Ariella Arida on failing to win the Miss Universe crown: "Sayang po yung pagkakataon."

Muling ipinaliwanag ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida ang kanyang naging pahayag noon tungkol sa Latinas. Aniya, “What I meant po talaga is, sila nga, nananalo sila using their own language. Feeling po kasi ng iba, basehan yung magkaroon ng perfect English to win the title. Kung ano ang ma-express mo at maintindihan ng tao, doon ako.”


“Thank you rin po, sobra. Kasi, kung hindi dahil sa inyo, sa suporta ng Pinoy, wala po ako kung nasaan ako ngayon.”

Ito ang bungad ni Ariella Arida sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, November 17.

Si Ariella ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2013 na ginanap sa Moscow, Russia, noong November 10.

Naging 3rd runner-up si Ariella sa kumpetisyon, na pinagwagian ni Maria Gabriela Isler ng Venezuela.

Read: Ariella Arida is third runner-up in Miss Universe 2013; Miss Venezuela wins crown

QUESTION-AND-ANSWER PORTION. Sa question-and-answer portion sa Miss Universe 2013, bukod-tanging si Ariella lang ang hindi gumamit ng interpreter.

Ang mga kasama niya sa Top 5 na mula sa Venezuela, Spain, Ecuador, at Brazil ay gumamit lahat ng interpreter.

Naisip ba niya na siya ang mas karapat-dapat na manalo ng korona?

Sagot ni Ariella, “Hindi naman sa iniisip ko, pero ako, sayang.

"Sayang po yung pagkakataon.

"Noong nasa Top 10 ako, sobrang saya ko na, oh my god, na at least, naipagpatuloy ko yung tuluy-tuloy nating panalo.

"Noong natawag po ako sa Top 5, yun, parang nakahinga na po ako nang malalim."

Ang 24-year old Chemistry graduate ang ika-apat na Pinay na nakapasok sa Top 5 ng Miss Universe mula pa noong 2010.

Si Venus Raj ay naging 4th runner-up noong 2010.

Third runner-up din ni Shamcey Supsup noong 2011.

First runner-up naman si Janine Tugonon noong 2012.

Patuloy ni Ariella, "Pero noong Top 8 pa lang, nalungkot na ako.

"Sabi ko, ’Bakit hindi pa ako tinatawag, ginawa ko naman lahat ng best ko sa preliminary?

“Tapos, nandoon pa rin po si Miss Russia who is a contender, so sobrang kabado ko, pero hindi ko naman inisip na hindi ako matatawag.

"Hinihintay ko talaga ang camera na tumapat sa side ko.

"Parang yun ang cue ko, noong may rehearsal kami, yung Top 15, tumatapat po talaga [yung camera].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ako, hinihintay ko talaga, tumapat ka naman sa akin, please, yun lang hinihintay ko!” natatawa niyang sabi.

Si Ariella ang huling tinawag sa Top 16.

ONLY ASIAN. Sa Top 5, siya lang ang Asian na nakapasok.

Ano ang naging pakiramdam niya?

Natatawang kuwento niya, “Iniisip ko kasi, noong Top 5 na, sinasagot ko ang mga questions nila, busy ako dun!

“Habang nagtatanong sila, ako, sumasagot ako sa sarili ko.

"Sabi ko, ba’t ko ba ‘to sinasagot? Hindi naman ‘to itatanong sa akin.’”

Ito ang tanong sa kanya ni Olympic medalist Tara Lipinski: "For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education—and that is my primary advocacy—because if every one of us is educated, and we’re well aware of what we are doing, we could land into jobs and could land good careers in the future. So, education is a primary source and it is a ticket for a better future."

Nahirapan ba siya sa tanong at anong proseso ang pinagdaanan niya?

Sabi ni Ariella, “Narinig ko pong talaga lang, yung lack of job.

"Yung tanong ko pa, mahaba. So, parang ayoko na siyang ulitin sa utak ko.

"Lack of job talaga yung tumatak sa akin.

"Biglang naisip ko na, education, okay, go."

Masaya ba siya sa naging sagot niya?

“Opo, naisip ko nga, kung may time akong mag-isip, ganun pa rin—education pa rin ang sagot ko.”

CONTROVERSY. Maraming magagandang sinabi sa kanya, marami rin namang hindi. Naapektuhan ba siya?

Saad ni Ariella, “Noong pag-alis ko po ng Pinas, sobrang happy talaga, good vibes talaga.

"Tapos, nag-layover pa ako sa Hong Kong, e. Overnight.

"Tapos, doon biglang lumabas yung issue ko, doon po ako naapektuhan.”

Anong isyu?

“Yung tungkol sa Latina issue…

“Pero yung concern ko naman, hindi ko naman mina-mind yung mga negative things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Mo Twister and Ervic Vijandre trade insults on Instagram over Ariella Arida’s Headstart interview

Ano nga ba talaga ang nangyari doon?

Sabi ni Ariella, “Out of context lang po talaga yung nasabi ko talaga. Parang they can’t construct a sentence in English.

"What I meant po talaga is, sila nga, nananalo sila using their own language.

"Feeling po kasi ng iba, basehan yung magkaroon ng perfect English to win the title.

“Kung ano ang ma-express mo at maintindihan ng tao, doon ako.”

ERVIC VIJANDRE. Sa huli, tinanong si Ariella kung sino ba si Ervic Vijandre sa buhay niya.

Nakangiting sagot ni Ariella, “Basta, supportive po siya sa akin from the start.”

Nililigawan siya ni Ervic?

“Feeling ko, sa ginagawa niya!” natawang pag-amin niya.

Masaya siya?

“Opo.”

Napapasaya ba siya ni Ervic?

“Maraming bagay, hindi lang naman siya!” tawa pa rin ni Ariella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN