Amy Perez, Marc Logan pressured to fill in Korina Sanchez’s radio timeslot

Paliwanag ni dzMM Station Manager Marah Faner Capunan (far left), Hulyo pa lang noong 2013 ay nagsabi na sa kanila si Korina Sanchez na gusto nitong pagtuunan ang kanyang pag-aaral at magbitiw muna sa teleradyo niya.

In this photo (second from left): Ging Reyes, ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head, Amy Perez, Marc Logan, and Dingdong Marco, head of dzMM Program and Production Services. (Inset: Korina Sanchez)


Aminado sina Amy “Chang” Perez at “Kaka” Marc Logan na matindi ang pressure sa kanila bilang hosts ng magazine-talk show na Sakto sa dzMM, na papalit sa iniwanang daily morning teleradyo program ni Korina Sanchez—ang Rated Korina.

Lunes hanggang Biyernes ang programa, mula 10 a.m. hanggang 11 a.m.

Sabi ni Amy, “Siyempre naman, kung may hihigit pa sa pressure cooker, [ito ay] kung saan kami nailagay ngayon—yun ang pakiramdam namin.

“That’s why nga pinapaalala rin namin sa mga tao na bigyan din kami ng pagkakataon because ang offer namin ay iba naman from the format of Madam Korina.

“Alam naman namin ‘yon, ramdam namin ‘yon from day one.

"Kaya nga nangangatog kami ni Kaka na kung meron pang higit pa sa salitang pressure cooker.”

Ang sabi naman ni Marc, “We can never really fill [in] the shoes of Madam Korina… tsinelas niya na lang.”

Ang biro ni Marc ay pagtukoy sa Tsinelas Campaign ni Korina kung saan namimigay siya ng tsinelas sa mga bata.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sina Amy at Marc sa pocket press conference nila sa 9501 Restaurant ng ELJCC Building, sa ABS-CBN Compound, kanina, January 22.



KORINA’S BLESSING. Ibinahagi rin ni Marc na tiwala si Korina na maitatawid nila nang matiwasay ang programa.

Ang Sakto ay tumatalakay sa social issues tungkol sa pamilya, human interest, at tagumpay para makapagbigay inspirasyon.

Sabi ni Marc, “Meron kaming narinig tungkol sa kanya [Korina] na sinasabihan niya yung mga nag-e-expect sa amin, ‘Kaya naman nina Marc at Amy ‘yan.’

"So, si Madam na rin mismo ang nanawagan na, ‘Give them the chance’ na maging maaliwas ang timeslot na iiwan niya sa listeners and the viewers of teleradyo.”

Samantala, inusisa rin ang dzMM executive, na kasama sa pocket presscon, sa isyung minadali raw ang teleradyo program na Sakto upang ipalit agad sa programa ni Korina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbibitiw ni Korina sa programa kanyang teleradyo show noong January 4.

Ngunit patuloy pa naman ang paghu-host ng veteran broadcast journalist ng Rated K at TV Patrol sa ABS-CBN.

Read: Korina Sanchez resigns from radio show; continues anchor duties on TV Patrol and Rated K

Nabigyan ng kulay ang pagre-resign ni Korina dahil sa naging isyu nila noon ni Anderson Cooper, anchor ng CNN at AC360°, noong kasagsagan ng pagbabalita tungkol sa pinsalang idinulot ng bagyong Yolanda.

Matatandaang nag-ulat mula sa Tacloban City si Cooper at nagpahayag ng kanyang obserbasyon na mabagal ang dating ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Ang kabiyak ni Korina na si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang siyang head ng rescue and relief operations sa Tacloban City.

Sa programang Rated Korina sa dzMM ay binatikos ni Korina ang American senior news anchor at sinabing hindi raw nito alam ang kanyang sinasabi.

Ikinagalit naman ng netizens ang komentaryong ginawa ni Korina laban kay Cooper.

Read: ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Isang linggo pa ngang nawala si Korina sa kanyang teleradyo sa kasagsagan ng isyu, at inisip ng marami na sinuspindi siya dahil sa kanyang mga naging pahayag laban sa CNN anchor.

Pero sinabi ng isang source na hindi nasuspindi si Korina kundi nasa bakasyon lamang ito.

Read: UPDATED Korina Sanchez is on vacation, not suspended — source


NOT OVERNIGHT. Nilinaw ni Marah Faner Capunan, dzMM station manager, na hindi ura-urada ang konsepto ng Sakto.


Noong nakaraang taon daw ay nagsabi na si Korina sa kanila.

“To set the record straight, Korina talked with me as early as [the] latter part of July or August [2013].

“Nagsabi ho talaga siya, nagpaalam siya na kailangan niyang tutukan yung kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I asked her kung conflict ba talaga yung schedule, saktong-sakto yung schedule [school] niya dun sa oras ng programa niya,” sabi ni Capunan.

Dagdag ng station manager, umapela pa sila kay Korina na baka puwedeng magawan ng paraan na schedule, pero hindi talaga puwede.

“As early as August [2013], Dingdong was informed about it,” ani Capunan, na ang tinutukoy ay si Dingdong Marco, Head of Program and Production Services ng dzMM].

“Kami ni Miss Ging [Reyes, ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Head] were already discussing kung ano puwedeng ilagay na programa sa timeslot [ni Korina].

“Hindi ito overnight lang... We’ve been discussing this months before [going on-air].”

Sundot ng PEP.ph kung babalik ba si Korina sa dzMM o sa pang-umagang timeslot na iniwan nito kapag natapos na ang kanyang pag-aaral.

Sagot ni Capunan, “Wala namang specific arrangement for that.

“Of course, we don’t want to pressure Koring [palayaw ni Korina] also, to give her time to attend to her schooling.

“Alam niyo naman po na pag ikaw ay isang Kapamilya, you’ll always be a Kapamilya.

“Si Koring minsan ay nag-leave na rin siya sa dzMM, noong 2009, if I’m not mistaken, para sa 2010 election period.”

Sinuportahan kasi ni Korina noon ang asawang si Mar Roxas sa kandidatura nito para sa pagka-bise presidente.

Natalo si Mar kay Vice President Jejomar Binay.

Patuloy ni Capunan, “More than a year after, nakabalik naman siya, so ganun naman po yung sistema dito sa ABS-CBN.

"Of course, we will always be open for any development."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN