Billy Crawford-Coleen Garcia New York vacation sparks romance rumors anew

Bagamat napabalitang namataang magkasamang nagbakasyon sa New York sina Billy Crawford at Coleen Garcia, tila iniwasan ng dalawang maglagay ng kanilang larawan sa Instagram. Si Billy ay nag-post ng picture kasama ang kanyang American friends sa hometown niya sa New York. At si Coleen ay tanging larawan ng kinain niyang ice cream sa Serendipity restaurant sa Manhattan, New York, ang makikita sa kanyang Instagram account.


Hindi mamatay-matay ang isyung may namamagitan sa pagitan ng It’s Showtime co-hosts na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Ito ay sa kadahilanang namataan umano ang dalawa na magkasamang nagbakasyon sa New York kamakailan.

Mabilis na kumalat sa Internet ang isang larawan kung saan magkasamang nanood ang dalawa ng NBA game sa pagitan ng Brooklyn Nets at Milwaukee Bucks.

Ginanap ang naturang laban sa Barclays Center sa Brooklyn, New York, noong December 27.

Bagamat nanatiling tahimik sina Billy at Coleen tungkol sa isyung ito, malinaw na parehong nasa New York ang dalawa nitong nakaraang Holidays.

NEW YEAR VACATION IN NEW YORK. Noong December 29, nag-post si Billy sa Instagram ng larawan kasama ang kanyang American friends sa New York, kung saan nakabase ang pamilya ng singer-dancer-host.

Kalakip nito ang caption na: “It’s good to be back home!!! PFL 4 Life.”

Nag-post din si Billy ng kanyang solo photo sa isang beach, habang nakatingin sa isang bonfire, noong December 31.

Sabi pa ni Billy sa kanyang caption: “Burn all the negative and leave it in 2013. Welcome 2014 with a big ass smile. HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!”

Noong January 1, New Year, nag-post naman si Coleen ng larawan ng ice cream na kuha sa Serendipity 3, isang kilalang ice cream place sa Manhattan, New York.

Mayroong ding Instagram post si Coleen na ang background ay mga puno na kuha rin daw noong January 1.

Halatang masaya ang 21-year-old It’s Showtime co-host base sa isinulat niyang caption nito.

Sa kabila raw kasi ng mga sakit na pinagdaanan niya noong 2013, ipinagpapasalamat ni Coleen ang lahat ng mga magagandang alaala at mahahalagang aral na natutunan niya sa buhay.

Sabi pa niya, “It doesn’t matter how many times you fall, as long as you know how to pick yourself up and keep walking. So here’s to a better you, and a better me. A better year for all of us! Cheers to the new year!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, pareho nang nakabalik sina Coleen at Billy sa Pilipinas, at balik-trabaho rin sila muli sa It’s Showtime.



JUST FRIENDS? Matatandaang isang taong nakarelasyon ni Coleen si Gab Valenciano bago sila naghiwalay noong March 2013.

Si Billy naman ay anim na taong nakarelasyon si Nikki Gil bago sila naghiwalay noong July 2013.

May mga nagsasabing wala namang masama kung maging sina Billy at Coleen dahil pareho silang single ngayon.

Ngunit mayroon ding mangilan-ngilang naiinis dahil tila si Coleen ang dahilan ng hiwalayang Nikki at Billy, sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng huli tungkol sa bagay na ito.

Sabi ni Billy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 24: “Hindi ako nanliligaw.

“Not right now, huwag muna tayong magmadali sa mga ganyan.

"Siguro, I just have to enjoy being myself.

"Hindi ko naman maiwasan kung ano sinasabi ng ibang tao, hindi ko mapipilit, hindi ko sila mapipigil.”

Read: Billy Crawford on being linked to Coleen Garcia: "Hindi ako nanliligaw."

Maging si Coleen ay pinanindigan na hindi siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Billy at Nikki.

“Ako na lang palagi ang third party, e, ano?

“Yun naman ang palaging akala nila, e, na ahas ako.

“Pero ang masasabi ko lang, hindi,” pahayag ni Coleen sa isang panayam na ipinalabas sa Buzz Ng Bayan noong November 3.

Sinabi rin ng 21-year-old singer-TV host, “workmates” lang ang turingan nila ni Billy.

Ngunit kung sakaling magparamdam daw ang binata sa kanya ay aaminin niya ito sa publiko.

Read: Coleen Garcia reacts to rumors linking her to Billy Crawford


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN