Senator Jinggoy Estrada regrets hurting close friend Sharon Cuneta with his privilege speech

Senator Jinggoy Estrada on Sharon Cuneta: “Our friendship goes beyond politics. Kahit meron kaming political differences, di pa rin mababago yung pagkakaibigan namin, at ang pagiging magkumpare-kumare namin sa isa’t isa.”


Nagsisisi raw si Senator Jinggoy Estrada na nasaktan niya ang damdamin ng kanyang kumareng si Sharon Cuneta, dahil sa pagkakabanggit ng senador sa pangalan ng asawa ng Megastar na si dating Senator Francis "Kiko" Pangilinan, sa kanyang privilege speech noong September 25, 2013.

(Read: Senator Jinggoy Estrada criticizes fellow senators in privilege speech on PDAF issue)

Ilang oras matapos ang talumpati ni Senator Jinggoy, idinaan ni Sharon sa Twitter ang kanyang pagdepensa sa asawa.

Dito ay hinamon ng Megastar na magpakita ang sinumang may pruweba na nagnakaw si Kiko mula sa pondo ng bayan, at kanyang bibigyan ng sampung milyong piso at iiwan ang asawa sakaling may makapagpapatunay nito.

(Read: Sharon Cuneta defends husband Kiko Pangilinan against Senator Jinggoy Estrada)

Sa ulat ng online news website ng ABS-CBN kahapon, October 8, sinabi ni Senator Jinggoy na naiintindihan niya ang himutok ni Sharon.

“Ako naman, kay Mareng Sharon, I understand her feelings.

"That’s the only regret that I did siguro, hurting the feelings of my kumare.

“Actually, wala naman akong intensiyon na saktan ang damdamin ni Sharon. Mahal ko yun, e.”

Umaasa ang actor-politician na ang kanilang "misunderstanding" ni Sharon ay hindi makakaapekto sa kanilang pagkakaibigan.

Dagdag pa niya, “Our friendship goes beyond politics.

"Kahit meron kaming political differences, di pa rin mababago yung pagkakaibigan namin, at ang pagiging magkumpare-kumare namin sa isa’t isa.”

Ikinuwento rin ni Senator Jinggoy na tinext siya ni Sharon noong Lunes, Oktubre 7, para mag-set ng "phone meeting" upang mapag-usapan ang naging sitwasyon nila.

Wala raw silang napag-usapang paghingi ng paumanhin, at hindi na rin daw ito kailangan.

Saad ni Senator Jinggoy, “She was asking me if I was okay...

"Walang sorry. Ako rin, wala pa rin.

"Actually, we’re scheduled to talk today, over the phone lang...

"Both camps, walang [kailangan ipaghingi ng tawad]. Hindi naman [ako nasaktan] at naintindihan ko naman siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa niya sa Megastar, “Sana maintindihan naman ni Sharon, at isa lang naman masasabi ko kay Sharon—mahal na mahal ko pa rin siya.”

Sinabi rin ni Jinggoy na hindi niya intensiyong akusahan si Kiko at iba pang mambabatas ng korapsyon sa kanyang speech.

“Malinaw yung sinabi ko. When I enumerated the senators concerned, based on the COA report, hindi ko naman sinasabing meron silang katiwalian.

"Hindi ko naman sinasabing magnanakaw sila.”

Paliwanag pa niya tungkol sa kanilang tatlo nina Senators Bong Revilla at Juan Ponce Enrile—na kasama niyang idinawit sa kasong plunder ng Department of Justice at National Bureau of Investigation:

“Unlike us, na we were being portrayed as thieves, na tatlo lang kami na talagang magnanakaw. E, hindi ko talaga matatanggap yun.

“Pero doon sa mga in-enumerate kong senador, for example Senator Miriam [Defensor-Santiago] and the rest, including Senator Kiko, wala namang akong sinasabing merong katiwalian.”

Kasama pang nabanggit sa speech ni Senator Jinggoy sina Senator Alan Peter Cayetano, former Senator Manny Villar, House Majority Leader Neptali Gonzales, at An Waray Representative Florencio Noel.

Dagdag niya, "Ang sinasabi ko lang, yung pinaglagyan din nila, ayon sa COA report, ay mayroong irregularities.

"Wala akong sinasabi na binulsa nila, walang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN