Rosanna Roces reveals she and the Revillas are now on good terms

Isang indie film tungkol sa mga guro ang iprinodyus at pinagbibidahan ni Rosanna Roces. Ito raw ay pambawi niya sa naging pahayag niya laban sa mga guro, nang minsang maging hurado siya sa programang Showtime ng ABS-CBN.


Ayon kay Rosanna Roces, wala na raw gusot sa pagitan niya at ng pamilya Revilla.

Natutunan na raw kasi niyang magparaya pagdating sa kanyang apo na si Gab, o mas kilala sa palayaw nitong Budoy.

Si Budoy ang anak ng young actor turned politician na si Jolo Revilla, sa panganay na anak ni Rosanna na si Grace Adriano.

Hindi naman kaila sa marami na nagkaroon ng alitan noon sa pagitan ni Rosanna at ang pamilya Revilla—partikular na sa mga magulang ni Jolo na sina Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. at Bacoor Representative Lani Mercado—dahil sa kustodiya ni Budoy.

Nang isilang ni Grace si Budoy noong 2005 ay sa poder ni Rosanna tumira ang kanyang apo.

Ngunit noong 2009 ay napunta sa poder ng mga Revilla ang ngayo’y walong-taong gulang nang si Budoy dahil nagkaroon ito sakit.

(Read: Sen. Bong Revilla speaks up about new issue with Rosanna Roces over their grandson)

Sabi ni Rosanna, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng ABS-CBN, “Puro galit ako noon, di ba? Nakita mo ngayon, hindi na.

"Natuto akong i-share yung love, yung ganoon.

“Kahit anong galit, pagbali-baligtarin mo man, sila pa rin ang nagbigay sa akin nito.

"Kung hindi sa kanila, wala ’to,” sabay tingin ng aktres kay Budoy.

Kasama ni Rosanna si Budoy nang makapanayam siya ng PEP.

Dagdag ng aktres, "Natuto na rin akong magparaya. Sila naman ang mahalin ng bata.

"Tutal, paglaki naman niyan, ako pa rin, e.

"Kita mo ngayon, ako pa rin ang hinahanap.

“Wala nang problema sa amin."

Sabi pa niya, "Kaya nga joke na lang sa akin yung ganun-ganun.

"Pero siyempre, bilang ano, tandaan mo, we share the same bond.

“Lahat na lang nga dinadaan ko sa joke, kasi ayokong maging seryoso. Ayokong makihalo sa problema.

"Tama na binigyan ko sila ng problema dati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy na "joke" ni Rosanna ay ang sinabi niyang "CHARGE NYO NA LANG KE BONG REVILLA."

Ito ay kaugnay ng hinihinging P2 million na danyos ng GMA Network pagkatapos magdesisyon ang Quezon City Regional Trial Court na guilty ang aktres sa paglabag sa kontrata nito bilang StarTalk host noong 2004.

(Read: Rosanna Roces comments on court’s decision saying she breached her contract with GMA-7)

Paano niya nahihiram si Budoy kay Jolo, na ngayon ay nakaupo bilang vice governor ng Cavite?

Sagot ni Rosanna, “Hinihiram ni Grace.

"Minsan, tatawagan ako nun, ’Ma, tawag ka.’

"Pag ganun, ’Ay, si Budoy!’ Tatakbo na ako niyan.

“Last week, nagkita rin kami. Tapos nag-promise siya, ’Lola, Friday pa lang ’andiyan na ako.’

"Tapos, babalik siya sa daddy niya."

Bago pa man isilang si Budoy ay hiwalay na sina Jolo at Grace.



NULLITY OF MARRIAGE. Tungkol naman sa kasong isinampa laban sa kanya ng GMA, sinabi ni Rosanna na plano niyang mag-file ng appeal sa korte.

Isasabay na rin daw ng aktres ang pagpa-file niya ng declaration of nullity ng kasal nila ni Tony Molina.

Aniya, "Kasi null and void yun from the start.

"E, kung magtu-tour ako ng U.S. and Canada, kailangan ko ng passport.

"E, ayoko na noong Molina ako, tapos makikita nila, tatanung-tanong.

"Pinapaano ko na para, at least, wala na akong problema kapag nagtayo ako ng business dito sa Manila. Sana mag-operate.

“So, dati na akong dalaga.

"Hindi naman ako nagkaasawa at nagkaanak ulit.

"Pero ang tagal ko ring naghanap ng pag-ibig.

"Yun bang akala mo dito, ke ganito, ke ganyan. Pero, wala.

"Pag labas nito [Budoy], doon ko nakita.

“Saka hindi, yung mga sakit na hindi ko maalis sa katawan ko, alam mo, paglabas nito, natulog akong para baby.”

May bago ba siyang manliligaw ngayon?

“Wala, e. Ayaw nito, e,” sabi niya, kasunod ang yakap kay Budoy, na nakikinig naman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No,” singit ni Budoy.

“Bakit no?” tanong ni Rosanna sa apo.

“No stuff like that,” nakangiting sagot ni Budoy.

Kinumusta rin ng PEP kay Rosanna ang mga anak niyang sina Grace at Onyok.

Sagot niya, “Grace is doing good.

"Surprisingly, siya yung iniisip mo na maarte, pagimik-gimik.

"Pero ngayon, wow, hands-on! Pati nanay ko, siya ang nag-aalaga.

"Nakakagulat, ’no?"

Pagdating naman kay Onyok, sinabi ni Rosanna na hindi pa rin sila nagkakausap nito.

Matatandaang nagkaroon ng malaking away ang mag-ina, na umabot pa sa pananakit.

(Read: Rosanna Roces gets into a physical fight with son Onyok)

“In God’s time,” sambit pa ni Rosanna.



INDIE FILM ABOUT TEACHERS. Ibinalita rin ni Rosanna na may iprinodyus siyang indie film na pinamagatang Guro.

Sabi niya, “Hati kami nung gumawa ng Presa.

"It’s about yung teacher na hindi na siya nakapag-asawa. So, talagang inilaan niya ang panahon niya sa pagtuturo.

“At hindi lang basta guro. Talagang ano ha, SpEd [Special Education] teacher siya. Mahirap yun, di ba?

"And it’s my way of... kung may kasalanan man ako na sinabi tungkol sa mga guro... bawi ba?"

“Nakita mo yung bawi ko? Marunong din naman talaga ako na...

"Alam ko. Alam ko, importante alam mo kung saan ka nagkamali.

"Ayoko kasi pag tumanda ako na may dala-dala ako."

Ang tinutukoy ni Rosanna ay ang naging kontrobersiyal na pahayag niya noon tungkol sa mga teacher, nang minsang maging hurado siya sa programang Showtime ng ABS-CBN.

Sa January 7, 2010, episode ng programa ay sinabihan ni Rosanna ang isang contestant ng ganito nang hindi ito makasagot sa kanyang tanong:

"Murahin mo yung teacher mo, ha! Ako minura ko yung teacher ko nung hindi niya sinagot sa akin ’yan.

"Oo, walanghiya ’yang mga teacher na ’yan. Hindi sinasabi yung totoo sa atin, e!

"...Oo, dahil ang mga teachers, they were just repeaters. Itinuturo nila kung ano ang itinuro sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na nila itinuturo kung ano ang gustong malaman ng mga bata."

(Read: MTRCB suspends Showtime for 20 days for statement of Rosanna Roces against teachers)

Bago ang pagpoprodyus niya ng pelikula, napabalitang may problemang pinansiyal si Rosanna.

Pero ayon sa aktres, meron pa rin naman daw siyang pera na ipinang-produce sa Guro.

Sabi niya, “Two million lang naman ang ano noon, saka nag-line produce ako. Nagla-line produce naman ako dati.

"Kumbaga, yun yung last of the moment na ano...

"Saka may mga property pa rin naman ako na puwede kong isanla, na puwede ipang-produce.

“Advocacy film naman ’to, e.

"So, kapag meron kang gustong gawin at may gusto kang tulungan, at yung films like that, gawan mo ’yan ng paraan, siyempre.

"E, nagawan ko ng paraan."

Kabilang din daw sa cast ng Guro sina Anita Linda, Marita Zobel, Bembol Roco, Daria Ramirez, at Ina Feleo.

“Big cast, ’Day!" bulalas ni Rosanna.

"At hulaan mo saan ko ginawa? Doon, kung saan ako lumaki, sa Malabon.

"Mga kababata ko, yung old school ko doon, lahat nakita ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN