PEP EXCLUSIVE. Ai-Ai delas Alas confirms divorce from Jed Salang finalized

Single na muli ngayon ang komedyanang si Ai-Ai delas Alas pagkatapos igawad ng Las Vegas court ang divorce papers nila ng dating asawang si Jed Salang. Pero ayon kay Ai-Ai, ngayong 2014, magpapahinga muna siya sa pag-ibig.


Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na naaprubahan na ang divorce papers nila ng dating asawang si Jed Salang.

"Oo, granted na, wala lang ako kopya pa."

Ito ang ipinadalang mensahe ni Ai-Ai delas Alas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, Janauary 16, nang kumpirmahin namin ang tungkol sa divorce nila ni Jed.

Kahapon, January 15, nagpaabot din ng mensahe ang PEP sa Comedy Concert Queen, sa pamamagitan ng email, tungkol sa isang video post niya sa Instagram (@aiaidelasalas) noong January 12.

Bahagi ng naturang insta-video ang mga salitang: “Divorce decree now issued. I just check the LV court website.”

May caption pa itong nagsasabing “single” na muli ang ang 49-year-old comedian.

Aniya, “100% SINGLE 😄😃😀😁😁😁 #movingon #movingforward #thankyoulord #happiness #2014pasabog #gandangpanimula.”

Hindi pa malinaw kung anong petsa naigawad ng korte sa Las Vegas ang divorce papers nina Ai-Ai at Jed.

Ngunit sabi ng komedyana, hinihintay na lang niya ang kopya ng nasabing dokumento.

Mensahe pa niya, “Wala pa sa ’kin... Pag nasa akin na, I’ll call you. Thank you.”

LOVE STORY GONE BAD. Ikinasal sina Ai-Ai at ang businessman na si Jed Salang sa Las Vegas, Nevada, noong April 3, 2013.

Malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ng dalawa ang dumalo sa naturang kasalan.

Read: PEP SCOOP: Ai-Ai delas Alas is now Mrs. Jed Salang, according to sources

Read: Ai-Ai delas Alas and Jed Salang confirm wedding in Las Vegas

Pero matapos lamang ang halos isang buwan, naghiwalay agad ang dalawa.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms split from husband Jed Salang; cites physical abuse and third party as reasons



FANS, FRIENDS, FOLLOWERS, HAPPY FOR AI-AI. Marami namang mga kaibigan at followers ni Ai-Ai ang kaagad na nagpaabot ng mensahe ng pagbati sa kanyang Instagram account sa pagkakaapruba ng divorce niya.

Mensahe ng matalik na kaibigan nitong si Lito Alejandria: “Congrats Partner @aiaidelasalas… Lets celebrate.. Enjoy wherever you are… Excited much for our escapades… Cheers!!!!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ai-Ai: “@mamalits YES PARTNER EXCITED AKO SA BAKASYON NATEN YAHOO!!! Tnx partner finally.”

Isa namang follower na may handle name na @dani_2626 ang nagsabing: “Congrats pile @aiaidelasalas !!!!!”

Tugon ni Ai-Ai: “@dani_2626 CHIKKKKKKKKKK YAHOOOOOOOOOOOOOOOOO.”

Sabi naman ni @maitaarcega: "@aiaidelasalas kaya pala po you were so happy lastnight sa starbucks ms aiai! We were sitting near ur table! Congrats po!”

Balik-mensahe ni Ai-Ai: “@maltaarcega oo nga parang nagulat panata kayo kasi kakatext lang ng father in law ko.”



“PAHINGA MUNA.” May nagsabi namang ngayong single na si Ai-Ai ay mahanap na raw sana niya ang lalaking magmamahal sa kanya nang totoo.

Mensahe ni @ajyukie15: “Yahooooo!! Sana ngayung 2014 Ms. Ai mahanap mo na ang lalaking totoong magmamahal sayo!! God bless you po!!”

Sagot ni Ai-Ai: “@ajyukie15 hehhehe slamat pahinga muna next time hehhehe.”

Komento naman ni @angkis18: "Mabuhay ang mga soltera hehehe!”

Tugon ni Ai-Ai: “@angkis18 mabuhay!!!”

May isa namang follower si Ai-Ai na nagkomento nang hindi maganda laban sa kanya.

Ayon kay @bratinela16: “good job! magtanda ka na! di staus symbol ang married! Liability symbol yan.”

Tugon ni Ai-Ai dito: “@bratinela16 mema lang te… (MEMASABI LANG) ayos kung makapagsalita ahhh close tayo?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN