Korina Sanchez resurfaces to stop speculations about her absence as ABS-CBN news anchor

Muling napakinggan ng tagasubaybay ng dzMM ang tinig ni Korina Sanchez ngayong umaga, November 19. Ipinaliwanag ng veteran broadcaster kung bakit nawala siya ng ilang araw sa ere. Kasalukuyang papunta ng Capiz si Korina.


Sa gitna ng mga espekulasyon na sinuspindi diumano ng ABS-CBN management si Korina Sanchez, muling napakinggan ang tinig ng veteran broadcaster sa kanyang radio program sa dzMM, ang Rated Korina, ngayong umaga, November 19.

Ilang araw kasing hindi napakinggan sa radyo at napanood sa TV Patrol si Korina.

May ilang nagpalagay na may kinalaman ito sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Korina, kaugnay ng pahayag niya laban sa CNN anchor na si Anderson Cooper.

Pinuna ni Korina sa kanyang radio program noong November 13 ang "mali-mali" diumanong report ni Anderson sa sitwasyon sa Tacloban, kaugnay ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

Ang problema rito ay hindi katanggap-tanggap sa larangan ng pamamahayag na magsalita ang isang miyembro nito, lalo pa’t sa news department, tungkol sa isang bagay na may personal na koneksyon sa mamahayag.

Ito ay itinuturing na breach of ethics, dahil "interested party" ang mamamahayag at makapagbibigay siya ng "undue advantage" sa kanyang kinakampihan.

Si Korina ay asawa ng sekretarya ng Department of Interior and Local Government na si Mar Roxas, na namumuno nang mga panahong iyon sa relief operations sa Tacloban, na siyang pinupuna ni Anderson.

Read: ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Nilinaw naman ni Anderson na hindi accurate ang nakarating na impormasyon kay Korina tungkol sa report niya sa Tacloban.

Dahil dito ay naging laman ng mga balita si Korina, at na-feature pa nga sa CNN.

Read: Anderson Cooper urges Korina Sanchez to visit Tacloban

STATUS REPORT. Ngunit kaninang 10:24 a.m. ay narinig muli ang tinig ni Korina.

Si Jasmin Romero ang pumalit pansamantala bilang anchor ng Rated Korina, at via phone patch ay nag-usap sila ni Korina dahil papunta ngayon ang huli sa Capiz.

Sa loob ng dalawang minuto at 26 segundo, ikinuwento ni Korina ang kanyang mga ginagawa at kinaroroonan.

Sinagot din ni Korina ang mga haka-haka tungkol sa hindi niya paglabas sa TV Patrol noong Biyernes (November 15) at Lunes (November 18).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya at natatawa si Korina habang nag-uusap sila ni Jasmin.

"Kasi Jasmine, maraming espekulasyon kung bakit wala ako sa studio last week.

"Yung mga espekulasyon, hindi naman totoo ‘yan.

"So, matagal na kasing naka-schedule ang Rated K sa pag-iikot sa mga nasalanta ng iba’t ibang delubyo, so ito’y trabaho.

"Alam mo ‘yan, dahil noong tayo’y nag-usap minsan ay papunta naman ako ng Ormoc noon."

Read: Korina Sanchez flies to Ormoc to "investigate" relief efforts there

Patuloy ng veteran broadcaster, "Gumagawa rin kasi ang Rated K ng special para dito sa mga nasalanta, so pinupuntahan ko ang Western Visayas.

"Kasi, marami na kaming footage, pumunta na kami sa Western Visayas, dumaan ako ng Bohol pagkatapos ng Yolanda."

Pupunta rin daw sana sila sa Tacloban ngunit hindi sila pinayagan.

Lahad niya, "Nakahanda na kaming lahat, kasama ang crew namin.

"Pinigilan naman kami ng kumpanya [ABS-CBN] dahil delikado daw.

"So, na-divert kami sa Ormoc, nagdalawang-araw ako doon.

"Papunta kami dapat ng Zamboanga, naiwanan kami ng eroplano.

"Ngayon naman, papalipad kami ng Capiz, Iloilo.

"And this was scheduled from a while ago, dahil kasama talaga ito sa aming ruta—Capiz, Iloilo, tapos Palawan.

"Titingnan namin kung makakadaan kami ng Mindoro para magbigay ng tolda.

"Kasi, yun nga, kailangan natin ang tolda.

"Kasi importante para sa kapanatagan ng kalooban ng mga tao.

"Kasi may pagkain nga, kung wala ka naman tahanan, para ka naman ano... parang walang security.

"So, tatapusin ko lang ito, babalik ako diyan!" natatawa pang sabi ni Korina.

Iginiit ni Korina na ang pagkawala niya sa ere ng ilang araw ay hindi dapat ikonekta sa mga isyung kinasangkutan niya.

Saad niya, "Inaayos ko lang itong for airing namin, ’etong darating na Sunday.

"So, ayun, uulitin ko lang, matagal nang naiplano itong paglilibot na ito.

"Huwag lang sanang pilit na ikinokonekta sa iba pang bagay, ha?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "So, at least, nandiyan na ang status report at alam niyo na kung nasaan ako.

"Papunta kami ng Capiz ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN