Phoemela Baranda clears Anne Curtis’s name: "She did not point her finger at me nor did she dismiss my presence."

Itinanggi ni Phoemela Baranda na sinabihan siya ni Anne Curtis ng pamoso nang linyang; "I can buy you, your friends, and this club!" Sabi ni Phoem: “All she did was express her disapproval over the actions of some individuals present that night. In a matter of hours, Anne apologized to me for her behaviour that night and I had accepted her apology."


Pinabulaanan ng model-host na si Phoemela Baranda na dinuro at sinabihan siya ng masasakit na salita ni Anne Curtis sa insidenteng naganap sa Privé Luxury Club, noong madaling-araw ng November 23.

Sa panayam sa kanya ni Marie Lozano para sa TV Patrol ngayong gabi, December 4, itinanggi ni Phoemela na sinabihan siya ni Anne ng: “I can buy you, your friends, and this club!”

Sabi ni Phoemela, “Hindi niya sa akin sinabi ‘yon, walang… walang ganoon na nangyari o sinabi si Anne, and…

“I’ll continue… hindi niya rin ako dinuro.

“She wasn’t angry at me, she didn’t call me names, walang ganung pangyayari.

“I mean, she said something to me because galit na siya sa... sa ibang individuals doon.”

Ayaw na raw ulitin ni Phoem ang sinabi ni Anne sa kanya dahil agad naman daw nag-sorry ang aktres.

Dahil hindi pinangalanan ni Phoem ang sinasabi niyang "individuals" na nagpagalit kay Anne, bumabalik ang pansin sa naging pahayag ni Anne tungkol sa isang taong nag-udyok daw sa kanya noong madaling-araw ng November 23.

Tumanggi rin si Phoemela na sabihin kung ano talaga ang nangyari sa VIP area ng Privé—isang high-end club sa The Fort Strip, Bonifacio Global City complex, Taguig City—noong November 23.

Paliwanag ng 33-year-old model-host, “I’m not in a position to make kuwento or to say kung ano ang nangyari dun sa… sa may banyo, ‘coz I was on the other side of the VIP area.

“So, kung anuman yung nangyari, I can only say that… kung ano yung nangyari sa amin ni Anne.”



PHOEMELA’S OFFICIAL STATEMENT. Bago pa man lumabas ang panayam ni Phoemela sa TV Patrol, naglabas din ng official statement ang model-host sa kanyang Instagram account.

Halos pareho rin ang laman nito sa naging pahayag niya sa primetime news program ng ABS-CBN.

Narito ang kabuuang pahayag ni Phoemela sa kanyang Instagram account (phoemelabaranda):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Much has been said of the incident which transpired last November 23, 2013 at the Prive Luxury Club between Anne Curtis and several other personalities including myself.

“Although I am not in a position to give a full account of the entire incident, I can confidently say that the reports on what transpired between myself and Anne were not accurate.

“She never expressed any anger towards me.

“She did not point her finger at me nor did she dismiss my presence.

“She also did not say the now infamous line ‘I can buy you, your friends and this club.’

“All she did was express her disapproval over the actions of some individuals present that night.

"In a matter of hours, Anne apologized to me for her behaviour that night and I had accepted her apology.

“As far as Anne and I are concerned, we harbour no ill feelings towards each other and have put this incident behind us.

"I hope that the public will do the same.”



JR ISAAC’S VERSION. Ang mga pahayag na ito ni Phoemela ay direktang pagsalungat sa salaysay ni JR Isaac sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nailathala noong December 1.

Si JR, editor at publisher ng Circuit Magazine, ang isa sa mga taong nakasaksi ng mga ginawa ni Anne sa Privé.

Kasama ni JR sa kanilang mesa ang mga kaibigang sina Leah de Guzman, Czarina Sarte, Nix Alañon; ang showbiz personalities na sina Jake Cuenca at John Lloyd Cruz; ang Privé co-owner na si JM Rodriguez; at si Phoemela mismo.

Ayon sa kuwento ni JR sa PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon, isa siya sa sinampal ni Anne nang lumabas ang aktres sa banyo nang galit na galit, pagkatapos makarinig ng mga katok sa pinto.

Ang dalawa pang sinampal ni Anne, ayon kay JR, ay sina Leah at John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabihan din umano ng aktres si John Lloyd ng: “You are an addict!”

Bukod sa pananampal sa kanilang tatlo, kuwento ni JR, sinigawan at dinuro rin daw ni Anne si Phoemela: “I can buy you, your friends, and this club!”

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Sa pinakahuling pakikipag-usap ni JR kay Jo-Ann kahapon, December 3, pinanindigan nito ang kanyang ikinuwento sa PEP.

Sabi ni JR: "I’m not adding. I’m not changing anything.

“For me, I’ve already said my piece. No more interviews. No more! I’ve said my piece, period.”

Sa panayam ng TV Patrol kay Phoemela kanina, sinabi nitong dahil sa nagpasa-pasa na ang istorya tungkol sa nangyari ay naiba na ang totoong kuwento.

Aniya, “Siguro yung mga kaibigan ko, na nasabihan ko na, on the way out, ‘Anne said something to me.’

“Yung nasabihan ko, nasabi sa iba pa, nasabi pa ulit.

“Hanggang sa ngayon, lahat na ng tao, may kanya-kanya nang version.”

Sabi pa ni Phoemela, ang importante raw ay wala silang sama ng loob ni Anne sa isa’t isa.

Ilang sandali naman pagkatapos maipalabas ang interview ni Phoemela sa TV Patrol ay nag-tweet si Anne (@annecurtissmith):

“Thank you for clearing that @phoemelabaranda Really appreciate it. Thank you…”



ANNE’S OFFICIAL STATEMENT. Ang mga pahayag ni Phoemela sa TV Patrol ay taliwas din sa mismong official statement ni Anne noong December 1.

Dito ay inamin ni Anne na may insidente ngang nangyari noong madaling-araw ng November 23, Sabado.

“For those who have read about the issue, yes, most of it is true,” sabi ng It’s Showtime co-host sa kanyang Twitter account.

Inamin din ni Anne na naparami ang pag-inom niya ng alak kaya naganap ang “unfortunate events.”

Humingi rin ng paumanhin si Anne sa kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang naging behavior.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “As you all see, I’m just like any other person that makes mistakes in life...”

Ngunit wala siyang itinanggi sa mga sinabi ni JR Isaac tungkol sa binitawan niyang mabibigat na salita, kasama na ang mga pag-insulto niya kay Phoem.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Agad namang nagpaabot ng simpatiya at pagsuporta ang ilang mga kaibigan at kasamahan ni Anne sa industriya.

Kabilang na rito sina Vice Ganda, Luis Manzano, at Kim Atienza.

Pinapurihan pa ng mga ito ang ginawang pag-amin at pagtanggap ni Anne sa kanyang pagkakamali.

Read: Vice Ganda, Luis Manzano stand by Anne Curtis amidst controversy: "We are all here behind you."



WHO IS PHOEMELA BARANDA? Si Phoemela ay nagsimula bilang ramp, commercial, and print model.

Noong early 2000s, pinasok niya ang mundo ng telebisyon sa pamamagitan ng paghu-host sa mga programa ng GMA na Eat Bulaga! at Extra Extra.

Noong 2004 ay lumipat siya sa bakuran ng ABS-CBN—ang istasyon kung saan contract stars din sina Anne Curtis at John Lloyd Cruz.

Sa Kapamilya network ay naging host si Phoemela sa mga sumusunod na programa: The Buzz, TV Patrol, Pinoy Fear Factor, at Umagang Kay Ganda.

Nagkaroon din ng ilang acting projects si Phoemela, kagaya ng Mga Anghel Na Walang Langit (2005), Ysabella (2007), Magkaribal (2010), at ang kasalukuyang ipinapalabas na Maria Mercedes.

Nito lamang Oktubre, inamin ni Phoemela sa publiko na mayroon na siyang anak na babae na 15 anyos.

Hindi niya minsan ito inamin sa loob ng 15 na taon. Itinago raw niya ang katotohanan upang protektahan ang kanyang career bilang model at TV personality.

Read: Phoemela Baranda reveals 15-year-old secret: "Naging dalagang ina ako at a very young age."

Napag-alaman ng PEP na si Phoemela ay talent ng Viva Entertainment, ang movie and talent management company na pinamamahaalaan ni Vic del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang larawan at bio-data ay nasa official website ng Viva, ang viva.com.ph, kasama ng iba pang talents na aabot sa mahigit 200.

Ang Viva rin ang namamahala sa career ni Anne Curtis, na siyang top celebrity endorser nito.

Sa kasalukuyan, mayroon siyang 25 endorsements, kasama na ang Smart, Century Tuna, SMDC, Avon, Palmolive, Greenwich, Belo, SM Accessories, L’Oreal, at Audi.

Nalaman din ng PEP mula sa isang industry insider na idinaan muna ni Phoemela sa Viva ang inilabas niyang statement sa Instagram for approval.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN