Justin Bieber rents Willie Revillame’s private jet en route to Tacloban

Balita ng COO WiRe Holdings, Inc. ni Willie Revillame na si Jay Montelibano, nirentahan ng Canadian pop star na si Justin Bieber ang private plane ni Willie, ang Wil Jet, sa pagpunta nito sa Tacloban.


Nasa Tacloban City na ngayon ang Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Dumating sa Pilipinas si Justin kaninang umaga, Disyembre 10, sakay ng isang private jet para personal na makita ang iniwang pinsala ng bagyong Yolanda—na kilala rin sa international name nitong Haiyan—sa Tacloban.

Read: UPDATED. Justin Bieber arrives in the Philippines to visit Yolanda victims

Kinumpirma naman ni Jay Montelibano, ang chief operating officer ng WiRe (Willie Revillame) Holdings Inc., sa Philippine Entertainment Portal na ang sinakyang private jet ni Justin papuntang Tacloban ay pag-aari ng TV host na si Willie Revillame.

Nirentahan ng grupo ng international singer ang private jet ni Willie.

Bukod sa pagiging chief operating officer ng WiRe ni Willie, si Jay ay dati ring business unit head ng defunct TV5 noontime show na WowoWillie.

Ayon pa sa text message na ipinadala ni Jay sa PEP (published as is):

"Willie’s pilot called and informed us that on board kuya’s private jet (w/c was rented) is Justin Bieber, en route to Tacloban. Fyi thanks."

Ayon pa sa nakalap na impormasyon ng PEP, bawal ang magpakuha ng litrato sa loob ng private jet.

Puro foreigners din daw ang laman ng sasakyan, kasama ang security ni Justin, maliban sa piloto at crew nito.

Ayon naman sa Instagram post ng TV5 reporter na si MJ Marfori, nang dumating si Justin sa Tacloban ay masaya siyang nakihalubilo sa mga batang nasalanta ng bagyong Yolanda.

Namigay rin daw ito ng bagong T-shirts sa mga bata.

Bukod pa rito, kinantahan din ni Justin ng Christmas at birthday songs ang mga nagdaos ng kaarawan ngayong araw na ito.

Labis naman daw na kasiyahan ang naramdaman ni Justin na nakadalaw siya sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Sa isang center doon ay nakipaglaro at nanggigil daw sa mga bata ang manager ni Justin na si Scooter Braun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Candian singer naman ay may kinargang isang maysakit na bata at kanya pa itong hinalikan.

Matatandaang naglunsad ng kampanya si Justin sa website na prizeo.com para makalikom ng pondo para sa mga Pilipinong nasalanta ng isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan.

Watch video: Justin Bieber launches campaign to help Haiyan/Yolanda victims

Dalawang araw matapos ilunsad ang kanyang fundraising campaign, nakalikom na ito ng mahigit kalahating milyong dolyar.

Read: Justin Bieber launches fund drive for Yolanda victims; raises half of his $1M target in just two days


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN