Top showbiz taxpayer Willie Revillame wonders where his tax money will go

Bagamat natapos na ang noontime show ni Willie Revillame sa TV5, hindi raw ito nangangahulugan na tapos na rin ang pagtulong niya sa mga nangangailangan.


Sa inilabas na listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Top Individual Taxpayers for 2012 ay pumangalawa ang TV host-comedian na si Willie Revillame.

Nagbayad si Willie ng kabuuang buwis na P63.9 million noong isang taon.

(Read: Willie Revillame tops BIR 2012 list of celebrity taxpayers; Kris Aquino drops to sixth place)

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon dito ni Willie, sa pamamagitan ni Jay Montelibano, ang chief operating officer ng WiRe (Willie Revillame) Holdings Inc.

Si Jay rin ang tumayong business unit head sa tatlong naging shows ni Willie sa TV5: Willing Willie, Wil Time Bigtime at Wowowillie.

Ayon sa text message ni Jay, “Kuya’s proud to be a law-abiding citizen who settles his tax correctly and on time.”

Sa tingin ba ni Willie ay napupunta sa tama ang tax na ibinayad nito?

Isang malaking isyu kasi ngayon ang pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mga pulitiko. Pinaniniwalaang malaking bahagi ng mga buwis na ibinabayad ng mga Pinoy ay sa bulsa lamang ng mga pulitikong napupunta.

Sabi ni Jay, nalulungkot si Willie sa mga nangyayari sa bansa ngayon.

“He feels that the Filipinos, especially victims and survivors of the recent calamities, were robbed of what was due them.

“The graft and corruption in the country makes us all angry.

"It’s also devastating to learn that the people whom you elected and trusted can do this to you.

"It’s a loss of confidence. It makes one wonder now where our tax money goes.”

END OF CONTRACT. Ngayong araw, October 15, ang opisyal na pagtatapos ng kontrata ni Willie sa TV5.

Pero tatlong araw bago dumating ang petsang ito, noong October 12, ay nagtapos na ang kanyang programang Wowowillie sa Kapatid network.

(Read: Willie Revillame turns emotional in Wowowillie farewell episode; promises to return soon)

Bukambibig ni Willie noon na kahit magtapos ang kanyang programa ay hindi siya titigil sa pagtulong sa mga taong nangangailangan ng kanyang kalinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Sabado nga ay sinabi pa ni Willie: "I Wil Return!"

Tinanong ng PEP si Jay kung ano mga plano ngayon ni Willie matapos ang kanyang noontime show.

Sagot ni Jay, “I once mentioned that the production blood in him will always be there.

"Kuya Wil will never turn his back on TV as long as the masses who long for him and the show are still around.

"The mission to serve, through his program, will never end even if he’s off-air.

"There’s a soft spot in Kuya’s heart for the masses.”

Banggit pa niya, nakatakdang bumista si Willie sa lalawigan ng Masbate para mamahagi ng mga bangka sa mga mangingisda.

“We’ll be helping out various projects, like that of Bantay Kalikasan of Ms. Gina Lopez, which aims to give livelihood to our less-fortunate brothers.

"He donated, through Wil Foundation, 700k for the production of 20 motorized bancas for the fishermen of Masbate.”

Sa ngayon daw ay ini-enjoy ni Willie ang kanyang "much-needed rest."

Sabi ni Jay, “Right now, he’s enjoying his much-needed rest while attending to Wil Tower mall on the side. That’s it so far for now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN