former P.A. is "very suspicious"

In an official statement, Claudine Barretto’s legal counsel, Ferdinand Topacio, questions the motive behind Dessa Patilan’s theft complaint against the actress. Atty. Topacio says: "Why is the complainant represented by one of the country’s biggest and most expensive law offices, which has previously represented interests identified with Ms. Gretchen Barretto and her longtime companion Mr. Tonyboy Cojuangco?" Patilan’s theft complaint is bei


Diversionary tactic lang daw ang theft complaint na inihain laban kay Claudine Barretto, 34, ng dati niyang personal assistant na si Dessa Cadelario Patilan, 19.

Si Patilan daw ay humaharap sa kasong pagnanakaw ng di hamak na mas malaking halaga kaysa inirereklamo nito.

(Read: Claudine Barretto foils personal assistant’s alleged attempted robbery)

Ito ay ayon sa official statement ng legal counsel ni Claudine na si Ferdinand Topacio.

May ilang bagay na kahina-hinala raw sa isinumiteng complaint ni Dessa laban sa aktres sa Office of the City Prosecutor ng Marikina noong September 11, 2013.

Nakapagtataka raw kasing apat na buwan ang pinalipas ni Dessa bago niya naisipang maghain ng reklamo laban kay Claudine.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Dessa, naganap daw ang pagnanakaw sa kanya nang puntahan siya ni Claudine sa kuwartong kanyang tinutulugan sa bahay ng aktres, sa Loyola Grand Villas, nung gabi ng Mayo 10, 2013.

Nagkakahalaga raw ng P13,550 ang pera at gadgets na kinuha ni Claudine kay Dessa.

Sa sworn affidavit naman ni Claudine sa kasong qualified theft na isinampa niya laban kay Dessa, ninakawan diumano siya ng mga alahas at mamahaling gamit na nagkakahalaga raw ng P8.5 million mula sa kanyang bahay noong May 27, 2013.

CONNECTION TO GRETCHEN & TONYBOY. Sabi ni Atty. Topacio, kuwestiyonable rin ang intensiyon ni Atty. Alma Malongga, na siyang kumakatawan sa Siguion-Reyna, Montecillo & Ongsiako law office, na mag-volunteer upang maging legal counsel ni Dessa.

(Read: Theft complaint against Claudine Barretto not intended to get back at the actress, says former P.A.’s camp)

Ayon pa sa legal counsel ni Claudine, konektado ang nasabing law office sa kapatid ng kanyang kliyente na si Gretchen Barretto at ang longtime partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Sabi ni Atty. Topacio, hindi naman kaila sa publiko na patuloy pa rin ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Claudine, base sa maaanghang na palitan nila ng salita—mapa-social media man, news websites, o mga pahayagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalita pa kamakailan ang tungkol sa pagkampi ni Gretchen sa asawa ni Claudine na si Raymart Santiago.

Sinampahan ni Claudine ang asawa ng kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act o R.A. 9262. Humihingi rin sa korte si Claudine ng Permanent Protection Order laban kay Raymart.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, mula nang umalis si Raymart sa conjugal home nila ni Claudine ay napag-alaman ng kanyang kiliyente na nakipagsabwatan daw ang aktor sa mga dating kasambahay nila upang magamit ang mga ito sa mga kasong kinahaharap ng aktres ngayon.

FULL STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Topacio, na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, Huwebes, Setyembre 19:

“Our first impulse upon hearing of the theft case filed against Ms. Claudine Barretto was to ignore it as nothing but an unintelligently obvious attempt on the part of Ms. Dessa Patilan to divert the issue from a qualified theft case filed against her over four months ago for attempting to spirit away from Ms. Barretto’s household millions worth of valuable personal effects.

“Upon closer examination, however, there may be more to the theft counter-charge against Ms. Barretto than meets the eye, for which a brief statement may be needed. For instance:

“1. Why did it come four months after the original qualified theft charge against the complainant, when the acts complained of were allegedly done by Ms. Barretto simultaneously with the thievery of Ms. Patilan?

“2. Why did it come only after the cases filed by Ms. Barretto against her estranged and strange husband Mr. Raymart Santiago for Protection Orders, Violence Against Women and Perjury, and only after a renewal of enmities between Ms. Barretto and her sister Gretchen?

“3. Why is the complainant represented by one of the country’s biggest and most expensive law offices, which has previously represented interests identified with Ms. Gretchen Barretto and her longtime companion Mr. Tonyboy Cojuangco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All of these things, when taken with our previous observations that former personal staff members of Ms. Barretto were colluding with Mr. Santiago after he had left the conjugal abode, in order to obtain certain valuable personal properties from the household and alsoa information as to Ms. Barretto’s movements, make the merits of the case and the persons behind the filing thereof, very suspicious.

“As always, our legal team will keep protecting Ms. Claudine Barretto from such harassment suits and we shall never rest until her interests and that of her children, Santino and Sabina, are fully vindicated.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN