Patricia Javier reacts to Vhong Navarro’s ordeal; regrets past with Cedric Lee

Noong 2005, inamin ng dating aktres na si Patricia Javier na naghiwalay na sila ng kanyang karelasyong may asawa. Pero noong mga panahong ‘yon ay hindi nito pinangalanan si Cedric Lee. Sa panayam ngayon kay Patricia, inamin nitong pinagsisihan niya ang naging ugnayan nila ng negosyante.


Nagbigay ng pahayag ang dating aktres na si Patricia Javier tungkol sa nangyaring pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Mula nang pumutok ang pambubugbog kay Vhong, isa sa mga lumulutang na pangalan ay ang dating sexy star na si Patricia.

Ito ay dahil nga sa napabalitang relasyon noon ni Patricia kay Cedric Lee, isa sa itinuturong nambugbog kay Vhong noong gabi ng January 22 sa condo unit ng modelong si Deniece Cornejo sa Forbeswood Heights, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa panayam ng North America News Bureau ng ABS-CBN, na lumabas din sa ABS-CBN Online ngayong araw, February 3, sinabi ni Patricia na naging emosyunal siya nang nakita niya ang bugbog-saradong mukha ni Vhong.

“Napaiyak na lang ako ng nakita ko yung sitwasyon niya.

"Kumbaga, sa akin kasi, ayoko nang balikan kung ano man yung nangyari sa akin in the past.

"Kasi andito na ako, maayos na ang buhay ko, tahimik, ayoko ng paguluhin.”

Nakabase na ngayon sa Amerika si Patricia, kapiling ng kanyang asawa at dalawang anak.

Mensahe pa niya kay Vhong, “Gusto ko lang sabihin kay Vhong na magpagaling ka and maraming nagmamahal sa ’yo, I think buong Pilipino, lahat ng mga kababayan natin.”



“I DON’T WANT TO SAY ANYTHING…” Ikinalulungkot din daw ng sexy actress turned DJ na nababanggit ang kanyang pangalan sa mga report, lalo na kapag nauungkat ang nakaraan ni Cedric.

Aniya, "Right now, I don’t want to say anything about it, kasi wala naman ako dun sa mga pangyayaring ’yon.

"Hopefully, lahat maging maayos, na kung ano man ang nangyari kay Vhong ay magkaroon siya ng justice kung sino talaga ang may kasalanan."

Inamin din ni Patricia na naging masakit ang desisyon niyang umalis ng Pilipinas at magpunta sa Amerika.

Sabi niya, "Pero I think that’s the right decision for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m so thankful na when I accepted God into my life, parang mas maraming blessing nang dumating, kagaya ng nagkaroon ako ng asawa na masasabi kong sa akin."

Ayon kay Patricia, siyam na taon na silang walang komunikasyon ni Cedric.

Pinagsisihan din daw niya ang kung anumang namagitan sa kanila ni Cedric.

Saad niya, "Tao lang tayo, nagkakamali, ‘di ba?

"Pero dahil dun sa mga pagkakamaling ’yon, dun naman tayo natuto.

"Tutal, nandito na ‘to, na tinatanong mo ako about him, gusto ko na lang humingi ng sorry sa family niya kung nasaktan ko sila before.

"Hindi ko po sinasadya.”

Taong 2005 nang magkaroon diumano ng relasyon sina Patricia at Cedric.

Hindi pinangalanan noon ni Patricia kung sino ang karelasyon niya, ngunit umamin siyang may asawa na ang lalaki.

December nitong nakaraang taon ay bumalik sa bansa si Patricia upang magbakasyon.

Read: Patricia Javier back in Manila as DJ G Love


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN