LJ Reyes on four-year relationship with Paulo Avelino: "Nag-try ako, nag-effort, nagtiis, napagod."

Inamin ni LJ Reyes na kahit papaano ay umasa siyang babanggitin ni Paulo Avelino ang pangalan niya at ng kanilang anak nang manalo ang aktor sa Gawad Urian noong 2012. Sabi ni LJ, "Siyempre, wini-wish mo na, sana, mas open siya. Mas proud siya."


Paunti-unti ay nagiging bukas na si LJ Reyes tungkol sa pagwawakas ng apat-na-taong relasyon nila ni Paulo Avelino.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media kay LJ nuong Martes, November 12, sa Fleur de Lys restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, sinagot ng StarStruck alumna ang ilang katanungan tungkol sa paghihiwalay nila ni Paulo.

Nagbunga ang pagsasama nila ng isang anak, si Ethan Akio, na ngayon ay tatlong taon na.

Sino sa palagay ni LJ ang unang naka-move on sa kanila ni Paulo?

Saad ng 25-year-old actress, “Feeling ko kasi, yung nangyari kasi sa akin, nag-try ako, nag-effort, nagtiis, napagod.

“So, yung alam mo yung tipong trinay [tried] mo naman lahat. Trinay mong mag-communicate.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Paulo, sinabi nitong sinubukan din niyang ayusin ang relasyon nila.

Read: Paulo Avelino says decision to end relationship with LJ Reyes was mutual

Ano ang reaksiyon dito ni LJ?

Sagot niya, “Parang yung sinubukan ko naman at sinubukan niya, parang ibang level.”



TIRED. Sa naunang panayam ng PEP kay LJ ay sinabi niyang “napagod” na rin siya sa relasyon nila ni Paulo.

Read: Part 1. LJ Reyes finally speaks up about failed relationship with Paulo Avelino; says they still raise their son together

Kailan niya naramdaman ang “pagod” na iyon?

“Medyo matagal na akong napagod, pero nagtitiis po ako,” sagot niya.

Sinabi rin ni LJ noon na may tiwalang nasira. Ano ang ibig niyang sabihin dito?

“Isa sa mga tiwalang ibinigay mo sa kanya ay magkaroon kayo ng isang buong pamilya.

“Pero, hindi pala kaya. Yung ganun.

“Tapos, yun, hanggang doon na lang po… natatakot na ako,” pagpreno ni LJ sa sarili.

Nang magdesisyon silang maghiwalay, tanggap na ba ni LJ iyon?

Sagot niya, “Oo, okay na ako nun.

“Kasi, noong time na naghiwalay kami, alam ko na, na-realize ko na ang mga dapat at hindi. Yung mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ma-explain nang mabuti in words, baka mali ang mga ginagamit kong words ngayon.

“Pero, marami akong kakilala na pamilya na… magandang example.

“At, parang masyadong malayo.”

WHAT IF… Noong 2012 ay nanalong Best Actor si Paulo sa Gawad Urian, para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa.

Marami ang naintriga kung bakit hindi nabanggit ni Paulo sa kanyang speech si LJ at ang kanilang anak.

Nilinaw ni LJ na sila pa ni Paulo noong panahong iyon.

Pero hindi kaya isa sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay sila ay dahil hindi siya maipagmalaki o mabanggit man lamang ni Paulo?

Sagot ni LJ, “Ang sa akin kasi, yung mga bagay na pinag-isipan ko, kung ano lang ang na-witness ko, yung directly, yung ganun.

“Kung paano siya sa bahay. Kung paano siya off-cam.”

Hindi siya nagdamdam nang hindi banggitin ni Paulo ang pangalan niya?

“Well, siyempre, wini-wish mo na, sana, mas open siya. Mas proud siya.

“But since… iisipin mo na lang, baka may plano talaga.

“You just trust the people. You just trust him.

“So, sige, okay na lang muna.

“Pero, siyempre, ang wish mo…”

Ipagmalaki rin siya?

“Oo, siyempre, may ganun. Lalo na yung bata, di ba?” pag-amin ni LJ.

Kung hindi lumipat ng ABS-CBN si Paulo, sila pa rin kaya hanggang ngayon?

Gaya ni LJ, si Paulo ay produkto rin ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck. Si LJ ay sa Batch 2, habang si Paulo ay sa Batch 4.

Sabi ni LJ, “Ayoko na pong isipin ang mga what ifs.

“Kasi, ibinigay ko po nang buung-buo ang tiwala ko sa mga desisyon na gagawin niya, so, wala, e.”

Kumusta na sila ngayon ng pamilya ni Paulo?

“Okay naman,” sagot ni LJ.

“Actually, yung brother niya, in-invite pa ako sa birthday ng baby niya.

“Pero, hindi kami madalas na nagkakausap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SUICIDE ATTEMPT. Muling inusisa kay LJ ang tungkol sa nabalitang pagtangkang pagpapakamatay ni Paulo.

Giit ni LJ, “Hindi po ako naniniwala na kaya niyang gawin yun.

“Siguro yun na yun. Hindi niya siguro ginawa.”

Tinanong ba niya si Paulo tungkol dito?

“Hindi, e. Kasi siya ang tipo ng taong hindi mo puwedeng tanungin ng ganoong bagay, tapos sa cellphone lang, sa text lang.

“Sabi naman po sa interview, hindi naman.

“Pero, wala kaming ibang napag-uusapan kung hindi si Aki lang.”

Hindi ba siya nag-alala para kay Paulo?

“Siyempre, nag-worry rin naman po.

“Tatay yun ng anak ko. Paano kung mawalan ng tatay ang anak ko!” natatawa niyang sabi.



PAULO & KC. Pareho nang umamin sina Paulo at KC Concepcion na nagde-date sila.

Read: Paulo Avelino confirms that he is dating KC Concepcion

Ano ang naging reaksiyon ni LJ nang mabalitaan niya ang tungkol dito?

Sagot niya, “Happy naman po ako para sa kanya, kung talagang totoong nagdi-date sila ni KC.

“Okay na rin po yun. Basta… basta, si Aki lang talaga.

“Basta kung magdi-date siya, magseseryoso siya sa isang babae, basta huwag niyang pababayaan si Aki.”



GOOD FATHER. Pagdating naman sa anak nila, kahit noon pa ay sinasabi ni LJ na mabuting ama si Paulo.

Nang lumipat ba sa ABS-CBN si Paulo ay mas naging galante ito sa anak?

Sagot ni LJ, “Kahit naman po noong nasa GMA siya, kung ano ang kailangan ng bata, hindi naman po siya naghihigpit sa pera.

“Basta para dun sa bata.”

Ang maganda naman daw sa relasyon nila ng anak, kahit tatlong taon pa lang ito, ay sinasabi na ni LJ ang mga nangyayari sa kanya.

Kuwento ni LJ, “Actually, lahat po, lahat ng nangyayari sa akin, especially yung mga important events, whether good or bad, ini-explain ko na sa kanya.

“Minsan nga, nakaka-touch talaga si Aki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong sinabi ko sa kanya na, ‘Whatever happens, love ka namin ng daddy mo,’ hinug niya ko.

“Sobrang na-touch ako, naiyak ako kay Aki nun. Hinug niya ako.

“Hindi ko alam kung naintindihan niya ako nun, pero bigla niya akong hinug. Tapos, kiniss niya ako.

“Wala pa siyang three nun. Kasi, kaka-three pa lang niya noong July.”

Dugtong pa niya, “Sobrang close po kasi kami.

“Kasi, nag-breastfeed ako sa kanya. Tapos, kami pa yung palaging magkasama.

“Hindi naman po kasi ako nag-work pagkatapos kong manganak.

“So, ako talaga ang hands-on sa kanya.

“Pero, close rin naman siya kay Pau.”

May pagkakataon bang hinahanap din ng anak niya si Paulo?

“Opo naman, kasi naaalala rin naman niya si Pau. Hinahanap-hanap niya rin.

“Pero, may concept na siya na house ni Daddy, house ko.

“Yung house po niya, house namin. Kapag house ni Daddy, iba.”

Sa pagkakatanda ni LJ ay dalawa o tatlong beses nang natulog si Aki sa condo unit ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN