Claudine Barretto denies Raymart Santiago’s allegation that she is a drug user

“Siya rin, e. Siya rin, katulad ng sinabi ni Attorney, siya rin naggaganun. Ako, I owe it to the public because I have to take care of my skin, to look good. So, ‘yon, ginagawa niya rin ‘yon,” depensa ni Claudine Barretto tungkol sa akusasyon ng kanyang asawang si Raymart Santiago na "nagtuturok" siya ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, ang “itinuturok” ni Clau


“Pagod na pagod na ako.”

Ito ang bungad ni Claudine Barretto, 34, tungkol sa legal battle at palitan nila ng mga akusasyon ng kanyang asawang si Raymart Santiago, 37.

Humarap si Claudine sa media kaninang tanghali, Oktubre 1, sa isang press conference na ipinatawag ng kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio.

Kasamang humarap ng aktres sa presscon, na ginanap sa Rembrandt Hotel, sa Quezon City, si Atty. Topacio, ang isa pa niyang legal counsel na si Atty. Junelet Mataro, at ang ama ng aktres na si Miguel Barretto.

Patuloy pa ni Claudine, “Sana kung magsasalita si Raymart, sana naiisip niya na nasa akin ang mga anak namin.

“At habang salita siya nang salita ng masasakit laban sa akin ay napapanood ng mga anak ko.

“Sana ma-realize niya na sinisira niya ang pundasyon na kumakarga sa mga anak namin.”



"BEAUTY SECRET." Matatandaang matapos maghain si Claudine ng reklamong physical, verbal, psychological, at economic abuse laban kay Raymart, nagsumite naman ng counter-affidavit ang aktor bilang sagot sa mga alegasyon ng aktres.

Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ng aktor na siya ang nakaranas ng pananakit mula kay Claudine.

Inakusahan din ni Raymart si Claudine na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Upang patunayan ang kanyang akusasyon, isinama ni Raymart bilang ebidensiya ang sinumpaang salaysay ng isang witness at actual video ng “pagtuturok” diumano ni Claudine.

(Read: Raymart Santiago submits details of Claudine Barretto’s alleged drug dependence in his counter-affidavit)

Hindi itinanggi ng kampo ni Claudine ang nasabing ebidensya, kung saan makikitang “nagtuturok” ang aktres.

Pero agad na depensa ni Atty. Topacio, ang itinuturok daw ng aktres sa video ay ang “beauty secret” nito.

“Ano ang tinutusok ni Claudine doon sa videos? There’s a very simple explanation. First, Gerovital H3.

"Nabuking tuloy ang beauty secret niya, e,” sabi ni Atty. Topacio, habang ipinakikita ang isang audio-visual presentation na kanilang inihanda para sa media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya ang nasabing gamot sa pamamagitan ng pagbanggit ng kahulugan nito sa Wikipedia.

“Ano ba yung Gerovital H3, is it a drug?

"From Wikipedia, ’Gerovital was developed in Romania by Ana Aslan.

“’The main ingredient is the well-known local anesthetic procaine hydrochloride.

“It also contains small amounts of benzoic acid, potassium metabisulfite and disodium phosphate.’

“None of these are in the list of Dangerous Drugs Act as regulated or prohibited drugs."

Bukod dito, nagpakita rin si Atty. Topacio ng isang statement mula sa isang di pinangalanang witness, na umano’y registered nurse at nagsu-supply ng Gerovital H3 kay Claudine.

Ayon pa sa abugado ng aktres, bukod kay Claudine ay ginagamit din ni Raymart ang naturang gamot.

Susog pa ni Claudine tungkol kay Raymart, “Siya rin, e. Siya rin, katulad ng sinabi ni Attorney, siya rin naggaganun.

“Ako, I owe it to the public, because I have to take care of my skin, to look good.

“So, ‘yon, ginagawa niya rin ‘yon.”

Ayon pa kay Atty. Topacio, walang kinalaman ang akusasyon ni Raymart na gumagamit ng droga si Claudine sa reklamong isinampa ng kanyang kliyente laban dito.

“Wala pong relevance ito sa Violence Against Women.

“Ginawa lang po niya ‘yan to publicly humiliate and degrade my client, at para magalit sa kanya ang publiko at mapahiya siya, which shows the kind of person Mr. Santiago is.”



“WITHOUT MY KNOWLEDGE.” Samantala, sinabi ni Claudine na hindi niya alam ang pagkuha sa kanya ng video, bagay na ikinasasama raw niya ng loob.

“Ngayon ko lang nalaman na mayroon pang ibang mga videos.

“Sa aming pamamahay, pinayagan ng asawa ko yung mga boy, mga drivers, mga masahista, na kunan ako ng mga stolen videos.

“So, ang pakiramdam ko, hindi mo na nga prinotektahan ang mga anak mo, lalo ako bilang asawa niya, pinabayaan mo pa na bastusin nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pinakahuling panayam ng PEP kay Raymart, sinabi nito na marami pa siyang pinanghahawakang ebidensiya laban sa kanyang asawa.

“Actually, yung mga inilabas ko, yun pa lang ang sagot ko sa mga ibinato nila sa akin," sabi ni Raymart.

“Yung mga ibinigay kong ebidensiya ay mga sagot sa pag-akusa sa akin.

“Kumbaga, depensa ko yun sa sarili ko. Meron pa tayong pang-opensa.”

(Read: Raymart Santiago holds more evidence against Claudine Barretto: "Depensa ko yun sa sarili ko. Meron pa tayong pang-opensa.")

Kanina sa presscon ay tinanong ng media si Claudine kung alam niya ang tungkol sa mga ebidensiyang ito na ilalabas diumano ni Raymart.

Sagot ng aktres:“I don’t know. Kasi, the last time, na-sweep namin yung bahay namin, maraming bugs.

“May cameras sa loob ng bahay namin.

“So, it’s inside our compound, without my knowledge.

“Kahit sa loob ng banyo namin, may mga video cameras.”



SERIES OF DRUG TESTS. Bukod sa pagpapatunay na hindi ipinagbabawal na gamot ang “itinuturok” ni Claudine sa kanyang sarili, ipinakita rin ni Atty. Topacio sa media ang resulta ng dalawang drug tests.

Isinagawa raw ang mga ito sa kanyang kliyente noong October 2011 at April 2013.

Ang nasabing drug-test results ay nakalakip sa complaint-affidavit ni Claudine para sa kanyang reklamong violation of Anti-Violence Against Women and their Children Act o R.A. 9262 laban kay Raymart.

(Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago)

Ayon kay Atty. Topacio, naipasa ni Claudine ang parehong drug tests.

Nang tanungin si Claudine kung may ideya siya kung saan nanggagaling ang isyung drug user laban sa kanya, maikling sagot ng aktres: “Alam ko kung saan nagsisimula ‘yon, pero I’d rather not comment.”

Sinabi ng aktres na nagpa-drug test siya noon upang patunayan sa kanyang asawa na negatibo siya sa anumang ipinagbabawal na gamot.

Salaysay pa niya: “He was going around telling people, our friends, ina-isolate niya, ina-alienate niya ako sa mga kaibigan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He was going behind my back, and naniniwala na sila, di ba?

“So, ‘yon lang ang way to prove... I always have to come up with evidence to prove, hanggang sa nakakapagod na.

“Hanggang sa kapag mayroon, hindi rin naman pala importante.”

Daing pa niya, “It’s hard for an actress na pumasok sa laboratory o sa ospital para magpa-drug test.

“It’s very humiliating, kasi ang daming tanong. Para saan… Hindi naman para sa license, hindi naman para sa ano…

“So, six times sa buhay ko, ginawa ko ‘yon, para lang mapatunayan ko ‘yon. And I’m not gonna do that again.”

Kahapon, September 30, muling sumailalim sa drug test ang aktres bilang pagtugon sa hiling ng kanyang amang si Mr. Miguel Barretto.

“Gusto kong mapanatag ang parents ko,” katuwiran ni Claudine.

“I think that’s the only way din para nakita nila na ako mismo.

"Kasi, may allegations na nanghihingi ako ng ihi sa ibang tao.

“Alam mo naman na kapag nagda-drug test ang tao, alam mo naman na may bantay ‘yon, di ba?

“May mga bantay sa loob, at hindi madali sa isang artista ’yon.”

Sa hiwalay na panayam ng media matapos ang press conference, muling ipinagtanggol ni Claudine ang sarili.

“Kung totoo ngang mentally ill ako or drug addict ako, bakit mo pababayaan ang mga anak mo sa akin ng ilang buwan?

“Di ba, sila dapat ang unang binitbit mo? Hindi yung mga Louis Vuitton luggages, hindi mga relo mo, hindi pera.

“Kung hindi pa ako nag-TPO [temporary protection order], wala siyang pakialam sa mga anak niya.”

(Read: Marikina court grants TPO petition filed by Claudine Barretto against Raymart Santiago)

Sa huli, hinamon pa ni Claudine si Raymart: “I dare him, magpa-drug test siya, yung kumpleto rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN