Jhong Hilario bursts into tears; walks out on It’s Showtime

“Gusto ko lang sabihin na hindi madali yung ginagawa namin dito sa Showtime…” Ito ang naiiyak na pahayag ni Jhong Hilario (larawan sa kanan) nang maalala niya ang pambubugbog at iba pang problemang kinahaharap ng matalik na kaibigan at co-host niyang si Vhong Navarro (larawan sa kaliwa).


Sa episode ng It’s Showtime kahapon, January 28, hindi napigilan ni Jhong Hilario na mapaiyak nang maalala niya ang kalagayan ngayon ni Vhong Navarro.

Bukod sa pagiging mag-co-host sa It’s Showtime, parehong miyembro sina Vhong at Jhong ng Streetboys, isang all-male dance group, noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

Matapos ianunsiyo ang napiling grand finalists para sa segment na "That’s My Tomboy," inamin ni Jhong na napukaw ang kanyang damdamin nang marinig ang kuwento ng contestant na si Epey Herher.

Ayon kay Epey, ang namatay niyang best friend ang nagsisilbing inspirasyon niyang tuparin ang pangarap na maging singer.

Si Jhong ay isa sa mga hurado sa nabanggit na reality competition sa It’s Showtime.

“Talagang kayong apat ay deserving na nandito sa stage…

“Pero yung talagang pumukaw talaga... yung hindi ko mapigilang umiyak e yung istorya nung pangalawa [Herher], kasi napag-usapan yung kaibigan,” pahayag ni Jhong, na nakangiti at pilit pang tumawa noong una.

Ngunit nang muli siyang magsalita ay garalgal na ang boses niya at halatang naghihirap ang kalooban.

“Gusto ko lang sabihin na hindi madali yung ginagawa namin dito sa Showtime,” sabi ni Jhong.

Sa puntong ito, bagamat pilit niyang pinipigilan ang kanyang emosyon, tuluyan nang napaiyak si Jhong.

Ilang sandali pa ay nagsabi ito ng “Sorry, Direk,” sabay tayo at mabilis na lumabas ng studio.

Maging ang It’s Showtime co-hosts niyang sina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, at Billy Crawford ay biglang nanahimik at napaluha na rin.

Ngunit kahit halatang naghihirap din ang kanilang kalooban, pagkatapos mag-walkout ni Jhong ay itinuloy ni Vice Ganda ang paghu-host ng show.

Noong Sabado, January 25, bago nagsimula ang programa ay pinangunahan ni Anne ang pag-alay ng panalangin para sa kaligtasan at tuluyang paggaling ni Vhong.

Ipinagdasal din nila na makayanan ng actor-host ang pagsubok na pinagdadaanan nito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Anne, “Vhong, we love you and we’re here for you.”

Personal ding binisita ni Anne si Vhong sa ospital noon ding araw na iyon.

VHONG’S ORDEAL. Noong January 24, Biyernes, unang pumutok ang balita tungkol sa nangyaring pambubugbog kay Vhong.

Naganap ang naturang insidente sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City, noong January 22, Miyerkules.

Read: Vhong Navarro tied, blindfolded, and beaten by six unknown men

January 25, Sabado, nang iulat ng 24 Oras ng GMA Network na may isang 22-taong-gulang na babaeng estudyante ang naghain ng police blotter laban kay Vhong, dahil sa reklamong attempted rape.

Read: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by a 22-year-old student, says blotter report

Ngunit agad itong pinabulaanan ni Vhong sa kanyang panayam sa The Buzz ng Bayan noong Linggo, January 26.

Dito ay ibinunyag ni Vhong na ang complainant sa naturang police blotter ay si Deniece Millet Cornejo, na nakilala niya dalawang taon na ang nakararaan.

Nagkita lang umano sila ulit nang magpunta si Vhong sa condo unit ng dalaga noong January 17.

Nasundan pa ang pagkikita nilang iyong sa condo unit Deniece noong gabi ng January 22.

Ngunit ayon kay Vhong, biglang sumulpot si Cedric Lee, tinutukan siya ng baril, iginapos, at saka pinagsasapak.

Pilit din umano siyang kinunan ng video ni Cedric at iba pang hindi kilalang kalalakihan habang pinapasabi sa kanya ang mga katagang ito: “Ako si Vhong Navarro, at ni-rape ko ang kaibigan ko.”

Pagkatapos ay dinala si Vhong sa isang presinto kung saan ipina-blotter ni Deniece ang actor-host dahil sa attempted rape.

Bagamat hindi raw totoo ang akusasyon ni Deniece na tinangka niya itong gahasain, napilitan umano si Vhong na pirmahan ang police blotter dahil sa takot.

Ito ay sa kadahilanang binantaan umano siya ni Cedric na papatayin siya at kanyang pamilya kapag hindi siya sumunod sa gusto nitong mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Vhong, pilit umano siyang pinagbabayad ni Cedric ng P1 million bilang kabayaran para sa “damage mo kay Deniece.”

READ: Vhong Navarro: "Hindi po ako rapist."

DENIECE AND CEDRIC REFUTE VHONG’S STATEMENT. January 27, Lunes, nang magpaunlak naman sina Deniece Cornejo at Cedric Lee na kapanayamin ng media upang bigyang-linaw ang kanilang panig.

Pinanindigan ni Deniece na noong gabi ng January 22 ay pinagtangkaan siyang halayin ni Vhong.

Ngunit hindi raw natuloy ang masamang balak ng actor-host dahil biglang dumating ang mga kaibigan niyang sina Cedric at Bernice Lee upang magbigay ng saklolo.

Bilang patunay, nabanggit ni Deniece na itutuloy na niya ang kanyang balak na magsampa ng kasong attempted rape laban kay Vhong sa mga susunod na araw.

Read: PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo on Vhong Navarro: "Pinakitaan ko siya ng kabutihan, sinuklian niya ako ng kasamaan."

Read: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Kaugnay nito, pinubulaanan din ni Cedric ang mga paratang ni Vhong laban sa kanya.

Ang tanging pagkakamali lang umano ni Cedric ay ang ginawa nitong pambubugbog kay Vhong.

Ngunit nagawa lamang daw niya iyon bilang proteksiyon sa sarili dahil nanlaban ang actor-host, matapos itong mahuli sa akto na pinagsasamantalahan si Deniece.

Ang actor-host pa raw ang nakiusap na huwag nang isapubliko ang tungkol sa blotter report dahil masisira ang career nito.

Ngunit sa huli, si Vhong daw ang hindi tumupad sa kanilang usapan.

Read: Cedric Lee claims it was Vhong Navarro who begged Deniece Cornejo not to file attempted rape complaint: "Ayaw niyang masira yung career niya."

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee denies extortion allegation of Vhong Navarro’s camp: "I don’t need to resort to that kind of raket para kumita ng pera."

Agad din namang bumuwelta ang kampo ni Vhong at hinamon sina Deniece at Cedric na magsampa ng kaso, upang magkaalaman na kung sino ang nagsasabi ng totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vhong Navarro’s lawyer on threat of Cedric Lee and Deniece Cornejo to file charges against actor: "Do it. Just do it."

Sa kasalukuyan, nakapagsampa na ang kampo ni Vhong sa Department of Justice ng kasong illegal detention, grave threats, grave coercion, blackmail, at serious physical injuries laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Ocampo, other suspects

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention case


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN