Wenn Deramas denies reuniting with ex-boyfriend DJ Durano; admits relationship with non-showbiz guy

Wenn Deramas learns to slow down after bout with pneumonia: “May natutunan talaga ako rito na, oo, marami kang trabaho, na gusto kong tapusin ang commitments ko, pero heto nga ang nangyari sa akin... Right after nito, one at a time na ako, hindi na ako magsasabay ng TV at film.”


“Dyusko, para naman akong artista nito! Lovelife ko talaga ang pag-usapan?”

Ito ang natatawang reaksiyon ng box-office director na si Wenn Deramas nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kung totoong nagkabalikan na sila ng dati niyang boyfriend na si DJ Durano.

Naganap ang usapan sa final press conference ng pelikulang When The Love Is Gone, noong November 19.

Si Direk Wenn ang tumatayong creative producer ng pelikulang ito ng Viva Films.

Marami kasi ang nag-aakalang nanumbalik ang relasyon nila ni DJ dahil nakikitang dumadalaw ang aktor sa taping ng Galema, ang ABS-CBN afternoon series na idinidirek ni Wenn, katuwang si Toto Natividad.

Matatandaang inamin ni Wenn ang sampung taong relasyon nila ni DJ, sa artikulong lumabas dito sa PEP noong September 24.

Tinuldukan nila ang kanilang relasyon noong February 2013.

Read: FIRST READ ON PEP: Director Wenn Deramas finally reveals 10-year relationship with actor DJ Durano

Nagkabalikan na nga ba sila?

Sagotni Direk Wenn, “Magkaibigan na lang talaga kami ni DJ.

"Heto, tinutulungan ko siya, kasi magaling din naman talaga siyang artista.

“Heto nga, inilagay ko siya sa Galema, pero ang direktor niya roon ay si Direk Toto Natividad.

“Wala naman kasi kaming bad blood ni DJ.

“Ang maganda kasi, at the end of the day, dahil may pinagsamahan naman kami—na maganda naman—yung ikakabuti ng tao ang gusto mong isipin.

“Ang importante ay okey na kami sa isa’t isa, at patuloy pa rin ang aming relasyon bilang magkaibigan.

“Siguro, ito ang pinakamagandang nangyari sa amin.”


NEW LOVE. Aminado naman ang 45-year-old director na mayroon na siyang bagong minamahal ngayon.

Isa raw itong non-showbiz guy na ayaw niyang pangalanan.

Nangingiting sabi niya, “Sobrang perfect ang nangyayari.

“Kahit sa sarili ko ngayon, siya ang best influence ko.

“Lagi niyang sinasabi na, ’Alagaan mo ang sarili mo, mag-walking ka, magdiyeta ka.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi pa niyang tungkol sa bagong boyfriend: “Working na siya. Ayaw ko ng bata kasi ayaw kong mag-alaga ng baby!

Dagdag niya, “Malayo ang kanyang mundo.”

Ano naman reaksiyon ni DJ sa bago niyang pag-ibig?

Sagot ng TV and movie director, “Napag-uusapan namin, sinasabi ko sa kanya ang maganda dito sa taong ito.

“Hindi naman siya nangangantiyaw... baka ako ang mangantiyaw sa bago niyang love ngayon!

“Basta, okey lahat.”

BOUT WITH PNEUMONIA. Napag-usapan din ang tungkol sa totoong nangyari sa kanya noong Oktubre.

Unang napabalitang na-mild stroke si Direk Wenn, at naipasok siya sa Cardiac Care Unit (CCU) ng isang kilalang hospital sa Maynila.

Pero parang mabilis ang kanyang recovery.

Paglilinaw ng box-office director, “Mali-mali naman kasi ang balita, e.

“Nagka-pneumonia ako,” paglilinaw niya.

Kuwento ng direktor: “Noong isinugod kasi ako sa ospital, hindi kaagad na-determine na pneumonia—after two days pa.

“So, ang mga doktor, dahil sa symptoms na hindi makahinga, tapos mabigat ang dibdib, tapos pag hinihiga ako, para akong nalulunod, ang akala nila ay sa puso.

“Kaya ako, inobserbahan ako sa CCU... ang mga tao ay stroke kaagad ang ipinagpalagay, e, hindi naman.

“After two days, normal ang aking vital signs, okey ako.

"Pneumonia nga raw kaya ako nagtagal ng sampung araw dahil doon.”


A LESSON LEARNED. Leksiyon daw ito para sa direktor dahil sa sobra niyang pagtatrabaho this year.

Aniya, “Binatukan ako nang husto ng Diyos, na hindi ako robot, tao lang ako.

“Hindi na rin ako bata para abusuhin ko nang ganyan ang katawan ko.

“May natutunan talaga ako rito na, oo, marami kang trabaho, na gusto kong tapusin ang commitments ko, pero heto nga ang nangyari sa akin.

“Right after this, may cut-off na rin ako.

"Right after nito, one at a time na ako, hindi na ako magsasabay ng TV at film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Habang nagti-TV ako ng Galema, magpre-prod tayo ng pelikula. Tapos ng TV, pelikula naman.

“Yung ganoon, may sapat na tulog at magkaroon ako ng buhay naman.”


CREATIVE PRODUCER. Samantala, napag-usapan namin ang tungkol sa pagiging creative producer niya ng When The Love Is Gone, na idinirek ni Andoy Ranay.

Bida rito sina Gabby Concepcion, Cristine Reyes, Jake Cuenca, at Alice Dixson.

Remake ito ng 1983 film na Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi, na idinirek ng yumaong si Danny Zialcita.

Ano ang major responsibility niya sa paggawa ng pelikulang ito?

Sabi ni Direk Wenn, “Kasi meron akong posisyon sa Viva [Entertainment Inc.] kung saan may projects na ako ang nagdidirek, at merong projects na kailangan kong mag-mentor ng ibang direktor para maraming pelikula ay magawa.

"So, heto ang una.

“Actually, matagal nang napirmahan ang contract na ito, pero ngayon pa lang nagkaroon ng katuparan na maiba ako.

“Sobra akong masaya, kasi pagkatapos nito ay nagsunud-sunod na ang trabaho ni Andoy sa Viva.

"Dahil nga sa magaling, maganda, at ibang-iba doon sa puwede kong gawin.

“Kilala ko naman si Andoy.

"Kasi sa unang TV series na ginawa ko, yung Mula Sa Puso [1997], ay assistant director ko na siya—at alam kong may ibubuga.”


BARRETTO ISSUE. Naitanong din namin kay Direk Wenn ang tungkol kay Claudine Barretto, isa sa mga “anak” niya sa showbiz, na nasasangkot ngayon sa maraming kontrobersiya.

Si Wenn ang direktor ni Claudine sa ABS-CBN fantasy series na Marina.

Ano ang masasabi ni Wenn sa sinabi ni Claudine na gusto na niyang makipagbati sa kapatid nitong si Marjorie Barretto?

Read: Claudine Barretto admits missing sister Marjorie; sends feelers for possible reconciliation

Ayon kay Direk Wenn, “Actually, yun ang isa sa naisip ko noong nasa hospital ako.

“Yung konti lang ang puwedeng dumalaw, hindi dahil wala kang mga kaibigan, kundi dahil sa restrictions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, huwag nating sayangin ang puso natin na may galit.

“Huwag nating sayangin ang araw na daraan na hindi ka ngingiti, hindi nakapagbigay ng maganda sa kapwa mo.

“Hangga’t maaari, laging masaya lang.

“Hindi ko pa rin siya [Claudine] nakakausap hanggang ngayon, kasi umiwas nga ako, di ba?

“Pareho ko silang kaibigan at ayaw kong mag-take sides, e.

“Well, sana ay magkaayos na sila.

"Malapit na ang Pasko, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN